Friday, June 24, 2011

PREMONITION (Uri ng Psychic Power)

Ang power na mag-interpret sa mga galaw ng katawan niya, tulad ng kaba, sumakit sa katawan, pintig ng katawan, dilang nakagat, naisip niyang tao, nasamid, namalikmata sa isang bagay o tao, nabasag na baso, kuwadro, crystal, sa isang kakatwang pamamaraan, natumbang bagay, galaw ng mga hayop, taktak ng butiki, mga tinig at tunog, mga naririnig na pinag-uusapan.

Kapag ang Premonition ay laging nangyayari sa isang tao, duon bumubukas ang isipan niya sa psychic ability. Dahil sa pagkakapuon ng kanyang isipan sa antas na ito ng kaisipan. Kapag ang mga pangyayaring nagaganap sa kanya ay laging nagkakatutuo, lalong tumitibay ang paniniwala niya na mayruon bahaging psychic power ang kaisipan ng isang tao, na siyang daan para mag-venture siya sa mas mataas na bahagi ng mahiwagang isipan ng tao na tinatawag na Psychic Plane -- ang ESP. Ito ang unang baytang ng tao sa pagiging psychic, kaya masasabing hindi pa ito perfect.

No comments:

Post a Comment