Thursday, January 26, 2012

PARA MALIGTAS SA NAGLILIPARANG BALA

"SATUM PECATUM PICABIT
CRISTUM LEVERATUM OPERA
OPERA HUM LIBRE DEI TODO"

Dasaling pausal-usal sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Paraan ng paggamit; dasalin o sambitin ng pabulong sa sarili.

Thursday, December 15, 2011

DUGTONG AHAS

TAWA-TAWA / GATAS-GATAS

PANAMBAL SA KAGAT AHAS

Panambal rin ito sa kagat ng ahas, hindi lang alam ang eksaktong pangalan ng herbs na ito, mabisa raw itong panambal kahit sa hayop, natesting na ito sa kalabaw, pero sinasabi na mas mabisa pa rin ang Dugtong Ahas...

(Photo taken from Bicol)

KALIGTASAN SA PANGANIB

Bigkasin ang sumusunod na ORACION bago umalis ng bahay upang maligtas sa panganib at kapahamakan.

"Jehovah aser Ehjeh
Cather Epeion Ehjeh"

KARUNUNGANG LIHIM 5 (Ang Gayuma)

Ang mansanas, ang berbena at ang kakabsoy (kakapsoy) o palakang may kamandag (Sapo) mga bagay rin naman na may kabuluhan ng una, sa karunungang mahika. Ang kakabsoy ay dapat hulihing buhay, sa madaling araw ng biernes sa pagbubukang liwayway ng araw; talian sa paa saka ibitin sa isang siminea o pausukan, kung tuyong tuyo na, pulbusin sa isang almiris; pagkatapos balutin sa isang kapilas na papel saka ikubli sa isang altar na pinagmimisahan, kunin sa ikatlong araw sa oras na katulad ng ilagay sa altar o dambana ng walang nakakakita; kung itoy masunod asahan ng binatang gagawa nito na siya'y may mabuting gayuma na totoong napakabisa. Sukat na ilagay o ibubod sa isang bulaklak, saka ipagregalo o ibigay sa isang binibini, ang pagkakasabi ang babaeng makakaamoy nito ay susunod ng papikit mata sa lalaking gumawa nito.


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 4 (Nang mapabait ng babae ang kanyang asawa)

"Nang mapabait ng babae ang kanyang asawa: sinasabi na ang pagkukuintas ng sungay ng usa ay mabuti sa isang babae ng siya'y laging sundin ng kanyang asawa."


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 3 (Nang makilala ng isang binibini ang lalaking kanyang mapapangasawa)

Nang makilala ng isang binibini ang lalaking kanyang mapapangasawa: Sa loob ng isang silid maglagay ng dalawang salamin na magkatapat sa dingding, yaong may kalakihan at dalawang kandila na ang bawat isa ay itutulos sa harap ng mga salamin. Sa kahating gabihan, yaong walang nakamamalay ay sindihan ang dalawang kandila at pagkatapos sabihin sa tatlong ulit itong sumusunod:

"KTO, ENOH SONNJOY,
KTO MOFI VIAJNOY,
TOT POKA JESTRIR NINIE"

Pagkasambit ng mga bulong na ito ay tumingin sa isa sa mga salamin at tingnan sa kabila na nakatapat at sinasabing sa may gawing madilim na malayo ay masisinag ang mukha ng lalake o binatang magiging palad.



Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 2 (GAYUMA)

GAYUMA:

Nang mapaibig ang sinomang binibini: Isang gayuma itong napakagaling ang sabi ng mga marurunong ng una. Humuli ka ng isang dumalagang kalapati na di pa inaasawa, kunin mo ang puso at ipakain sa isang ulopong. Kung ang ulupong ay namatay sa pagkakain ay may palad ka, putulin mo agad ang ulo, patuyuin mo hanggang mawala ang amoy; pulbusin mo at ito ang ilagay sa alak, lemonada, tubig na ipaiinom sa binibining iniibig at kahit ka pangit kagagaanan ka ng loob.



Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez