Sunday, November 21, 2010

ASWANG

Aswang (as[aso]+wang[wangis]) sila ay may kakayahang makapagpalit ng anyo, tulad ng malalaking aso, pusa, baboy, atbp. Ito ay kahalintulad ng "lycanthropy" ng Europa na kung saan ang isang tao ay nakakapagpalit ng anyo bilang taong lobo. Maraming uri ng aswang sa ibat ibang bansa subalit mas kakaiba ang aswang sa Pilipinas sapagkat ibat-ibang uri sila at may ibat-ibang katawagan depende kung saang lugar.

Binabanggit sa aklat na sinulat ni Collin Wilson na "Occult" ang Pilipinas raw ay kilala maging sa ibang bansa pagdating sa mga tinatawag nating nilalang sa dilim ito ay kanilang tinaguriang "psychic vampire" sa kadahilanang ang aswang na ito ay astral lamang, na kung saan pinupuntahan niya ang kanyang biktimang maysakit at hinihigop nito ang lakas (life force), kaya kadalasan may mga kwento na kapag hinahabol ang isang aswang bigla na lang itong nawawala dahil sila ay nasa pormang astral lamang. Nagagawa nilang makapaggala kahit sila ay nakahiga lamang at natutulog. Ang astral projection ay maaaring gawin ng sinomang tao dahil lahat tayo ay meron nito sa "theosopy" tinatawag nila itong "etheric double", kailangan lang ng taong marunong upang maituro ang tamang proseso.

Ito ay ilan lamang sa uri ng katawagan sa mga aswang:
Al - alya (Ilocos), Asbo (lakad - Bicol), Garo (Bicol), Hilam (Bicol), Hilang (Bicol), Laryon (Bicol), Layug (lipad - Bicol), Makanlok (Mindanao), Malakat (Pampanga), Manananggal (Bicol), Mandurugo (Bisaya) Motog (Bicol, Bisaya), Moya (Tagalog), Payayang (Bicol), Silagan (Bicol), Wakwak (Bisaya), Wowog (Bisaya)

Aswang Potion:
Egg shell of kapreng manok + coconut oil (1 eye coconut) + ipot of kapreng manok + menstrual blood + oracion = oil of aswang

Orasyon Bicol ng Aswang:
Siri - siri, daing Dios kung banggi.
Haplos sa daghan layog sa kaharungan.
Dagos sa talampakan lampaw sa kakahuyan.

Note: for record purposes only.

10 comments:

  1. anu po ang kapreng manok ..?

    ReplyDelete
  2. Ano po ung walo walo?

    ReplyDelete
  3. Pwede ko po kayong makausap? He to po yung numero ko.. 09059234711 (globe) aasahan ko po kayo..

    ReplyDelete
  4. Pwede ko po kayong makausap? He to po yung numero ko.. 09059234711 (globe) aasahan ko po kayo..

    ReplyDelete
  5. Pano po pag may kakayahan akong mag astral pero walang naniniwala at nakakausap ko din ang mga ibat ibang uri ng engkanto

    ReplyDelete
  6. 3 Studies REVEAL How Coconut Oil Kills Waist Fat.

    The meaning of this is that you literally get rid of fat by eating Coconut Fat (in addition to coconut milk, coconut cream and coconut oil).

    These 3 researches from large medical journals are sure to turn the traditional nutrition world upside down!

    ReplyDelete
  7. Meron po bang aswang na kayang bangungutin ang isang tao na magpakita sa panaginip para ipaalam sa tao na aswang siya? Oh isa lamang siyang babala? Its so weird lang kase?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I need lang po medyo creepy kase siya 😅 you can contact this no. 09368305936 if ever mabasa mo po siya please admin magpakilala ka😂

      Delete
    2. I need lang po medyo creepy kase siya 😅 you can contact this no. 09368305936 if ever mabasa mo po siya please admin magpakilala ka😂

      Delete

Respect is the KEY WORD