Sunday, January 29, 2012

MGA MITO NG DIOS INA ANIMASOLA SA PANAHON NG DIOS AMA FOOC AT ANG PAGPAPLANO NG PANAHON NG DIOS ANAK

Ganito ang pagpapakilala ng Dios (isang babae) sa mito: Ako ang Tangi’t Una (Animasola), ang pinagmulan ng may hawak ng liwanag at ng dilim na liliwanagan. Ibig sabihin: siya, ang Dios na Liwanag, at ang Walang Hanggang Dios (o Infinito Dios) ay iisa. “Amuman" ang ngalang nakasulat sa kanyang balabal. Siya ang una sa Pitong birhen (sa mito, ang unang nilalang ay pitong birhen na ang isa'y si Animasola o Amuman).


Lumalang si Amuman ng bulaklak na may tatlong persona: sina Magugab, Mariagob, at Magob. Ipinasok ang bulaklak sa loob ng kristal, at ipinasok ang kristal sa isang gintong kaban.  Pinabantayan ito sa pitong arkanghel na kanya ring nilikha.
 
Lumikha ang ikatlong nuno (isa sa mga birhen) ng tatlong banal na espiritu. Ang ikaapat ay lumikha rin ng tatlo at gayon din ang ginawa ng ikalima.
 
Nagtangka ring lumikha ang dalawampu't apat na espiritu. Nagsalita ang Dios na anyong mata at nagpakilala: “Ako ay mata, ako ang Dios ninyo, at aka ang espiritung tunay ng kaliwanagan; ako ang alaala, bait, loob." Lumalabas sa kuwentong ito na ang tinig ay mas mataas sa Amuman at Siete Virgenes.
 
Ang dalawampu't apat na espiritu o matatanda ay pinagkaisahan naman ang Birhen na lumabas sa kristal na ipinasok sa kaban. Ang birhen ay ang bulaklak na walang iba kundi si Maria sa langit, sa lupa, at sa himpapawid. Naniniwala sa tatlong Mariang ito ang mga samahang Ciudad Mistica de Dios, Tatlong Persona Solo Dios at Bathalismo, Inang Mahiwaga. Sa ibang pakahulugan, ang tatlong Birhen: Ina nag-uusap at lumalalang ay siya ring Tatlong Persona o Santisima Trinidad.
 
Sa kalagitnaan ng mito, magpapakilala ang tinig bilang Dios Fooc, na sa paniniwala ng siete virgenes ay kanilang pinagmulan. Batid rin nila na ang tinig na ito ang naghahawak ng lahat ng kapangyarihan. Ayon sa Dios Fooc, siya ay "Mula sa walang pinagmulan at hanggang sa walang hanggan. "Samakatwid, siya rin ang Infinito Dios o Dios na Walang Hanggan. Pinakamakapangyarihan man siya sa lahat at walang kapantay, binigyan pa rin niya ng kalayaan ang nunong babae na lumikha. Nilikha nito, bukod sa mga espiritu, ang Sator o apat na arkanghel na umaalalay sa apat na sulok ng mundo.
 
Matapos lumikha ng mabubuting espiritu na paris nila ang tatlong nunong babae (sina Helnag, Amuman at Hemspag), binalak nila, kasama ng Dios Fooc, ang pagbaba ng Santisima Trinidad Helnag upang magkatawang tao. Si Helnag ay ikalawang Persona ng unang nunong babae, si Amuman. Nilikha rin ng tatlo si Luxbel, ang magdudulot ng pasakit na pagtitiisan ng ikalawang persona. Naisip din ng tatlo ang gagawing Ina ng Anak ng Dios na magkakatawang-tao, pati na ang lalaking magpapasan ng krus ng kamatayan. Inisip na rin nila ang kanyang pangalan" Ayon sa Dios Fooc, nalikha na niyang lahat ito. Nilikha naman ng tatlong H.A.H. ang hahatol sa Anak ng Dios na si Pilato. Sinabi ng Dios Fooc na siya na rin ang gawing katawan ng Ina na sasakop sa taong makasalanan. Sa gayon, ang Kristong Tagapagligtasa, ng Dios Fooc, at ang  ikalawang Persona na si Helnag ay iisa. Nilikha na rin ang Apat na Pako ng H.A.H. na lingid sa kanila'y nalikha na ng Dios Fooc. Ang Ikalimang Pako ay nilikha naman ng ikalimang Nuno sa  pamamagitan ng oracion. Ipinadala na rin ang mga salita sa Rotulo kay Pilato. Ang mga salita ay INRI - ang kahulugan ay pangalan ng Anak na babae ng Dios. Sa kabilang dako, niiikha naman ng H.A.H. ang krus ni Kristo pati na ang dalawang taong magpapako. Ang dalawang taong ito ay pinapasok muna sa loob ng bato hanggang sa dumating ang takdang panahon at araw na sila'y dapat lumabas upang gampanan ang kanilang papel.
 
__________________________
Source:
ANTING - ANTING, Nenita Pambid

6 comments:

  1. Gud pm bro admen. miron po sana akong itanong, miron po akong Medallon hugis diamund. ang nka ukit sa baba, e2 po JC,JC,JC at ang sa paligid po e2 D,S,E,E,H,E,E 1 eye sa gitna at sa likod Magka dugtong na ukit (MMM) bndang itaas sa ilalim (ROMA) at sa bandang kaliwa hindi ko cgurado kung 4na M midyo burado na kc ang isa at sa gitna babae na my hawak na bata parang nag papa didi, pwede ko po ba malaman ang ora nito? nag serch po ako tungkol d2 kaya nkita ko po ang daigdig, e2 po ang FB ko mg pabs alihap pk pm u lang po ako sa inbox tnx po

    ReplyDelete
  2. kaibigan 09352458660 eto ang numero ko

    ReplyDelete
  3. pwede bang makabili ng libro ng sator

    ReplyDelete
  4. Kasi yung lolo ko dumadayo pa sYa dati sa minduro para makipag kaibigan SA mga mangyan ng minduro..
    Lagi syang maydalang sardinas pambigay sa mga mangyan ng Mindoro.. Ops hindi basta mangyan ang sinasabi ko.
    Hindi yung mga nakikita sa kalsada o .. Sa Mindoro lang sila ma pupuntahan.. KiNa kaibigan nya ang mga ito.. Mga 2monts.. Din bago nya naka close mga mangyan.. Kusa kang bibigyan ng mga mangyan ng orasyon.. Pero mas maganda kung makukuha mo yung orasyon kayang bumuhay ng mga agimat na walang buhay.. O orasyon na kahit Tagalog ei kaya nitong magkabisa..

    Tandaan .. Hindi ipinagyayabang ang orasyon o agimat.. Ni hindi ito dapat ipaalam sa iba.. Hindi din ito pinaglalaroon.. Sarili mo lang dapat ang nakakaalam..
    Maari din mawala ang visa ng orasyon kung malalakdawan ka... Hindi ka dapat nag papalakdaw. Kahit tulog o gising..

    ReplyDelete
  5. Ops tika lang may nakalimutan ako..
    Minsan kalikasan ang nagbibigay ng agimat.. Mutya ito kung tawagin.. Pero hindi ito bato.. O kapirasong kahoy.. O kabibe..
    Ang mutyang ito . dika maniniwala pero kapagkalooban ng diyos na bigyan ka nito wag mung tangihan ..

    Santo niño to pero iba to sa lahat.. Santo na mayroon dalwang bolang hawak..
    Mahirap tung hulihin .. Swerte yung makakakita nito..


    Paalala hindi ito binibili sa albularyo.. O kung sang lugar.. Hindi din to gawa ng tao o makina..

    Gawa ito ng kalikasan..
    Kuha mo na yung point ko.. Sa kagubatan mo to makukuha dipende kung gusto Ka nya.

    ReplyDelete
  6. Dala ng Santo niño yun ang lahat.. Kaligtasan mo .. Gabay mo yun

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD