"Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa."
Zepaniah 3:9
Mayroong Pitong lenguahe itinuturing mula pa nuon panahon na may kapangyarihan. Itinuturing itong Sagrado na Lenguage, at ginagamit na makapangyarihang salita magpahanggan sa ngayon. Na ang mga nasabing lenguage ay makikitang sumakop sa daigdig sa bawat taning na panahon.
7 - Sanskrit (Himalaya) - Language of God
6 - Quftic (Egypt) - Language of Astrals
5 - Hebrew (Canaan) - Language of Prophets
4 - Latin ( Italy) - Language of Angels
3 - Celtic (Germany) - Language of Elementals
2 - Avestan (Persia) - Language of Spirits
1 - Akkadian (Sumeria) - Language of Souls
Ngunit ang mga nasabing lenguage ay hindi lamang masasabing may kapangyarihan, kundi may antas ng kapangyarihan kung gaano ito kalakas. Kung ang salitang Latin na itinuturing nating makapangyarihang power words, sapagkat pinapaniwalaang siyang ginamit na salita ni Jesus, ay hindi ang pinakamakapangyarihan Salita, sapagkat ito’y lenguage lamang ng mga Anghel, kundi ang Sanskrit na siyang lenguahe ng Dios.
Ang unang Lenguageng sumakop sa daigdig ay ang Sanskrit; ito ang nagbigay impluwensya sa ibang lenguage dito sa mundo. Makikita na lahat ng salita sa daigdig ay mayruon nakahalong Sanskrit. At ang salitang ito rin ang siyang huling sasakop sa mundo, kaya nga ito tatawagin salita ng Alpha Omega – ang salitang pasimula at wakas.
Kapag ang sangkatauhan ay muling natuto ng nasabing Lenguahe, ang mga nilikhang nasa ibang dimensiyon tulad ng mga Ethereans, ay ganap nang makikipag-ugnayan sa tao. Sapagkat sa pamamagitan ng salitang ito magiging parehas na ang wavelength natin sa kanila.
Makikita rin na ang pitong nasabing lenguahe ay may pagkakahalintulad ng tunog ang mga salita, maging ang pakakapareho nila ng kahulogan. Nang nagdaang panahon maraming bulaang taga-pagturo ang nangaral sa mundo at nagbigay ng sariling pinaghalo-halong salitang may kapangyarihan. Sila’y masasabing isa sa mga Anti-God, dahil nag-imbento sila at nagbigay nang maling paliwanag hinggil sa tunay na ispiritual na pilosopiya ng Dios. Na siya natin makikita sa mga aklat ng oracion at qaballah, at ginamit nila ang mga nasabing makapangyarihang salita sa kanilang pansariling adhikain at pakinabang.
Dahil na rin sa hindi sila tunay na dalubhasa sa mga lenguage, ating makikita na sa kanilang mga oracion, may pinaghahalo silang mga iba’t-ibang lenguage na wala namang ganap na kaugnayan sa nasabing makapangyarihang salita. Hindi na nila isinaalang-alang ang masamang epekto nito sa mga taong mag-aaral ukol dito. Ginagawa nila ito para sa pansariling pakinabang na magkapera – isang negosyo, kahit salat sila ng karunungan sa lenguaheng ito. Ang ibang taga-pagturo ay makikita naman natin na sumisipi ng mga mabubuting salita sa makapangyarihang salita, para makita ng tao ang kabutihan ng kanyang pilosopiya, at pinaniniwalaan naman ng tao sa walang katotohanan. Dahil ang totoo, ay ginagawa nilang mali ang tama, at ang mali, ang siyang ginagawa nilang tunay.
Mayruon naman mga aklat na nagsasaad na galing pa daw ng India, para ang tao ay lalong maniwala sa kanila. Ngunit tingnan mo ang nilalaman ng nasabing occult book, ay pawang Latin at Hebrew at kung anu-ano pang mga salita walang tamang kahulugan, at wala naman salitang Sanskrit. Wala rin makikitang maka-agham na katuruan ang nasabing aklat. Kaya magpahanggang sa ngayon, payak pa rin ang pilosopiya nila ukol sa mga oracion.
Ang isa pang dahilan nito, ang isang oracion ay magulo at halo-halo ang nasasaad sa mga talata. Dahil na rin sa ang mga may akda nito ay bumagsak sa ispiritual at nagsarili. May mga tao naman naakit na malaman ang Yoga, at kanilang ipinangangaladakan sa tao na sila’y nag-aral nito, ngunit ang totoo nuon naakit lamang siyang makinig sa talumpati ng isang guru, na nagbigay lecture ukol sa Sanskrit, at ang power ng guru ay nag-vibrate sa mga naroon.
Dahil sa ang nasabing estudyante ay wala pang ganap na pagsuko sa biyaya ng Kataastaasang Dios at nananaig pa rin ang pansarili niyang pakinabang, tinandaan niya ang nasabing Sanskrit shlokas, para ito ay gayahin, sapagkat nang sambitin niya ito sa kanyang sarili nag-vibrate sa buo niyang katawan, at nalaman niya ang taglay nitong kapangyarihan.
Sapagkat tagasunod siya ng mga okultong pilosopiya, ang kanyang bagong dalisay na karunungan, ay pinaghalo niya sa kanyang mga natutunan at saka nagsarili. Saka binigyan ng pansariling kahulugan.
Ang mga pangyayaring ito’y nagaganap magpahanggan sa ngayon dahil na rin sa ang tao’y naghahangad na siya ang makilala at matanyag, hindi ang Kataastaasan na siyang lumalang ng lahat ng bagay. Ang resulta, hindi niya naaabot na makuha ang buong kapangyarihan ng Mantra na tulad sa isang realized. Ang hindi niya batid nangyayari ito sa kanyang buhay dahil hindi pa siya dalisay tulad ng taglay niyang mantra, kaya hindi niya ito mapa-vibrate ng ganap na kapangyarihan sa kanyang katawan. Ito ang dahilan kung bakit may makikita kayong oracion na may mga halong mantra.
Ang makapangyarihang salita, ay gumagana sang-ayon sa pagiging dalisay ng mantra at kalinisan ng gumagamit nito. At ang epekto ay makikita sa bilang ng syllable ng nasabing mantra, mula sa dalawa hanggan sa labing-anim na syllable. Nararapat rin ang tamang pagkakasunod-sunod ng salita, para makuha ang tamang tunog at ritmo ng kapangyarihan ng mantra. Kaya maling isipin na ang kapangyarihan nito ay lalakas kapag pinaghalo ang mga hindi dalisay na salita sa mantra. Sapagkat ang mantra, maliban sa bilang ng kanyang syllable, ito’y may indayog at diin para makuha ang ritmo nito at incantation. Ngayon sa pamamagitan ng tunog na dumadaloy sa ating isipan tungo sa katawan, ang glands ng ating katawan ay bumubukas at mag-vibrate sa mas higher realm.
Kaya nararapat na para masabing ito’y tunay at ganap na makapangyarihang salita, ito’y binubuo ng sagradong sangkap na mga salita, para ito’y maging isang ganap na transcendental na tunog, na dadaloy sa Parashanti. At kung gaano nakapuon at kadalisay ang iyong isipan at katawan, gayon din naman kalakas ang power nito. At lalong lumalakas at tumatalas sa pamamagitan ng ulit-ulit na pag-chant sa mantra.
Dapat ninyong malaman na ang lahat ng power words ay nagsimula sa salitang AUM. Na sa paglipas ng panahon ito’y binago at nasulat na OM, naging OHM hanggan mapasa sa Egypt at Hebrew na AMEN at sa Arabic ay Aamin. Dahil na rin sa pagsasalin nito, (transliteration) nababago ang nasabing baybay at kung minsa’y pati ang kahulogan.
Maging sa Quaballah, dahil sa wala ng tunay na nakaaalam ng mahiwagang pangalan ng Dios na YHVH, ang nasabing pangalan ay nag-transform sa thousand iba’t-ibang pangalan.
Dito pa lamang ating malilinawan na ang salitang AMEN ay tunay na nagmula sa pangalan ng Dios na OM. Na sa bawat pagsalin at henerasyon, ang nasabing pangalan ay nabago ang letra at nagsimulang dumami nang dahil na rin sa mga taong nagmamarunong na gustong tuklasin ang kanyang mahiwagang pangalan.
Sanskrit: ang lenguaheng ito ay tinawag na wika ng Dios, sapagkat nabuo ang nasabing lenguahe sa pamamagitan nang pakikinig ng mga mystiko sa kanilang meditasyon na ang unang narinig ay ang tinig na “AUM.” Dito nagsimula ang lahat na Sanskrit sound, ito’y kanilang inipon at itinala sa bato sa pamamagitan ng simbolo na tinatawag na Sandhya Bhasa o Twilight symbols.
Note: Ang artikulo pong ito ay hindi akin, ang paliwanag na ito ay nagmula sa dati kung Guru. Akin pong ibinahagi baka sakaling merong aral na makuha dito, ito po ay para sa lahat, nasa ating sarili na lang po kung ating tatanggapin o hindi.
No comments:
Post a Comment
Respect is the KEY WORD