KABUTE (MUSHROOM)
Maraming
kasaysayang nag-uugnay sa mga maliliit na tao sa mga kabute, na ang
biglaang pagsibol at paglaki ay pinagtatakhan ng mga tao noong unang
panahon. Kaya sa kalaunan, ang mga taong may malilikot ng guni-guni, ay
humabi ng kasaysayan na ang supernatural na mga kaganapan sa kanilang
kapaligiran na kanyang pinagtatakahan ay iniuugnay sa mga kabute.
Naniniwala sila na ang kabute ay isa sa mga lugar na pahingahan ng mga
dwende.
Ngunit kung atin masusing sisiyasatin ang bagay na ito
sa sinaunang alamat ng mga Pinoy, ang kabute ay itinuturing lamang
bilang isang masarap na pagkain at walang halong supernatural na
kaugnayan sa mga Faerie.
Nito na lamang pagdating ng mga
Kastila, ang halamang ito ay nakilala bilang tahanan ng mga elementals.
Dahil sa isang pangyayari at sa mga kuwentong bayan dala-dala ng mga
dayuhan.
May dalawang uri ng kabute na nakalalason; ito’y ang
deadly amanita at destroying angel. Karaniwan itong tinatawag na
Toadstools, dahil madalas na makakita ng palaka sa ibabaw nito, na
nakaupo at nag-aabang ng makakaing insekto.
Dahil iniuugnay
nga ang kabute sa mga supernatural na kaganapan, ang European ay humabi
ng isang alamat tungkol kay St. Veit, na tuwing June 15, ang panahon ng
thunderstorm; ay sumasakay daw itong patron sa kanyang kabayong bulag
upang magpunla ng mga kabute sa kanilang dinadaanan. Para mabigyan
lamang kasagutan ang kanilang pinagtatakahang pagtubo ng mga kakaibang
hugis ng kabute at iba’t-ibang kulay nito, na kung minsa’y kumikinang pa
dahilan sa hamog.
Ang mga ganitong uri ng kabute ay
pinaniniwalaan nilang isinasaboy ni St. Veit sa lupa kaya ito’y
malinamnam at masarap kainin. Ngunit ang ibang uri, na may katangiang
nakalalason ay kinokonsiderang isang palatandaan ng pagiging halaman ng
Diablo at ng mga masasamang Fairies. Gaya ng isinasaad sa isang tula na
ito’y kanilang ipinupunla kung gabi.
Ang kabuteng mayroong
pinakamalapit na kaugnayan sa mga Fairies ay ang pulang Fly Agaric
(Amanita Muscaria). Na tulad ng nabanggit ko na ito’y isang mabagsik na
lason. Ngunit kapag kaunti lamang ang nakain ng isang tao, ang epekto
nito ay parang nakalalasing na gaya ng nakainom ng drugs.
Sa
mga sinaunang yogi ang uring ito ng kabute ay ginagamit nila upang
mabuksan ang ‘spiritual vision’ at makita nila ang mga natatagong
dimension. Inaani nila ito kung buwan ng May sa araw ng Fullmoon; at
iniluluto na may halong kunting dugo galing sa kaliwang hinlalaki ng
kanilang daliri. Saka iinum nang kunti pagsapit ng 12:00 A.M.
Dahilan na karaniwang pagkain ng tao ngayon ay tamasik at kulang na sila
nang tiyaga at tatag ng kalooban sa ispiritual na disiplina. Ang
ganitong pamamaraan ng pag-develop ng 3rd eye ay ipinagbawal na.
Sapagkat sa halip na ito’y magdulot ng ispiritual na kaluwalhatian,
negativo at nakalalason na ang tuwirang naging epekto sa ating central
nervous system. Na magpapabago sa metabolismo ng ating katawan at
tuloyang maiba ang pagkakasaayos ng ating genetic code patungo sa mas
pangit na porma.
Sinasabing sa Cebu, ay katatagpuan ng ganitong
uri ng kabute kaya maraming tao na mahilig sa pagtuklas ng karunungan
ang pumupunta roon upang sumobok sa bisa ng naturang kabute.
Noong panahon ang kabute ay nakahiligan kainin ng mga Pilipino, maraming
tao ang sinasabing araw-araw kumakain nito ang nagkasakit nang
natutulog sa luob ng isang buwan at hindi na magising-gising. Ang iba
pagkaraan nang mahaba-haba pang panahon ay nagkaanak sa lahi nila ng
abnormal o freak.
Dahil na rin sa mga kuwentong banyaga, dito
nagpasimula na iugnay ang nasabing pangyayari sa supernatural na bagay.
Para lamang mabigyan kasagutan ang mga bagay na hindi nila lubos na
maipaliwanag at maunawaan. Sa panahong ito ng Castila, ang mga tao
lumikha ng kuwento tungkol sa mga faerie at maging ang palaka na laging
nakikitang nakaupo sa naglalakihang kabute, ay sinabing nuno sa punso o
dwende na nag-anyong palaka.
Ang tunay na dahilan nito kahit
ang kabute na sinasabing puweding kainin at hindi nakalalason, ay may
taglay itong chemical na tulad sa drugs na nagbibigay negativong epekto
para mabago at masunog ang ating genetic film, matagal lamang bago
mag-epekto.
Ang mga Vikings ay nagsisikain ng piraso ng
kabuteng ito para maging mababagsik sa labanan. Ang tawag nila sa
mabangis na kundisyong kaloob ng kinakaing kabute ay “Berserk.”
Sa Viking mythology, isinasaad na si Woden o Odin ay hinahabol ng mga
Diablo, na sakay ng kanyang kabayong may anim na paa, si Slepnir, ang
mabulang-mabula ng laway na nahuhulog mula sa bunganga nito habang
sila’y tumatakbo ay tila-madyik na nagiging pulang kabute – ang Fly
Agaric o Fly Amanita. Ito ang dahila kaya sa paniniwala ng mga Vikings
ay regalo sa kanila ng mga Diyos ang kabuteng ito.
Sa kabilang
banda ang mga Celts ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng Fly
Agaric, kagaya ng ginagawa ng mga Vikings. Kabilang sa pagbabawal na ito
ang lahat ng mga pagkaing kulay pula, kagaya ng rowan - berries, red
nuts at iba pang pulang prutas. Naniniwala silang ang mga pagkaing kulay
pula ay para lamang sa mga Diyos.
Sangayon naman sa mga
natuklasang pananaliksik ng mga kasaysayan hinggil sa bagay na ito. Ang
Ambrosia na sinasabing nectar ng mga Greek Gods, ay walang iba kundi ang
Amanita Muscaria na itinuturing na sagradong kabute na ginagamit ng mga
pangkat ng tao na umaabot hanggang sa Siberia, Mexico at Borneo.
Ang katas ng Fly Agaric ay nagpapasigla sa katawan ng uminom kaya ito’y
masiglang nagsasayaw at nakamamalas ng mga pangitain at nakakausap ang
mga Fairies na hindi nakikita sa karaniwang kalagayan. Ang mga kabute ay
nagsisilbing magic faerie seat o kaya naman ay nagsisilbing susi para
mabuksan ang lihim na pintuan ng kaharian ng Faerie.
Ang iba
pang uri ng kabute na itinuturing na pag-aari ng Faerie ay mayroong
pangalan na hindi maikakaila – ang Yellow Faerie o Yellow Faerie Club,
Slender Elf Cap, Dune - Pixie Hood at Dyad’s Cradle.
Mr. Encanto..... pwede pobang magrequest ng information maipost niyo dito sa blog niyo tungkol sa mga ENGKANTO?... Sinubukan kong maghanap ng impormasyon online pero wala akong makita... May mananawas sa bayan ng Tarlac at hinulaan ako kahit dipakami nagkikita sa pamamagitan ng mga personal kong gamit at may malalim na lihim sa aking mga mata na di niya malaman ng maayos at kung bakit may 2 puting elemento lagi kong kasama at may nagbabadya sa buhay ko itim na elemento na hawig sa tao pero may mukhang parang baboy.... Ano man pong impormasyon maibahagi ninyo ay lubos kopong pinasasalamatan..... JDS
ReplyDeletesana po wag lang tungkol sa alamat ng kabuti..sana nlagay nalang yung info. tungkol sa kabute sa panahon natin ngaun
ReplyDelete