Tuesday, December 29, 2020

NAGING KASAYSAYAN NG TUVO by Late Col. Genro Ymas

 

 
 
 
 
 
 
NAGING KASAYSAYAN NG TUVO
by Late Col. Genro Ymas
KEY OF GOD(KOG) Founder
Posted in DAIGDIG NG KABABALAGHAN
UMBRACULUM MYSYERIUM (DNK 1st Group)
 
 
 
 
 
 
 
PANAHONG Late 60's naging sikat ang testamentong ito na sinasabing gamit ni Fr.Gregorio Aglipay na naibigay kay Late President Marcos, na itong huli ay sinabi ni Imelda Marcos na may NAMANA ang asawa niya na walang katumbas.Maaaring ito rin yon.Minsan pagpupulong ng mga leader ng barangay sa maynila sama na rito ang ibat-ibang Secta ng Spirtiual group, nagtanong si Pres.Marcos sa harap, kung sino ang nakakaalam ng TUVO, marami ang sumagot tungkol sa pipe, Naroroon si Florencio Pascual ng panahon na iyon at siya ang sumagot na Mr.President OWT po. Hindi siya masyadong pinansin subalit pagkatapos ng pagpupulong na iyon ay lumapit si Ver (anak)at sinabing pumunta siya sa opisina ni Pres Marcos at may itatanong.Nang nasa loob na siya,itinanong uli ang TUVO at sinabi niyang , kung pabaliktad ang basa ay OWT po, idinimostrate ni Flor na mayroon kumidlat sa itaas, wika ni Marcos ay iyan din ang sinabi sa kanya ng nagbigay,naputol ang usapan dahil may kausap si Marcos sa ibang linya ng telepono, inabutan siya ng 3 libong piso bilang pamasahe pauwi. Nang pagkatapos ng isang lingo ay pinasundo siya mula sa Divisoria at inihatid sa PSG, ng Malacañang. Doon ay nakita niyang nakaipon ang grupo ng Presidente malapit sa isang malaking puno ng mangga.Pinorma ng Marcos sa isang papel ang gamit na pabaril at idinikit sa malaking puno ng Mangga. Pinabanatan ito sa mga sundalong naroroon at walang sumayad sa puno kahit isang bala.Sabi ng Presidente; IPINAKITA KO LANG SYO ANG BISA NG TUVO. Akala ni Flor ay kukunin sa kanya ang sinasabing kumidlat ,di naman pala.Sabi niya sa President: sir mayroon pang ibang laro iyan.tinawag niya niya ang sundalo at ipinatangal ang magazine, isang bala lang ang ipinalagay sa chamber.ipinatayo ang baril M16,pinalagyan ng 25 centavo sa butas ng barrel,bilang patakip ito.Kinalabit,pumutok, sa pagtataka, hindi natinag ang 25 centavo, hindi ito tumalsik at naroroon pa rin pero pumutok ang baril at nawala ang bala, Saan nagdaAN.Ito ang isa sa kamangha-mangha sa nangyari sa pabaril, meaning nauutusan ang bala kung saan pupunta.Wow galing ano,pagsapit ng 1994, may mga nangyari sa buhay ni Flor at bumulong ang espiritu ng Dios na kukunin na siya 2 buwan mula noon, Inihanda niya ang lahat ng gamit para maipamana niya kay Edward na kaisaisa niyang anak na lalaki, pero hindi ito nangyari sapagkat ayaw tangapin ng anak niyang si Edward, halos tinakpan siya ng mundo ng ayaw tangapin ni Edward, kaya ang nangyari ay pinagpupuntahan niya ang mga kaibigan at kapatid at hayagang ipinamamana ang mga gamit. Sabi kay Lucio, matanda niyang kapatid, utol ito na ang matagal mo ng hinahanap na TUVO, yan ang genuine,pagbalik ng kinabukasan ay magbibigay uli ng gamit, Wika ni Lucio, Tol, ayaw ko ng mga iyan, ang pag-usapan natin ay ang DMI,kung ibang gamit ang paguusapan natin ay umuwi ka nalang.Napilitan si Flor na isulat ito sa papel at iniabot sa kanya.Wika ni Lucio,Tol ,ano ba ang pagkakaintindi mo dito sa DMI, (F)rekta poder sa Dios,(L) sino ba ang nakakarekta poder sa Dios.(F) ang Kristo,(L)kung gayon, ano ang hinahanap mo kay Ka Ilo? Hindi bat siya ang nanunuyo sa iyo para makuha iyan, itinuturo sa iyo ang mga OYA na binigay ni ama.Ano nga ang hinahanap mo sa kanya.Siguro isinurender mo ito kay Ka ilo, kaya nagkaganyan ka…Nabuksan ang unawa ni Flor, naintindihan dahil sa ang inakala niya ay dios ang ATM,dahil wika ni ka Ilo, MAY TATAAS PA BA SA atm?! Ng may ilang buwan ay napasyal si Ka Genro kay Ka Lucio, Sinabi niyang ,pare abot mo ba ang TUVO,ang sagot ko ay alin doon at ano ang sukat, apat na klase kasi iyan..Ganon Ba.Pumasok siya sa kwarto at ng lumabas sinabi niyang ang sukat ay 61.Abot ko pare. Minsan naramdaman ko na mapapalaban kami sa 1st IB,2ID, Phil army ng mahigpitan. Nag-combine ang NPA ng Rizal, Laguna at Quezon Province para ambuhsin ang Battalion naming.Naibigay ko kay Cpl Chadrich Taopa ang 7 crux ng San Benito, pero minsan nasalubong nila ang Bunker sa Cavite, Laguna at sa unang bugso ng mga putok ay nalagasan agad sila ng 2, maya maya ay tinamaan naman siya sa hita,walang dugo pero bumaon ang bala,ng madala sa Hospital ng Frt Bonifacio,hindi naman inopearan at lalabas naman daw kusa ang bala.Pakiramdam ko ay mapapalaban pa siya kaya pinagamit ko ang TUVO. Taong 2006, Dumating sa akin sa akin ang DPA natin, sinabing nakapasok na ang 2 submarine ng US, at isinuporta sa NPA ng LUZON. Malakas na ang armament ng NPA, huwag ko raw ipa-assign ang anak ko sa Luzon at delikado. Buti pa sa Mindanao DAHIL KILALA NATIN ANG ARMAS NG KALABAN dito ay hindi, so iyon ang nangyari, Dahil sa kanya nalaman ng gobyerno natin na ganoon, pero parang walang reaction, MALAKING BAKIT !.. sa 1st IB, sa 2nd ID. Paglabas ng ranger team type nila Cpl Chadrich Taopa sa isang barrio.,7 sila, nasa may gitna ang pltn Ldr at si Taopa ay nasa tabi nito pati ang radio man, sa tapat ni Cpl Taopa pumutok ang Landmine,na nakasabit sa puno.Talsik silang lahat, wika niya para hinambalos sila ng malahiganteng panghataw, tuliro, bingi,at walang Makita,patay on the spot ng 2 sa una at dalawa sa huli.silang nasa gitna at sentro ng Landmine ay buhay, dito na nagpaulan ng bala ang mga NPA,habang bumabanat naman ang mga snippers nito para walang makaligtas,habang tuliro at bingi ay babanat sana si Cpl Taopa pero wasak ang M16 niya, hinagilap niya ang M60 ng kasama at inayos kapagdaka at sinabi sa 2LT ng kasama, sir ikaw ang humawak ng clip ng bala.Tumayo siya ay humarang sa gitna ng karsada habang nagpapaputok ay nagmumura, natuwa sana ang Kalaban dahil kitang kita siya at madaling targetin pero nakatayo parin ito at tuloy ang putok ng M60, sila ang nataranta, anong klaseng tao ito, naispatan ni Cpl Taopa na umuusok ng putok sa isang mataas ng puno, sinundan niya ito ng bala paitaas hanggang bumagsak ang NPA. Maya maya huminto ang putukan, nagtakbuhan ang mga kaaway. Tumahimik, pero maya maya ay nagputukan sa malayo sa kanila,wika nila nasagupa ang mga kasamahan natin sa mga nagtakbuhan. Walang natangap na award dahil 4 ang KIA sa kanila, at kung ikwento sino ang maniniwala..Ikinuento ko ito kay Ka Lucio.Ang wika niya ay 3 dipa kasi ang sakop nito pabilog. Kaya pala naligtas ang 2LT, at ang radioman na nasa harap at likod niya. Kwento ko ito at kwento ng mga nabangit kong pangalan na hangang ngayon ay nabubuhay pa. Salamat din sa DIOS.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD