ARAL NG BABAYLAN
Tournament ng mga Mutya at AGIMAT
By Late Maestro Col. Genro Ymas
Founder of KOG (Key of God)
Posted August 6, 2019 01:55 PM
1st Daigdig ng Kababalaghan Group
Taong
1975; ng nagbakasyon ako sa Numancia, Aklan.Ipinakita ng tiyahin kong
si Nanay Osing ang mga Agimat at mga Mutya na naiwan ng Bayaw niyang
isang Babaylan na nagngangalan Rodrigo Isidro, na may alias na
Talahib.Bale 68 na piraso at ibat-ibang hugis, kulay, at
gamit.Nagkainteres ako, pero hinanap ko ang Talahib na ito upang
magpaturo sa kanya ng mga pamamaraan at kung ano-ano ang pagagamitan ng
mga batong nasa akin. Sa tulong ng mga kaibigan natuntun ko siya at sa
una naming pagkikita ay nasilaw siya sa akin.Tila napakaliwanag ko raw
kaya para matitigan niya ako ay hinigop niya ang kapangyarihang nasa
akin at nawala ang liwanag at nakapag-usap kami.Talagang gusto na niyang
bitiwan ang mga Agimat at Mutya niya at gusto na niyang mag-aral sa
Divina.Sa puntong iyan nagpalitan kami ng aral.Nagtagal siya sa Mindoro
at sa baryo Alibug, Occidental,may grupo doon ng mga babaylan at buwan
ng September 25, ay may pagtitipun ng lahat ng Babaylan .Naisama niya
ako dito at gusto kong matutu ng lahat-lahat.Dito ay sabay-sabay silang
nag-aalay.May malaking siga sa gitna ng grupo.May tatlong malalaking
baboy na kinatay at mga 13 manok na nabalahibuhan na.Sa simula ng
seremonya na pinangungunahan ni Vicente dela Paz, nagsimulang maghagis
ng maraming kamangyan sa apoy, may inuusal sila na di ko
maintindihan.Ang iba may mga dalang sibat na buho ng kawayan at ang iba
ay pana na ang bala ay buho rin ng kawayan.Nagulat na lang ako ng
magtayuan ang mga baboy na nalinis na at nagsitakbo palayo.Dito
nakaabang ang mga Babaylan na may hawak ng sibat at pinagsisibak
ito.Hiyawan ang mga naroroon.Nang nag bagsakan ang mga baboy ay sinundan
naman ng pagtayo ng mga manok na nagilitan na at nabalahibuhan na.Gayon
din ang ginawa ng mga taga roon at kung tamaan naman ng mga sibat at
pana ay nagbabagsakan na ito.Saka nila kukunin at iluluto.Kanya-kanya
sila ng trabaho sa pagluluto.Akoy manghang-mangha sa pagkat ganito pala
sila.Habang nagluluto ang iba ay pumasok kami sa bahay ng puno na si
Vicente dela Paz, ipinakilala nila kami sa mga kasamahan niya at sa
pag-uusap ay tila may paligsahan (tournament ng mga Mutya).Kabilugan ng
buwan noon at kahit walang ilaw sa labas ay maliwanag dahil sa sikat ng
Buwan.Sa pag-uutos ni Talahib, pumili siya ng limang mutya sa gamit
namin, ang isa ay tinatawag niyang si Pusod kasi sa kabilugan nito ng
kulay itim ay may parang pusod sa gitna, ang isa ay si Sawa,tila isang
bagang ng hayop na sinasabi niyang si Sawa,isa pang bilog na bato na
kulay pula, at si gagamba na kulay brown,at isa pang kung tawagin niya
ay si tao.Pag binasa mo ang likod ng mutya ay may mukha ito ng tao na
nakangiti.Sa takbo ng pangyayari ay may usapan na kung sino ang
makakalaban naming.Lima rin ang kanyang inilabas na mutya.\pinunasan
naming ito ng luya at saka tinuob ng kamangyan at tinawag ni Talahib ang
mga espiritu nito.Tila gayon din ang ginawa ng makakalaban namin.Sa
gitna ng umpukan ay may pinggang bastos na mahaba na pinaglalagyan ng
kanin sa pagkain.Luma siya at matining ang tunog ng pinggan.Sa tabi ng
pinggan ay may kandilang puti at luya sa tabi.Inilagay namin ang aming
mga mutya sa isang sulok gayon din ang kalaban naming.Maingay ang mga
butiki sa paligid, maging sa labas.Naghintay kami kung ano ang
mangyayari.Nang may 20 minutos, biglang naghiyawan ang mga butiki,para
bang ingay ng boxing bago maglaban.Tila nagpupustahan…Maya-maya ay may
gumalaw sa isa sa aming limang mutya, paikot ito palapit sa tumpok ng
kabila.May gumalaw din sa kalaban,umiikot ito ng matining na parang
holen palapit sa gitna.,ang sa amin ay si Pusod ang umiikot palapit sa
gitna .Nang magdikit ang dalawa ay biglang tigil ang hiyawan ng mga
butiki at pati kami ay natigilan at nakiramdam, maya-maya ay may
lumagitik, basag ang kadikitan ni Pusod.Naghiyawan uli ang mga butiki,
pati na ang mga taong nagmamasid sa paligid, panalo kami.Umikot uli
pabalik si pusod sa grupo sabay galaw na naman si Sawa na parang bulate
kung kumilos.Dinampot ng kalaban naming ang nabasag na mutya niya at
gumalaw din ang isa sa kanila at nagpanagpo ulit ang dalawang mutya sa
gitna ng pinggan. Hiyawan uli ang mga butiki, nagdikit uli nabasag uli
ang sa kalaban.Sa pangatlo sumabak si pula, at gayon din ang nangyari,
maghiyawan ang mga butiki, pati ang mga taong nanonood ay tila
nagkakantyawan nagpupustahan din, tila napikon ang kasama nila at kinuha
ang nalalabi pang niyang mutya at pinalitan ng Batong mundo ang tawag,
dito sa parteng ito, kinuha na naming ang aming gamit sa pinggan at tila
nagkakainitan sa usapan.Iba naman ang naglaban at kami ay iniwas ni
Vicente sa umpukan at sa ibang bahay nagpahinga.Hindi ako makapaniwala
sa aking nasaksihan.Sana ikako kung may dala kaming Video o Camera lang
man upang aking ibedensya.,pero hindi pa uso ang Video noon.Nakuha ni
Vicente ang aking medalyong Atardar na may Jose Rizal kapalit ng 4 pang
mutya ng apoy at tubig.Namatay na si Talahib sa kulam ng Mindoro, at
hindi ko narin alam kung buhay pa ang mga taong si Vicente dela Paz na
leader ng grupong Babaylan sa Alibug,Occ.Mindoro…isa yan sa kasaysayan
na hindi ko malilimutan…
No comments:
Post a Comment
Respect is the KEY WORD