Thursday, November 21, 2019

ASTROLOHIYA - SUN & MOON SIGN

Maraming mahilig sa ASTROLOHIYA subalit iilan lang ang tunay na nakakaunawa nito.

Ano nga ba ang tamang terminong gamitin ZODIAC SIGN o SUN SIGN? Ang inyo pong nakikitang larawan ay halimbawa ng ASTROLOGICAL NATAL CHART ng isang individual kung saan makikita nyo ang 12 houses na may simbolo ng bawat astrological sign sa chart makikita nyo ang ?? sa bahay ng ? Pisces at ang buwan ?? naman ay nasa bahay ng ? Sagittarius, nangangahulugan lang na ang signos sa araw o SUN SIGN ay PISCES at ang signos naman sa buwan o MOON SIGN ay SAGITTARIUS. Mas malinaw po di ba, kumpara sa terminong zodiac na tumutukoy sa hayop, eh ang LIBRA, AQUARIUS,, GEMINI at VIRGO ay hindi naman mga hayop.

Sa mga mahihilig sa ASTROLOHIYA, nararapat lang na maunawaan nyo ito mahaba at malawak na talakayan ito, sana sa pamamagitan nito ay naunawaan nyo kahit papano ang bagay na ito...