Ganito ang pagpapakilala ng Dios (isang babae) sa mito: Ako ang Tangi’t Una (Animasola), ang pinagmulan ng may hawak ng liwanag at ng dilim na liliwanagan. Ibig sabihin: siya, ang Dios na Liwanag, at ang Walang Hanggang Dios (o Infinito Dios) ay iisa. “Amuman" ang ngalang nakasulat sa kanyang balabal. Siya ang una sa Pitong birhen (sa mito, ang unang nilalang ay pitong birhen na ang isa'y si Animasola o Amuman).
Lumalang si Amuman ng bulaklak na may tatlong persona: sina Magugab, Mariagob, at Magob. Ipinasok ang bulaklak sa loob ng kristal, at ipinasok ang kristal sa isang gintong kaban. Pinabantayan ito sa pitong arkanghel na kanya ring nilikha.
Lumikha ang ikatlong nuno (isa sa mga birhen) ng tatlong banal na espiritu. Ang ikaapat ay lumikha rin ng tatlo at gayon din ang ginawa ng ikalima.
Nagtangka ring lumikha ang dalawampu't apat na espiritu. Nagsalita ang Dios na anyong mata at nagpakilala: “Ako ay mata, ako ang Dios ninyo, at saka ang espiritung tunay ng kaliwanagan; ako ang alaala, bait, loob." Lumalabas sa kuwentong ito na ang tinig ay mas mataas sa Amuman at Siete Virgenes.
Ang dalawampu't apat na espiritu o matatanda ay pinagkaisahan naman ang Birhen na lumabas sa kristal na ipinasok sa kaban. Ang birhen ay ang bulaklak na walang iba kundi si Maria sa langit, sa lupa, at sa himpapawid. Naniniwala sa tatlong Mariang ito ang mga samahang Ciudad Mistica de Dios, Tatlong Persona Solo Dios at Bathalismo, Inang Mahiwaga. Sa ibang pakahulugan, ang tatlong Birhen: Ina nag-uusap at lumalalang ay siya ring Tatlong Persona o Santisima Trinidad.
Sa kalagitnaan ng mito, magpapakilala ang tinig bilang Dios Fooc, na sa paniniwala ng siete virgenes ay kanilang pinagmulan. Batid rin nila na ang tinig na ito ang naghahawak ng lahat ng kapangyarihan. Ayon sa Dios Fooc, siya ay "Mula sa walang pinagmulan at hanggang sa walang hanggan." Samakatwid, siya rin ang Infinito Dios o Dios na Walang Hanggan. Pinakamakapangyarihan man siya sa lahat at walang kapantay, binigyan pa rin niya ng kalayaan ang nunong babae na lumikha. Nilikha nito, bukod sa mga espiritu, ang SATOR o apat na arkanghel na umaalalay sa apat na sulok ng mundo.
Matapos lumikha ng mabubuting espiritu na paris nila ang tatlong nunong babae (sina Helnag, Amuman at Hemspag), binalak nila, kasama ng Dios Fooc, ang pagbaba ng Santisima Trinidad Helnag upang magkatawang tao. Si Helnag ay ikalawang Persona ng unang nunong babae, si Amuman. Nilikha rin ng tatlo si Luxbel, ang magdudulot ng pasakit na pagtitiisan ng ikalawang persona. Naisip din ng tatlo ang gagawing Ina ng Anak ng Dios na magkakatawang-tao, pati na ang lalaking magpapasann g krus ng karnatayan.I nisip na rin nila ang kanyang pangalan" Ayon sa Dios Fooc, nalikha na niyang lahat ito. Nilikha naman ng tatlong H.A.H. ang hahatol sa Anak ng Dios na si Pilato. Sinabi ng Dios Fooc na siya na rin ang gawing katawan ng Ina na sasakop sa taong makasalanan. Sa gayon, ang Kristong Tagapagligtasa,n g Dios Fooc, at ang ikalawang Persona na si Helnag ay iisa. Nilikha na rin ang Apat na Pako ng H.A.H. na lingid sa kanila'y nalikha na ng Dios Fooc. Ang Ikalimang Pako ay nilikha naman ng ikalimang Nuno sa pamamagitan ng oracion. Ipinadala na rin ang mga salita sa Rotulo kay Pilato. Ang mga salita ay INRI - ang kahulugan ay pangalan ng Anak na babae ng Dios. Sa kabilang dako, niiikha naman ng H.A.H. ang krus ni Kristo pati na ang dalawang taong magpapako. Ang dalawang taong ito ay pinapasok muna sa loob ng bato hanggang sa dumating ang takdang panahon at araw na sila'y dapat lumabas upang gampanan ang kanilang papel.
_________________
Source:
ANTING - ANTING, Nenita Pambid
Animasola is the eye/ seeing god. She is different from Infinito de Dios del mundo. Animasola is the highest and the creator of all, in heaven and earth.. 24 nunos in female and 24 nunos in male..
ReplyDeleteAno po bang ibig sabihin nito at saan gamit....sentra deraninegnum sentra vos cruz...salamat po. 09205744555...dave
ReplyDeleteSentra dera inignum sentra vos cruz......ano po ang ibig sabihin nan at paano gamitin salmat po.....09205744555
ReplyDelete