Pages

Sunday, November 20, 2011

REPOST: Pagkuha ng AGIMAT - PAGNAKASALUBONG NG KABAONG NA NAKALUTANG SA ERE at may kandila

Kung sakaling ikaw ay may makasalubong sa gabi ng isang kabaong na nasa ere na may kandila sa ibabaw, ay huwag kang matakot. Gawin mo ang mga sumusunod;
1. Kung gusto mo na tumuloy sa iyong lakad at ayaw mong maistorbo. Hawakan mo at ipaayon mo ang posisyon ng kabaong kung ito ay nakaharang sa daan; sabihin mong; "pumunta ka sa lakad mo at pupunta rin ako sa lakad ko", tuloy-tuloy ang lakad mo at hwag kang lilingon,baka habulin ka.
2. KUNG GUSTO MONG MAGKAROON NG kAPANGYARIHAN. Agawin mo ang nasa ibabaw na Kandila. Biglain mo ang pag-agaw, bigla na hindi akalain ng kabaong, pagmalaman niya ang intestion mo tatakbo ito ng palayo. Kung sakaling iton ay makuha mo titigil na siya doon, makakauwi ka na, pero hwag kang lilingon at hahabulin ka nyan. Kung nasa iyo na, pag ito ay sinindihan mo kahit sa araw at gabi ay hindi ka makikita ng mga mata ng tao, may TAGA BULAG KA;
3. Buksan mo ang kabaong, wag mong pansinin kung sino ang nasa loob, baka ikaw ang nasa loob pagkabukas ng kabaong ay makikita mo ang isang batong Itim, isang Crus, at isang libreta. Kung makukuha mo ang 3 ay masmaganda pero kung minsan isa lang talaga ang makukuha mo. Kaya mamili ka.
4. Kung masalubong mo ang sinasabi kong kabaong ay buhatin mo ito at lumakad ka sa bahay mo ng walang lingon-lingon. Hindi ka mapapansin ng makakasalubong mo. Dumeretso ka sa iyong silid at ilagay mo sa ilalim ng iyong kama, at matulog ng mapayapa. Kinabukasan, pagkagising kunin mo ang kabaong at buksan, malaking kayamanan ang nasa loob nito.
MAMILI KA, ALIN AT ANO ANG GAGAWIN MO...
GENRO
Originally posted in Facebook: DAIGDIG NG KABABALAGHAN, Umbraculum Mysterium

1 comment:

Respect is the KEY WORD