Pages

Sunday, November 20, 2011

Repost: ANG PAGKUHA NG AGIMAT NG SAGING

Pagpasok ng Unang Biernes ng Mahal na araw ay maghanap na kayo ng saging ng malapit ng magbunga at mag-puso,most probably ang saging ay TANDOK.
Noong 1970's wala akong makita dito sa Luzon at Visaya. Sa Mindanao lang ito makikita. Kung walang tandok na saging, magtingin tingin sa mga tabi ng daan lalo na dito sa malapit sa crus na daan at ang puso ng saging ay lumabas sa katawan, hindi sa may mga dahon. Kung Mahal na araw na, tingnan mo ang puso at Tantyahin mo kung kailan ito maaaring yuyuko. Maaaring tanghali o hating gabi. Maghanda ka ng mga telang Puti at Itim ang kulay at gawin mong maliliit na panyo, pagsasalit-salitin mo ito na gagawing mong pansalo sa Agimat na babagsak galing sa puso. Hindi siya makalulusot dito, ang mutya kasing lalabas ay parang asoge at baka kumawala. Magbaon ka rin ng itak na hinasa mo sa ibaba ng inyong hagdan. Sa araw ng pagkuha ay bantayan mo ANG PAGTUNGO AT HANDA KA SA PAGSALO, KUNG NASALO MO AY SABAY MO ITONG ISUBO AT LUNUKIN, KASO HINDI MO MAGAGAWA ITO DAHIL MAY ESPIRITUNG SASAKAL SA IYO. Sa tingin mo dito ay isang maitim na kapre, at ang ibang mga saging ay maggagalawan at makikiagaw sa nakuha mo.Dito mo na gamitin ang baon mong itak, lumaban ka, pero huwag mong bibitiwan sa bibig ang mutya mo. Pagtatagain mo sila. Aabot sa 30 minutos ang pinakamatagal na labanan ninyo.Madadaig mo sila dahil nasa iyo ang lakas at bilis ng agimat. Lunukin mo kung may pagkakataon ka.Kung hindi ay ibalot mo ito sa isang puting panyo. Kinabukasan ay magsimba ka at bago itaas ng pari ang otsa dapat nasa labas ka na. Sa Lugar ng pinaglabanan naroroon ang mga saging na bagsak dahil pinagtataga mo. Ang Agimat na nakuha mo ay para sa lakas at bilis. Kung saging na TANDOK naman ang kukuhaan mo ng agimat ay hindi na kailangan ang mga tela bilang pansalo. Mababa lang ito at kung lumabas na ang puso ng saging, pagkatapos mamulaklak, ay may matitirang ga kamao na puso ng saging. Agawin o kunin mo na ito agad at biyakin mo ng dala mong itak ang puso, may makikita kang batong itim, isubo mo agad at may aagaw din sa iyo. Ang makakalaban mo dito ay isang kapreng malaki ang mata at malaki ang taynga. Pag-natalo mo ito ay ibibigay sa iyo ang isang libreta, nandoon ang ibang pamamaraan kung papaano gagamitin ang mutya. Malakas ang iyong paningin sa gabi at matalas ang iyong pandinig. Nakukuha nito ang mga bagay na nasa tao sa isang tapik lang, lilipat sa iyo ang gusto mong makuha sa kanya. Ganito ang gamit ni Kumander BORJA ng Bicol taong 1950's.
GENRO

Originally posted in Facebook: DAIGDIG NG KABABALAGHAN, Umbraculum Mysterium

13 comments:

  1. Ano po ang isang Tandok?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po ba yung saging na sa gitna ng saging lumabas ang
      Puso?

      Delete
  2. Ang tandok ay impakto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. saan po ba matatagpuan ang tandok na impaktpo..?

      Delete
  3. anq tandok ay isanq uri nq saqinq :)

    ReplyDelete
  4. takot ako sa kapre.......... wag na lang

    ReplyDelete
  5. mas matalas ba ang itak pag hinasa sa ilalim ng hagdan?
    anong storya tungkol sa itak na hinasa sa ilalim ng hagdan?

    ReplyDelete
  6. Ako po may binigay sakin ung matanda kahapon kaso dko alam kung pano gumana...puting bato na maliit hugis ng isang petal ng isang bulaklak

    ReplyDelete
  7. Totoo po ba ito? :'( Kasi kailangan ko talaga 13 years old po ako ngayong 2016

    ReplyDelete
  8. mayron pa po ba ng ganon kababalaghan..kung gagawin ko po sa mahal na araw.?

    ReplyDelete
  9. Kahit Hindi Mahal na araw makokoha ba ang mutya nang tandok

    ReplyDelete
  10. Oo nga po makakakuha po ba kahit hindi mahal na araw

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD