Tuesday, December 29, 2020

Tournament ng mga Mutya at AGIMAT By Late Maestro Col. Genro Ymas


 

 

                     

ARAL NG BABAYLAN
Tournament ng mga Mutya at AGIMAT
By Late Maestro Col. Genro Ymas
Founder of KOG (Key of God)
Posted August 6, 2019 01:55 PM
1st Daigdig ng Kababalaghan Group
 
 
 
 
 
 
Taong 1975; ng nagbakasyon ako sa Numancia, Aklan.Ipinakita ng tiyahin kong si Nanay Osing ang mga Agimat at mga Mutya na naiwan ng Bayaw niyang isang Babaylan na nagngangalan Rodrigo Isidro, na may alias na Talahib.Bale 68 na piraso at ibat-ibang hugis, kulay, at gamit.Nagkainteres ako, pero hinanap ko ang Talahib na ito upang magpaturo sa kanya ng mga pamamaraan at kung ano-ano ang pagagamitan ng mga batong nasa akin. Sa tulong ng mga kaibigan natuntun ko siya at sa una naming pagkikita ay nasilaw siya sa akin.Tila napakaliwanag ko raw kaya para matitigan niya ako ay hinigop niya ang kapangyarihang nasa akin at nawala ang liwanag at nakapag-usap kami.Talagang gusto na niyang bitiwan ang mga Agimat at Mutya niya at gusto na niyang mag-aral sa Divina.Sa puntong iyan nagpalitan kami ng aral.Nagtagal siya sa Mindoro at sa baryo Alibug, Occidental,may grupo doon ng mga babaylan at buwan ng September 25, ay may pagtitipun ng lahat ng Babaylan .Naisama niya ako dito at gusto kong matutu ng lahat-lahat.Dito ay sabay-sabay silang nag-aalay.May malaking siga sa gitna ng grupo.May tatlong malalaking baboy na kinatay at mga 13 manok na nabalahibuhan na.Sa simula ng seremonya na pinangungunahan ni Vicente dela Paz, nagsimulang maghagis ng maraming kamangyan sa apoy, may inuusal sila na di ko maintindihan.Ang iba may mga dalang sibat na buho ng kawayan at ang iba ay pana na ang bala ay buho rin ng kawayan.Nagulat na lang ako ng magtayuan ang mga baboy na nalinis na at nagsitakbo palayo.Dito nakaabang ang mga Babaylan na may hawak ng sibat at pinagsisibak ito.Hiyawan ang mga naroroon.Nang nag bagsakan ang mga baboy ay sinundan naman ng pagtayo ng mga manok na nagilitan na at nabalahibuhan na.Gayon din ang ginawa ng mga taga roon at kung tamaan naman ng mga sibat at pana ay nagbabagsakan na ito.Saka nila kukunin at iluluto.Kanya-kanya sila ng trabaho sa pagluluto.Akoy manghang-mangha sa pagkat ganito pala sila.Habang nagluluto ang iba ay pumasok kami sa bahay ng puno na si Vicente dela Paz, ipinakilala nila kami sa mga kasamahan niya at sa pag-uusap ay tila may paligsahan (tournament ng mga Mutya).Kabilugan ng buwan noon at kahit walang ilaw sa labas ay maliwanag dahil sa sikat ng Buwan.Sa pag-uutos ni Talahib, pumili siya ng limang mutya sa gamit namin, ang isa ay tinatawag niyang si Pusod kasi sa kabilugan nito ng kulay itim ay may parang pusod sa gitna, ang isa ay si Sawa,tila isang bagang ng hayop na sinasabi niyang si Sawa,isa pang bilog na bato na kulay pula, at si gagamba na kulay brown,at isa pang kung tawagin niya ay si tao.Pag binasa mo ang likod ng mutya ay may mukha ito ng tao na nakangiti.Sa takbo ng pangyayari ay may usapan na kung sino ang makakalaban naming.Lima rin ang kanyang inilabas na mutya.\pinunasan naming ito ng luya at saka tinuob ng kamangyan at tinawag ni Talahib ang mga espiritu nito.Tila gayon din ang ginawa ng makakalaban namin.Sa gitna ng umpukan ay may pinggang bastos na mahaba na pinaglalagyan ng kanin sa pagkain.Luma siya at matining ang tunog ng pinggan.Sa tabi ng pinggan ay may kandilang puti at luya sa tabi.Inilagay namin ang aming mga mutya sa isang sulok gayon din ang kalaban naming.Maingay ang mga butiki sa paligid, maging sa labas.Naghintay kami kung ano ang mangyayari.Nang may 20 minutos, biglang naghiyawan ang mga butiki,para bang ingay ng boxing bago maglaban.Tila nagpupustahan…Maya-maya ay may gumalaw sa isa sa aming limang mutya, paikot ito palapit sa tumpok ng kabila.May gumalaw din sa kalaban,umiikot ito ng matining na parang holen palapit sa gitna.,ang sa amin ay si Pusod ang umiikot palapit sa gitna .Nang magdikit ang dalawa ay biglang tigil ang hiyawan ng mga butiki at pati kami ay natigilan at nakiramdam, maya-maya ay may lumagitik, basag ang kadikitan ni Pusod.Naghiyawan uli ang mga butiki, pati na ang mga taong nagmamasid sa paligid, panalo kami.Umikot uli pabalik si pusod sa grupo sabay galaw na naman si Sawa na parang bulate kung kumilos.Dinampot ng kalaban naming ang nabasag na mutya niya at gumalaw din ang isa sa kanila at nagpanagpo ulit ang dalawang mutya sa gitna ng pinggan. Hiyawan uli ang mga butiki, nagdikit uli nabasag uli ang sa kalaban.Sa pangatlo sumabak si pula, at gayon din ang nangyari, maghiyawan ang mga butiki, pati ang mga taong nanonood ay tila nagkakantyawan nagpupustahan din, tila napikon ang kasama nila at kinuha ang nalalabi pang niyang mutya at pinalitan ng Batong mundo ang tawag, dito sa parteng ito, kinuha na naming ang aming gamit sa pinggan at tila nagkakainitan sa usapan.Iba naman ang naglaban at kami ay iniwas ni Vicente sa umpukan at sa ibang bahay nagpahinga.Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.Sana ikako kung may dala kaming Video o Camera lang man upang aking ibedensya.,pero hindi pa uso ang Video noon.Nakuha ni Vicente ang aking medalyong Atardar na may Jose Rizal kapalit ng 4 pang mutya ng apoy at tubig.Namatay na si Talahib sa kulam ng Mindoro, at hindi ko narin alam kung buhay pa ang mga taong si Vicente dela Paz na leader ng grupong Babaylan sa Alibug,Occ.Mindoro…isa yan sa kasaysayan na hindi ko malilimutan…

NAGING KASAYSAYAN NG TUVO by Late Col. Genro Ymas

 

 
 
 
 
 
 
NAGING KASAYSAYAN NG TUVO
by Late Col. Genro Ymas
KEY OF GOD(KOG) Founder
Posted in DAIGDIG NG KABABALAGHAN
UMBRACULUM MYSYERIUM (DNK 1st Group)
 
 
 
 
 
 
 
PANAHONG Late 60's naging sikat ang testamentong ito na sinasabing gamit ni Fr.Gregorio Aglipay na naibigay kay Late President Marcos, na itong huli ay sinabi ni Imelda Marcos na may NAMANA ang asawa niya na walang katumbas.Maaaring ito rin yon.Minsan pagpupulong ng mga leader ng barangay sa maynila sama na rito ang ibat-ibang Secta ng Spirtiual group, nagtanong si Pres.Marcos sa harap, kung sino ang nakakaalam ng TUVO, marami ang sumagot tungkol sa pipe, Naroroon si Florencio Pascual ng panahon na iyon at siya ang sumagot na Mr.President OWT po. Hindi siya masyadong pinansin subalit pagkatapos ng pagpupulong na iyon ay lumapit si Ver (anak)at sinabing pumunta siya sa opisina ni Pres Marcos at may itatanong.Nang nasa loob na siya,itinanong uli ang TUVO at sinabi niyang , kung pabaliktad ang basa ay OWT po, idinimostrate ni Flor na mayroon kumidlat sa itaas, wika ni Marcos ay iyan din ang sinabi sa kanya ng nagbigay,naputol ang usapan dahil may kausap si Marcos sa ibang linya ng telepono, inabutan siya ng 3 libong piso bilang pamasahe pauwi. Nang pagkatapos ng isang lingo ay pinasundo siya mula sa Divisoria at inihatid sa PSG, ng MalacaƱang. Doon ay nakita niyang nakaipon ang grupo ng Presidente malapit sa isang malaking puno ng mangga.Pinorma ng Marcos sa isang papel ang gamit na pabaril at idinikit sa malaking puno ng Mangga. Pinabanatan ito sa mga sundalong naroroon at walang sumayad sa puno kahit isang bala.Sabi ng Presidente; IPINAKITA KO LANG SYO ANG BISA NG TUVO. Akala ni Flor ay kukunin sa kanya ang sinasabing kumidlat ,di naman pala.Sabi niya sa President: sir mayroon pang ibang laro iyan.tinawag niya niya ang sundalo at ipinatangal ang magazine, isang bala lang ang ipinalagay sa chamber.ipinatayo ang baril M16,pinalagyan ng 25 centavo sa butas ng barrel,bilang patakip ito.Kinalabit,pumutok, sa pagtataka, hindi natinag ang 25 centavo, hindi ito tumalsik at naroroon pa rin pero pumutok ang baril at nawala ang bala, Saan nagdaAN.Ito ang isa sa kamangha-mangha sa nangyari sa pabaril, meaning nauutusan ang bala kung saan pupunta.Wow galing ano,pagsapit ng 1994, may mga nangyari sa buhay ni Flor at bumulong ang espiritu ng Dios na kukunin na siya 2 buwan mula noon, Inihanda niya ang lahat ng gamit para maipamana niya kay Edward na kaisaisa niyang anak na lalaki, pero hindi ito nangyari sapagkat ayaw tangapin ng anak niyang si Edward, halos tinakpan siya ng mundo ng ayaw tangapin ni Edward, kaya ang nangyari ay pinagpupuntahan niya ang mga kaibigan at kapatid at hayagang ipinamamana ang mga gamit. Sabi kay Lucio, matanda niyang kapatid, utol ito na ang matagal mo ng hinahanap na TUVO, yan ang genuine,pagbalik ng kinabukasan ay magbibigay uli ng gamit, Wika ni Lucio, Tol, ayaw ko ng mga iyan, ang pag-usapan natin ay ang DMI,kung ibang gamit ang paguusapan natin ay umuwi ka nalang.Napilitan si Flor na isulat ito sa papel at iniabot sa kanya.Wika ni Lucio,Tol ,ano ba ang pagkakaintindi mo dito sa DMI, (F)rekta poder sa Dios,(L) sino ba ang nakakarekta poder sa Dios.(F) ang Kristo,(L)kung gayon, ano ang hinahanap mo kay Ka Ilo? Hindi bat siya ang nanunuyo sa iyo para makuha iyan, itinuturo sa iyo ang mga OYA na binigay ni ama.Ano nga ang hinahanap mo sa kanya.Siguro isinurender mo ito kay Ka ilo, kaya nagkaganyan ka…Nabuksan ang unawa ni Flor, naintindihan dahil sa ang inakala niya ay dios ang ATM,dahil wika ni ka Ilo, MAY TATAAS PA BA SA atm?! Ng may ilang buwan ay napasyal si Ka Genro kay Ka Lucio, Sinabi niyang ,pare abot mo ba ang TUVO,ang sagot ko ay alin doon at ano ang sukat, apat na klase kasi iyan..Ganon Ba.Pumasok siya sa kwarto at ng lumabas sinabi niyang ang sukat ay 61.Abot ko pare. Minsan naramdaman ko na mapapalaban kami sa 1st IB,2ID, Phil army ng mahigpitan. Nag-combine ang NPA ng Rizal, Laguna at Quezon Province para ambuhsin ang Battalion naming.Naibigay ko kay Cpl Chadrich Taopa ang 7 crux ng San Benito, pero minsan nasalubong nila ang Bunker sa Cavite, Laguna at sa unang bugso ng mga putok ay nalagasan agad sila ng 2, maya maya ay tinamaan naman siya sa hita,walang dugo pero bumaon ang bala,ng madala sa Hospital ng Frt Bonifacio,hindi naman inopearan at lalabas naman daw kusa ang bala.Pakiramdam ko ay mapapalaban pa siya kaya pinagamit ko ang TUVO. Taong 2006, Dumating sa akin sa akin ang DPA natin, sinabing nakapasok na ang 2 submarine ng US, at isinuporta sa NPA ng LUZON. Malakas na ang armament ng NPA, huwag ko raw ipa-assign ang anak ko sa Luzon at delikado. Buti pa sa Mindanao DAHIL KILALA NATIN ANG ARMAS NG KALABAN dito ay hindi, so iyon ang nangyari, Dahil sa kanya nalaman ng gobyerno natin na ganoon, pero parang walang reaction, MALAKING BAKIT !.. sa 1st IB, sa 2nd ID. Paglabas ng ranger team type nila Cpl Chadrich Taopa sa isang barrio.,7 sila, nasa may gitna ang pltn Ldr at si Taopa ay nasa tabi nito pati ang radio man, sa tapat ni Cpl Taopa pumutok ang Landmine,na nakasabit sa puno.Talsik silang lahat, wika niya para hinambalos sila ng malahiganteng panghataw, tuliro, bingi,at walang Makita,patay on the spot ng 2 sa una at dalawa sa huli.silang nasa gitna at sentro ng Landmine ay buhay, dito na nagpaulan ng bala ang mga NPA,habang bumabanat naman ang mga snippers nito para walang makaligtas,habang tuliro at bingi ay babanat sana si Cpl Taopa pero wasak ang M16 niya, hinagilap niya ang M60 ng kasama at inayos kapagdaka at sinabi sa 2LT ng kasama, sir ikaw ang humawak ng clip ng bala.Tumayo siya ay humarang sa gitna ng karsada habang nagpapaputok ay nagmumura, natuwa sana ang Kalaban dahil kitang kita siya at madaling targetin pero nakatayo parin ito at tuloy ang putok ng M60, sila ang nataranta, anong klaseng tao ito, naispatan ni Cpl Taopa na umuusok ng putok sa isang mataas ng puno, sinundan niya ito ng bala paitaas hanggang bumagsak ang NPA. Maya maya huminto ang putukan, nagtakbuhan ang mga kaaway. Tumahimik, pero maya maya ay nagputukan sa malayo sa kanila,wika nila nasagupa ang mga kasamahan natin sa mga nagtakbuhan. Walang natangap na award dahil 4 ang KIA sa kanila, at kung ikwento sino ang maniniwala..Ikinuento ko ito kay Ka Lucio.Ang wika niya ay 3 dipa kasi ang sakop nito pabilog. Kaya pala naligtas ang 2LT, at ang radioman na nasa harap at likod niya. Kwento ko ito at kwento ng mga nabangit kong pangalan na hangang ngayon ay nabubuhay pa. Salamat din sa DIOS.

Tuesday, December 22, 2020

GREEN CHILD AT SI ELIDOR

Sa Chronicon Anglicanum, si Ralph ng Coggeshall ay nagkwento tungkol sa batang lalaki at babae na meron berdeng balat na natagpuan malapit sa isang hukay sa Saint Mary ng Wolf-Pit. Wala silang ibang kinakain kundi pawang mga berdeng pagkain lamang ang nagsasalita sila ang ibang lenguahe. Ang batang lalaki ay namatay, subalit ang batang babae ay natutong magsalita at kumain ng mga ordinaryong pagkain, at siya ay naging normal at nagkkwento tungkol sa isang lupain na dati ng isinilarawan ni Elidor (isang Welsh Folktale na Elidor and the Golden Ball), na inilarawan ni Giraldus Cambrensis sa Itinerarium Cambriae, ito ay nakatala sa kanyang paglalakbay sa mga bansa noong 1188. Si Elidor ay isang pari na kung saan nong kabataan niya ay sinama ng mga dwende sa isang lupain na may gintong kastilyo, isang lugar na napakaganda, na hindi direktang nasisinagan ng liwanag ng araw.

HIGANTE ng Nabunglayan, Gamay Northern Samar

Ito ay base sa kwentohan namin  ng isang taga Samar, we start talking about treasure hunting, hanggang sa nakwento nya ito saken; meron daw nanaginip na taga doon sa lugar nila isang kweba raw na may kayamanan. Subalit, ng puntahan ang lugar na napanaginipan mga buto/kalansay na malaki at mataas kesa sa ordinaryong tao ang kanilang natunghayan. Tinatayang nasa taas na 12-15 ft. ito. Ito ay natagpuan sa Nabunglayan, Gamay Northern Samar, aksidenteng pakatuklas lang ito dahil inaasahan nila mga gintong kayamanan makikita nila. Karagdagan, sa loob ng kweba may mga antigong gamit rin na natagpuan.
 
Note: pictures was downloaded from google, just for representation purposes.

 

ARAL SA TRESPICOS AT SAN BENITO By Late KOG FOUNDER Genro Ymas, Ret. Col.

ARAL SA MEDALYANG TRES PIKOS:
 
1). TRES PIKOS – medalya itong hugis tatlong sulok na may isang mata sa gitna.May tatlong A sa bawat kanto at may salitang R.O.M.A..Ganito rin ang larawan sa likod ng Medalya. 
 
Pinakamataas na gamit ito kung ating lang uunawain.Ito rin ang larawan ng 3pikos sa ating Bandila.Pinalitan lang ng bituin ang 3A. Pinakamataas na sagisag na hawak ng isang bansa, sapagkat walang ibang sagisag na Dios kundi itong Pinas lang.Ang ROMA ay panawag, pagbati sadios.Ang tres pikos mismo ang simbolo ng Dios at ang tatlong A, ay ang kanyang pinagkaisahan kung ang dios mo ay A.G.E….kung Infinito Dios naman ang Dios mo na pang-apat na nagsasalita (Miserere Nobis), ang tatlong A dito ay ang mga naging isda ng nabasag.Sa likod ng medalya ay gayon din ang larawan, at komo nabangit na ito, ang tatlong A, dito ay ang talong persona na humahabol sa Infinito.Ito ang gagawa sa gusto mong mangyari.Nangangahulugan na pitong espiritu ang pumasok o 7A ang saklaw ng gamit na ito.Ang makakauna, ang makabubuo ng gamit na ito.
 
2.) MEDALYA NG SAN BENITO:
Ang Pitong (7) CRUX ng San Benito ang pinakamalakas sa pagtataboy ng masasamang espiritu.Kung demonyo na ang kalaban mo,basagin mo ang P.A.X.Ang kumalat na salansan nito ay pwede na rin sa lahat ng klaseng gamutan pero kung gagamitin sa matinding depensa ay nagbabago ang salansan..Pagkatapos ng pagbati kay san Benito (sentia muniamur etc.I.C.S.isunod ang pinagkaisahan ng 3 kapangyarihan.CRUX SANCTI PATRIS BENEDICTUS; saka isunod ang pang-7 sa crux na may AOE-UI.saka ituloy at pagdating sa PAX ay palitan ito ng JHS at saka tapusin hangang sa huling crux.\lagyan mo ng sustine na tatlong A at sarhan mo ng MMM bilang panghuli.Kung mapaandar mo ito, di putukan kung malapit at nalihis ang bala kung malayo…

 

Monday, December 21, 2020

HIGANTE NG KANDAHAR AFGHANISTAN

Ang Higante ng Kandahar ay ang malaking katulad ng tao na nilalang na sinasabing nakaengkwentro ng grupo ng mga sundalong amerikano sa bundok ng Afghanistan.
 
Sinasabing ito ay may taas na 13 ft. at may bigat na libong tonelada, ito may kulay pulang buhok at balbas. May anim na daliri sa kamay at paa, may dalawang suson ng mga ngipin, may kasuotang gawa sa balat ng hayop, at meron itong sibat.
 
Matapos ang pagkawala ng mga nagpatrolyang tropa ng sundalong amerikano sa labas ng siyudad ng Kandahar noong 2002, ay nagpadala ng special forces para hanapin ang mga ito. Nakarating sila sa bundok na merong kweba, ang mga sundalo ay may mga nakitang mga basag na buto ng tao at wasak na gamit ng mga sundalo sa labas nito.
 
Habang inibistigahan nila ang mga ito, biglang may lumabas na higante sa kweba at tinuhog ng sibat ang isa sa mga kasama nila, na agad nitong ikinamatay. Ang mga natirang sundalo ay nagpaulan ng mga putok sa nilalang na naka engkwentro nila, hanggang sa mapatay nila ito, pero sobrang hirap ang dinanas nila bago nila ito naigupo.
 
Pagkatapos ng engkwentro, ang labi ng higante ay kinuha ng helicopter ng hindi malamang ahensya. Sa kasalukuyan ang tungkol dito ay hindi malaman.
 
Hinihinalang ang higante ng Kandahar ay uri ng NEPHILIM na binabanggit sa bibliya, sa pagtataglay nito ng katangiang katulad ng sa nilalang na ito, katulad ng pulang buhok, anim na daliri at dobleng suson ng ngipin.

 

MAHA MRITYUNJAYA MANTRA

 
Kung sa larangan ng Oraciones may ora ng SAN BENITO bilang pangontra sa peste/salot at sa nakakahawang sakit, sa TANTRA YOGA ay meron namang MAHA MRITYUNJAYA MANTRA na hango sa Rig Veda ( Mandala 7, Hymn 59) na inuugnay kay RUDRA isa sa avatar o incarnation ni Sada Shiva ang tinaguriang Mahayogi kung saan ang mantrang ito ay pumupuksa sa mga sakit, at mga paparating na kalamidad, at kinokontra nito ang hindi inaasahang kamatayan, inaalis rin nito ang takot sa sumasambit nito, at mahimalang nagbibigay ng kagalingan.

Ginagamit ito sa pamamagitan ng pag chant ng 108 na ulit, pwedeng gumamit ng japa mala o 108 beads.
 
"Aum Trayambakam Yajaamahe sungandhim pushtivardhanam urvaarukamive bandhanaat
mrityormukshiya maamritaat"
 
‘We worship the three-eyed One (Lord Shiva) who is fragrant and who nourishes all beings; may He liberate me from death, for the sake of Immortality, even as the cucumber is severed from its bondage of the creeper.’

"DIVINE HEALING" ni Melencio Taylo Sabino


 Mula sa aklat ng "DIVINE HEALING" ni Melencio Taylo Sabino. Naglalaman ng mga orasyon para sa mga karamdamang ispiritual, orasyon sa mga sakit na dulot ng masasamang espiritu. Sa parteng hulihan nito ay mga natural na lunas para sa ilang piling karamdaman.

Aklat ng "KARUNUNGAN NG DIOS"

Sinulat ni Melencio Taylo Sabino noong 1955, naglalaman ng mga Orasyon ng likhain ng Dios ang mundo, mga orasyon ng bawat Anghel na tagatanod sa iba't-ibang araw, mas nakakabuting makita ang nilalaman nito, sa parteng hulihan nito ang mga "ORASYON SA IBA'T IBANG KARAMDAMAN".
Katulad nito:
 ORASYON SA PESTE AT IBA'T-IBANG SAKIT:
"Ecce Crucem Domine Fugite Portis Ad
Verce Vincit Leo De Tribu Juda David
Aleluya Aleluya Aleluya
Nakapaloob din dito ang larawan ng medalyong INFINITO DEUS.

 

Sunday, December 20, 2020

A Collection of Magical Secrets & A Treatise of Mixed Cabalah (Ebook Free Download)

 

A Collection of Magical Secrets Taken from Peter de Abano, Cornelius Agrippa and from other Famous Occult Philosophers and A Treatise Of Mixed Cabalah Which comprises the Angelic Art Taken From Hebrew Sages Translated from Wellcome MS4669 by Paul Harry Barron from the original French manuscript dated 1796 With Introduction by Stephen Skinner & David Rankine This book bridges the worlds of learned magic and village cunning, providing rare and previously unavailable material from the late eighteenth century. It comprises two parts, A Collection of Magickal Secrets and A Treatise of Mixed Cabalah, both of which contain unique and exciting magical material, that were previously bound together in a French manuscript with The Clavicule of Solomon and The Universal Treatise of the Keys of Solomon. These are reproduced along with The Keys of Rabbi Solomon, in the most significant grimoire publication of modern times, The Veritable Key of Solomon by Stephen Skinner & David Rankine. A Collection of Magical Secrets contains a collection of charms, ranging from the very simple to the complex. There are charms for healing, winning in love and gambling, gaining familiar spirits, regaining stolen or lost property, instructions for the creation of magic rings for controlling spirits, and a rare angelic conjuration of a Prince of the Thumb. A wide range of sympathetic magick techniques such as dreaming, poppets, using bread, herbs and sieves, are utilised to ensure the success of the charms. A Treatise of Mixed Cabalah contains four parts, three of which fit together to develop a greater knowledge of the practical Qabalah. This includes a ritual sequence of prayers and actions for increasing knowledge, practical instructions for the construction, consecration and use of wax pentacles for absent healing, a technique for angelic dream incubation and a system of divination with 112 possible answers.

DOWNLOAD EBOOK HERE!