Pages

Sunday, November 20, 2011

Repost: PAGKATI NG NIÑONG BUHAY

Naging bahagi ito ng buhay ko taong early 70's. Humahanga ako sa mga Chinese Film kwentong sinauna na nagliliparan sa ere sa pakikipagdigma, gayon din sa mga Ninja na matataas magsitalon. Totoo bang nangyari ito noon? Hindi naman siguro sila magkaka-ideya kung hindi totoo. Ang kwento nito ay bago pa magka-shaolin Temple. Ang nakakuha ay ipinamahagi ang skill sa temple,kaya may piling magagaling sa temple....

Nakatagpo ako ng isang Albulario sa Bakhaw Norte, Kalibo Aklan na ang pangalan ay Awe Villanueva (Tay Awe kung tawagin ko). Siya ang una kong maestro sa gamit ng San Benito, Batak sa tao at mga sinamak. Matagal na pala siyang nangangate ng Niñong buhay.Ang laki nito ay humigit kumulang sa 5 inches; may kulay brown, agta, pula; may tinatawag na Kabalyero na nakasakay sa kabayong may pakpak, may kasinglaki ng maliit na bata,isang itim at pula, ito ang pinakamalakas.

Ang Lolo Mityo namin ay mayroon nito at kulay brown before World War II, nakikita siyang tinatakbo ang Aklan river, minsan tinatalon na may pasan-pasan pa. Sa arnis kahit batuhin mo ng buhangin sa harap ay hindi papasok ang kaliitliitang bato. Minsan,nakipaglaban siya sa katulad din niyang may Niño,nakikita silang may hawak na 2 itak, naglalaban sa mga dahon ng puno at halaman, bumagsak sa tubig pero nakatayo sa ibabaw nito at sige ang labanan, umabot hangang hapon, hindi nagkatamaan. Sa kwentong ito ng matatanda sa akin ay lalo akong na-inspire na makuha ito. Ang sabi sakin ni Tay Awe kaya niyong habulin ang bala ng baril at masalo pa. Malakas at mabilis ito. Ang kulang kay Tay Awe ay isang pangati, panganay na agas at abitong itim. Ang kakatihin ay isang agtang niño sa Washington, Mabilo, Kalibo Aklan sa isang kawayanan na malapit sa ilog.


Mahal na araw 12:00 O'clock noon sa tabi ng kawayanan kung saan nakatira ang Niño, naghukay ako ng 18 inches lalim,at 1 ft. an luwang. Itinayo ko ang pangkati sa tabi ng butas na hinukay, may alambre ng payong ang pangkati para matibay ang pagkakatayo, kulay pink ito kulay ng isang bagong panganak na sangol, nakaporma itong lalaban na pagnagalaw ang katawan nito ay pipisik ang mga kamay at iisipin ng Niño na totoo nga, nakasuot kami ng abitong itim para di kami makita ng Niño. Naglibing din ako ng ubod ng Badyang (isang malaking dahon ng gabi na makati ang ubod) takot dito ang mga engkanto,kaya kung maipasok sa loob ng ubod ang gamit ay hindi na niya maaagaw ito. Nang handa na kami ay sinunog ko ang Agas na pinatuyo sa init ng araw sa baga, at ito ay umusok sa buong paligid, ng maamoy ng niño ang agas ay may nakita akong ibong palipadlipad. Nang ito ay huminto sa harap namin ay nakita ko ang isang maliit na taong nakahubad na parang buddha, napansin ko rin ang pulang sinturon at nakaipit dito ang pulang tila libro. Lumapit siyang tila Sumo fighter sa pangati. Nilundag niya ang pangati namin, ng ito ay bumagsak sa butas ng lupa ay mabilis akong kumilos para dakmain ang niño. Kamay ng kasama ko ang nadakma ko at pati pangkati namin ay wala na sa butas, nasa labas na ito ay putol-putol ang bahagi, kahoy ng bayabas ang pangkati ko pero putol -putol ito sa isang segundo. Nakita namin siya sa isang sanga ng kawayan at tinatawanan lang kami. Bigo kami sa pagkakataong iyon, nag-usap na lang kami na babalik sa lugar na iyon next mahal na araw.

Sa paghihintay ng susunod na mahal na araw ay may nakilala akong matanda at sinabi sa amin na kulang ang aming sangkap, dahil lahat ng tali, maging nylon o kadena ay kaya nitong patirin subalit ang isang hibla ng abaka ay hindi niya mapapatid, dapat at maraming hibla kami ng abaka na ilalagay sa ilalim ng butas, at pagbagsak nila at nagbuno ay mapapaikutan ng mga hibla ng abaka ang Niño at hindi ito makakakilos, ito na ang pagkakataong masasakmal ninyo siya at naaagaw ang libreta sa kanyang baywang. Pagnakuha mo ang libreta ay lalaki ito kasing laki ng posporo, darating ang puting kapre na nagmamayari sa Niño at aagawin nito sa inyo; lundagin mo agad ang nakatagong Badyang at isiksk ang libro, ang dalawa ay aalis na at makakauwi na kayo sa tagumpay. Sa ora ng libreta ay matatawag mo silang dalawa at susunod sa ipaguutos mo ang nagagawa nilang 2 ay magagawa mo na rin.

Nang sumunod na mahal na araw ay handang handa na kami at ng nagpunta kami sa lugar ng Nino ay namangha kami dahil wala na ang punong kawayan. Sa nakaraang bagyo ay kinain ng baha ang lupa ng kinalalagyan ng Kawayan at itinangay ng baha. Hindi namin malaman kung saan na lumipat ang Niño. Dito nawala ang pangarap naming mahuli ang ninyo.... Sa pagaaral ko, wala na sa Bansang China ang mga ito, sa nakaraang dilubyo, inilipat na sila ng Dios sa isla ng Panay particularly sa bundok ng Madyaas at sa paanan nito matatagpuan ang iba... Bago mahuli ang ninong Kabalyero ay kailangan mayroon kang 3 agtang Niño, at para makati mo ang Niñong kasing laki ng bata ay may 3agta, 3kabalyero para makati ito, at kailangan may tagatlo kang nasabi para makuha mo ang pulang Niño na kasing laki ng bata.. Naalala ko ang Chinese film na THE INVINSIBLE DOWN, pinagtulungan siya ng mga mandirigmang nalipad, pero hindi rin siya nagapi, dahil marahil nasa kanya ang sinasabi kong Niñong Pula na kasing laki ng Bata na pinakamakapangyarihan sa lahat ng Engkanto sa ibabaw ng lupa. Kung bata pa sana ako, ay hindi ako titigil hangga't hindi ko ito nahuhuli, sayang.... ang buhay ng tao ay napakaikli...salamat po....


GENRO


Originally posted in Facebook: DAIGDIG NG KABABALAGHAN, Umbraculum Mysterium

2 comments:

  1. pede po bang maging studyante mo? ?21 years old po ako. .tga MARINDUQUE. .angkan ng mga FRANCISCO na pinaniniwalaan na maraming alam sa mga LATIN WORDS sa lugar nmin. .
    pero wala po akong nakuha sa kanila. .
    kc patay n yong lolo ko taz naong nkita ko sya sa panaginip ko humingi ako sa kanya pero cnabi nya sa akin na matagal na raw nya pinakawalan yon alam nya. .yong kapatid nman nya patay n rin po kaso nawawala yong lebro nya. .
    gusto kong matutuo ang ganyan kuya. .kc pangarap ko tlga na makapasok sa mundo ng encanto. .
    pede po bah??. .

    ReplyDelete
  2. ang galing ganun pala nag pangngate ng agimat kahit po b anu klase agimat ganun dn mga sangkap papano naman po ang pangangate sa mga bukal kc samen sa batangas my nag aalaga sa bukal san miguel daw un sabi ng matatanda dun,,,may nag tri na katiin paru ng makita ang malaking halimaw na umuungol kumaripas ng takbo sa takot...pano po mangate sa mga bukal...ng tubig

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD