ASTRAL PROJECTION AT ANG PAMAMARAAN KUNG PAANO ITO GAWIN
Ang ASTRAL PROJECTION ay isa sa mga pinagkakainteresan ng mga
taong nag-aaral ng mistisismo, subalit ano nga ba ito? Maraming
nag-aakala ang "astral body" at "soul" ay iisa, sa katotohanan ay
magkaiba po ito, sa theosophy ang "astral body" ay tinatawag ng
"etheric double" kung saan ito ay parang kadoble ng ating materyal na katawan subalit nasa mas purong porma.
Marami
ring nagtuturo ng pamamaraan nito subalit mismong sila ay hindi nila
nagawa o na-experience man lamang. May mga nagsasabi rin na delikado
ito kapag ginawa mo ay hindi ka na makakabalik sa sarili mong
katawan.Totoong delikado ito kapag ang magtuturo ay hindi marunong sa
dahilang karamihang naisa-aklat noon ay mali ang mga pamamaraan,
kapag may nagturo po na ang projection ninyo ay manggagaling sa pusod
ay huwag po ninyong gawin o subukan sapagkat masasabi kong hindi safe
ang method na yan.
Ang
pamamaraan po nating gagawin ay hindi katulad ng nabanggit ng una,
ang sentro po ng ating projection ay magmumula sa sentro ng ating
kilay (eye brow) na tinatawag ring "third eye".
MGA DAPAT SUNDIN:
1. Dapat hindi gutom at hindi rin busog.
2. Nararapat na mag-isa lang, iwasang may makagalaw sa inyo.
3. Uminom muna ng isang basong tubig.
4. Hindi nirerekomenda na gawin ng taong may sakit sa puso o sa pag-iisip.
5. Huwag gagawin ng nakainom o nakagamit ng droga.
ORAS AT ARAW PARA SA ASTRAL TRAVEL:
- Nakabubuting gawin ito sa ika 9-11 ng gabi, pero lahat ng oras ay pwede.
- Magandang araw para sa Astral Travel ang Huebes at Sabado, pero lahat ng araw naman po ay pwede.
PAGHAHANDA NG SARILI:
1.Mahiga at mag-relax, maging aware sa inyong breathing (inhale... exhale...)
2.Kapag
relax na mag visualize ng SILVERY WHITE na liwanag na babalot sa
inyong katawan bilang proteksyon, sa old tradional magic gumagawa ng
literal ng bilog upang doon mahiga.
ANG PROSESO:
Mag
visualize ng dalawang silvery white na liwanag na pumapasok sa
dalawang hinlalaki ng inyong paa, paakyat ang liwanag at magtatagpo sa
inyong gulugod (coccyx), pataas ang pag-visualize hanggang sa inyong
third eye, kapag na visualize na ninyong nasa third eye ninyo ang
liwanag i-visualize ninyo ang liwanag ay papunta sa inyong pineal eye
(pineal gland) at pabalikin sa inyong third eye at ipagpatuloy ang
visualization papunta sa pineal eye, i-visualize ang liwanag na
pabalik-balik sa inyong third eye katulad ng movement ng pendulum
hayaan ninyong magpabalik-balik ang liwanag, ipagtuloy lang din ang
pagiging relax at pagiging continue ng normal breathing, magmamalay na
lang kayo na nakapag-project kayo.
PAALAALA:
Nakakabubuti na i-practice ito araw-araw, ako man halos ilang buwan ang
ginugol ko bago ko ito nagawa. Huwag mag alala sapagkat ang sakop ng
astral projection at dalawang oras lang, sa ayaw at sa gusto mo
kusang babalik ka sa katawan mo. Habang isinasagawa ang proseso
i-withdraw na muna ninyo ang inyong isip sa materyal na mundo,
sapagkat mahihirapan kayo kapag kung ano-ano ang ipinapasok ninyo sa
inyong isipan, halimbawa "kapag naka-astral na ako sisilipin ko ginagawa ng kapitbahay ko o ng mga kaibigan ko", kapag naging ganito ang takbo ng inyong isipan matatagalan kayo bago ninyo masagawa ang projection. Tandaan na "the more you relax, the more you project."
GOOD LUCK po sa ating lahat...
Encanto Frmbicol
No comments:
Post a Comment
Respect is the KEY WORD