Wednesday, August 28, 2013

ZOMBIE

Ang sentro ng mundo ng mga "zombie" ay ang isla ng Hispaniola, sa kanlurang bahagi ng Indies. Marami sa mga manggagawa dito sa mga taniman ang naniniwala sa mga "BOKORS" ito ay mangkukulam na may kakayahan na buhayin ang mga namatay nilang mahal sa buhay subalit walang sariling isip at mistulang mga puppet. Ang mga biktima ay ginagawang alipin ng "bokors". Ang ideyang Carribean patungkol sa mga zombie ay may katotohanan, at ang mga zombie na ito ay makikitang naglalakad-lakad sa mga daan sa iba't-ibang panig ng isla.  Ilan sa mga ito ay mga yumaong miyembro ng kanilang pamilya o mga kaibigan na naging zombie,upang maiwasang mangyari ang ganito ang ilan sa mga namamatayan sa nasabing lugar ay nilalagyan nila ng mabibigat na bato ang himlayan ng kanilang mga mahal sa buhay, upang hindi sila manakaw ng mga bokors. Ayon din sa nabasa ko noong high school pa ako, yong iba naman ay nabibilitang putulin ang paa ng yumao ng sa gayon hindi na pag-interesan pa ng mga bokors.

Ang katotohanang ito ay sadyang nakakatakot, kahit na hindi naman ito ginagamitan ng kapangyarihan na galing sa ibang mundo. Ayon sa mga ekspertong psychiatrist kanilang sinasabi na ang mga taong natataguriang zombie sa alamat ng Haiti ay merong seryosong karamdaman na may kaugnayan sa pag-iisip. Sangayon naman sa ilang komentarista kanilang sinasabi na ang ideya ng zombie ay ang simpleng paraan upang ipaliwanag ang mga taong wala sa normal na kondisyon. Pinaniniwalaan rin na ang paggamit ng natural na katutubong sangkap ay nagagawa ng mga bokors na magkaroon ng ganitong karamdaman ang kanilang biktima.

Gamit ang kemikal na tinatawag na "tetrodoxin", na natatagpuan sa isdang butete (puffer fish), ang biktima ng bokor ay magkakaroon ng matinding pagkaparalisa. Kung saan aakalain ng kanyang kapamilya na siya ay patay na, at ito ay kanilang ililibing. Ang kakulangan ng oksihino (oxygen) sa loob ng kabaong ay magiging dahilan upang magkaroon ng depekto sa utak, at kapag dumating na ang bokor para kunin ang bangkay, ang biktima ay bibigyang lunas gamit ang substansya na tinatawag na "datura stramonium" o "zombie cucumber" na isang uri ng droga na komokontrol ng kaisipan. Ang ibang lason, na matatagpuan sa palaka sa tubuhan (cane toad), ay pwedeng i-extract na magsisilbing "hallucinogens" at "anaesthetics" sa biktima. Ito ay magdadala sa kanila sa permaninteng pagkawala sa sarili (trance), at hindi makakaramdam ng anumang pisikal na sakit, at higit sa lahat ay isang banta sa mga tao sapagkat nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng bokors.

SOMA

Terminong ginagamit sa himno ng Rig-Veda, isa sa apat na sagradong kasulatan ng India (ang iba ay ang; Sama Veda, Yajur Veda, at ang Atharva Veda). Ang mga pangunahing katuruan ng Vedas ay nasa porma ng upanishads, kung saan merong 108 na nangungunang kasulatan at ilang bilang ng hindi masyadong importanteng kasulatan. Sa ika-siyam na kapitulo ng Rig-Veda ay naglalaman ng 114 na bersikulo na nagpupugay sa "SOMA", ang ambrosia ng mga bathala at siya ring nagbibigay ng imortalidad. Malinaw rin na ang "soma" ay tumutukoy sa nakakalasing na inumin (may posibilidad na gawa sa milk-weed asclepsias acida na sinasalarawan sa Yajur Veda bilang; maitim, may kakaibang asim at walang dahon). Ang inuming ito ay inihahandog ng mga pari para sa dios, kalimitan sa pormang alak tulad ng sakramento ng relihiyong Kristiyanismo bilang simbolismo.

Nang ika-dalampung siglo, ilang manunulat, isa na dito si R. Gordon Wasson sa kanyang aklat na "SOMA, Divine Mushroom of Immortality (1968), kung saan hinihinala na ang "SOMA" ay ang "amanita muscaria" (uri ng kabute na merong taglay na epektong "hallucinogenic") sa mistisismong Indian ito ang nakakapagpalango sa kanilang mga tinuturing na pari. Ang suhestyon na ito ay lumabas mula sa pananaliksik ni Wasson sa Mexico, ng kanyang matuklasan ang practice ng relihiyon ng Mazatec Indian kung saan ang mga ito ay gumagamit ng kabuteng may hallucinogenic na epekto.

Ang teorya ni Wasson ukol sa SOMA ay naging kaakit-akit noong 1960's panahon ng "psychedelic revolution, at naging fashion ito upang palawakin ang pananaw ni Wasson na ang "trancendental revelation" ay nakakamit sa paggamit ng "psychedelic drugs". Isa pang manunulat, si John M. Allegro, ay nagmumungkahi sa kanyang aklat na "THE SACRED MUSHROOM AND THE CROSS (1970)" na ang kwento ng pagkakapako ni Jesus ay isang simbolikong alamat na likha ng "psychedelic drug".

Ang nakalalangong inumin ay tanyag na noong unang panahon pa man sa; Ehipto, India, Gresya at Roma. Ang babala patungkol sa pagkalasing ay nababanggit na sa mga sinaunang kasulatan, isa na dito ang Bibliya, sa Kasabihan ni Solomon, sa Isaiah, Jeremiah, Amos at Oseas. Sa relihiyong Kristiyano, si apostol Pablo ay nagreklamo tungkol sa pagkalasing sa agape, o "love feasts" na natural namang ipinagdidiwang. Si Novation, ama ng simbahan noong ika-tatlong siglo ay nagsabi sa mga kristiyanong nag-ayuno na sa umaga ay simula na ito ng inuman, ibubuhos ang alak hanggang sa mawalan ng lakas, at malasing bago pa man kumain. Sa India, ang MANAVA DHARMA SHASTRA (Ordinances of Manu), ang panuntunang pangrelihiyon at tungkulin ng sibilyan, ay ipinagbabawal ang pagkalasing sa mga paring Brahmin at malinaw na sinasabi na ang SOMA ay inuming mula sa halaman, hindi mula sa kabute. Minsan ang halamang ito ay tinataguriang "moon plant," ang soma ay tradisyonal na inuugnay sa buwan.

Sa yoga meditation, sinasabi na ang totoong soma o "elixir of life" ay ang pag-iisa ng dalawang enerhiya ng "kundalini" sa katawan ng tao, na maghahatid sa mataas na estado ng kamalayan. Sa ibang mistiko naniniwala sila na ang kundalini ay isang enerhiya na nahihimlay sa kuyukot (base of the spine o coccyx) na nagiging aktibo sa normal na pamumuhay, katulad ng pakikipagtalik, subalit ang sekswal na enerhiya ay nararapat na paakyatin pataas sa mga "subtle channels" ng ating spine patungo sa sentro ng ating ulo, na nakakapagbigay kaliwanagan sa ating kamalayan ng kamalayang mistiko. Ang layunin ng ilang porma sa yogang pagsasanay ay patungkol ito sa pag-iisa ng araw at buwan, ang mainit at malamig na enerhiya ng kundalini sa ating spinal column. Sa tagpuan ng dalawang enerhiyang ito, ang maluwalhating kalagayan ay tinuturing na "drinking of the soma juice", ang daloy ng enerhiya ay "amaravaruni" (wine drinking)".

Ang malawak na simbolismo sa mistisismo kalimitan ay nabibigyan ng maling interpretasyon, na nagiging sanhi ng pagkaligaw ng mga mambabasa at mananaliksik, kadalasan ang interpretasyon ay ginagawang literal katulad ng "pag-inom ng soma" na sa mistisismo ito ay simbolismo lamang. Mag-ingat po tayo lalo na sa mga nababasa natin, baka may ilang pangahas at subukan uminom ng hindi nya nalalaman, at maging dahilan pa ito ng pagkalason o pagkabaliw.

ANG NEKTAR NG IMORTALIDAD

Ang araw ay sinasabing nasa pusod, at kapag ang ulo ay nakatungo, ito ay lumilikha ng lason na nagreresulta sa pagiging mortal. Sa pamamagitan ng kaalamang yoga ay madidiskubre ang bulaklak sa ating lalamunan (visshudhi) at ang bulaklak na ito ay mapapataas upang makakuha ng "soma", ang katas ng imortalidad. Ang soma ay umaakyat pataas hanggang ajna (sentro ng kilay), ang luklukan ng buwan, kapag ito ay mababago bilang isang likidong astral.
Ito ay isinasalarawan sa YOGA SHIKHA UPANISHAD (5:32-33): "Ang potensyal na enerhiya ng universo ay ang enerhiya na kung saan ay may aspetong nasa tao. Ang apoy sa kalawakan, ang araw, ay umuugnay sa pusod ng tao. Sa pusod ang araw ay lason, subalit kapag ito ay idinerktang pataas, nagsisimula itong lumikha ng nektar. Ang buwan ay nasa pinakapuno ng ngalangala, na kung saan ang nektar ay  pumapatak."

Karagdagan pa, sa GHERANDA SAMHITA (3:28-31) ito ang sinasabi: "Ang araw ay nasa panimula ng pusodl at ang buwan ay nasa pinakapuno ng ngalangala. Ang nektar na lumalabas mula sa buwan ay ina-absorb ng araw kaya ang tao ay namamatay. Idirekta ang araw pataas at papuntahin naman pababa ang buwan. Ito ang "vipareeta karani mudra", ang sekreto ng lahat ng tantras. Ilagay ang ulo sa sahig pati ang mga kamay. At ang hita pataas habang nanatili ang ulo na nasa sahig. Ito ang vipareeta karani mudra na pinapalagay na ginagawa ng mga yogi. Ang palagiang pagsagawa ng vipareeta karani mudra ay ang mag-iiwas sa isang tao sa pagtanda at kamatayan, at maging ang pagbabago sa kalikasan ay hindi makakaapekto sa kanya. Siya ay magiging siddha (perpekto) ng lahat ng mundo."

Ang pisikal na sekresyon ng glandulang thyroid, pituitary, pineal at adrenal ay nakokontrol sa ganitong pagsasanay. Ang soma ang pinakamahalagang produkto ng katawan at ang pagsasanay na khechari mudra pati ang vipareeta karani mudra ay ang paraan upang mapreserba ang sekresyon. Ang yogi na nakakagawang mapapatak ang likido patungo sa taas ng nasal sa pamamagitan ng pagtaas ng dila sa palatal cavity sa kalambutan ng ngalangala, ang sinumang makatikim nito at hindi tatalaban ng lason maging kagat ng ahas. Ang soma ay tinaguriang "amrit" at ang amrit ay sinasalin bilang NEKTAR NG IMORTALIDAD. Ang direktang kahulugan ay "hindi mortal", nangangahulugan na imortal.

Sa totoo lang ang pinakasentro ng buwan ay nasa itaas ng ngalangala, kung saan ito ay tumutugon sa pisikolohikal na lokasyon ng mga glandula. Ang sekresyon na nagmumula sa glandulang palatal ay ina-absorb at tinutuyo ng glandulang nasa parteng ibaba. Kapag ang sekresyon na nagmumula sa ngalangala kahit papano ay na-preserba, ang tissue ng katawan ay babagal ang pagkasira nito.

Ang kaisipan, soma at likidong astral ay nauugnay sa sentro ng buwan ng ajna. Ang soma at likidong astral ay nagbibigay lakas sa ating kaisipan; ang lakas na ito ay kinakailangan upang makatagal sa mga pagsubok sa buhay ispiritwal. Sa pagpapabago ng mahalagang likido mula sa manipura patungo sa soma, ang nektar ay matitikman sa likuran ng bibig mula sa pinakapuno ng ngalangala. Ang epektong ito ay makakapagpabago sa istraktura ng buong katawan. Maraming yogi ang nakaganap ng ganitong praktis na kung saan naabot nila ang mataas na antas ng kamalayan, nagkamit ng mga siddhis (mistikong kapangyarihan) at nabuhay ng napakatagal. Nabuhay sila na may perpektong kalusugan at kamangha-manghang lakas upang matagalan at maging masaya sa kabila ng mga pagsubok sa mala-ermitanyong pamumuhay. Ang mga yogis na katulad nila ay kalimitang naninirahan sa matataas na bundok, sa napakalamig na kapaligiran ng walang anomang kasuotan, o magarang tirahan o apoy man na magsisilbing tagapagbigay init, at konti lamang ang kinakain nila kalimitan ay mga dahon at prutas sa araw-araw. Karamihan sa kanilang may ganitong pamumuhay ay umabot sa edad na 200 at 300 na taon.