Pages

Sunday, December 11, 2011

PAGCONSAGRA, PAMBUHAY SA MGA GAMIT ESPIRITUAL - By: Genro Ymas

May mga tao na may gamit na marunong ng ritual Pam-blessing, Consagrasyon, pagkakarga ng ora sa mga gamit material, pambuhay, pambatak, at pagpapalakas. Ang mga ito ang mga sangkap upang ang isang material na bagay na gawa ng tao ay maging espiritual na nagiging depensa ng tao sa masasamang espiritu o depensa tungo sa kaligtasan ng katawan. Tulad ng Chaleko, Medalya, mga Panyo, Habak, o Bote de Guerra ika nga ito ang First Layer ng Depense. Sa katawan ng tao kailangan ang mga material na ito sapagkat sa biglaang gulo o labanan ay siguradong hindi ka na makakabanggit at ang mga ito ang pag-asa natin, ang susunod ay ang Second Layer of Defense ay ang mga tattoo ng mga tanda ng Cristo. Galacia 6:17. Habang nakatatoo ito sa katawan ng buhay sa balat ay automatikong buhay din ito at nagniningning sa katawan. Hindi maramihan na tila Dyaryo ang katawan, 16 letra o hangang 33 at sapat na at siguruhin mong salita nga ng Cristo. Ang 3rd Layer of Defense ay ang Pagbanggit ng mga ora o testamento ng Gabay mo.

Ngayon may mga tao na malalayo sa marurunong at kailangan nilang palakasin ang gamit lalo na at Mahal na araw. Ang mga pamamaraang ito ay matagal ng ginagawa ng mga sinaunang tao na maaari ninyong tularan upang mapalakas ang gamit. Sa Simbahan ng Iglesia Independensia o Aglipayan Church, Huwebes pa lang ng Mahal na Araw ang Santo Intero na nakahiga ay ilagay ninyo ang bungkos ng inyong mga gamit (hindi kasali ang mutya at agimat) sa ilalim ng kumot nito. Bantayan ninyo ito, dahil marami ring naglalagay na may mga gamit. Mimisahan ito at aawitan ng Simbahan awit engkantada. Pag-Biernes Santo na ay ililipat ito sa isang karosa, kunin ninyo ang gamit ninyo at kung maayos na ang pagkakalagay ng Sto.Intero sa karosa ay ilagay uli ninyo ang inyong bungkos. Sa Prosisyon, sumama kayo. Pagkatapos ng Prosisyon sa loob o sa labas ng Simbahan ay Coconsagrahan ito ng Pari. Matapos gawin ang Consagra ay kunin na ninyo ito. Kinabukasan ng Sabado ng pagkabuhay ay isimba mo ito at itaas ang mga gamit pag sindi ng Kandila, bilang Pagkabuhay. Mablessingan kung maaari. Nirerekomenda ko na sa Aglipayan Church gawin, sapagkat hindi mo ito maisasalang sa simbahan ng Katoliko, may salamin ito at bawal lumapit. May mga pagkakataon na hindi mo ito mabantayan kaya ang ginagawa ng iba lalo na sa Simbahan sa mga probinsya ng sa labas inililibing ito ng may gamit para masakop ng misa ng pagkabuhay at saka na lang kukunin pagkatapos ng Misa pagkabuhay. Huwag isama dito ang mga material ng kalikasan/mutya at agimat sapagkat mawawalan sila ng Bisa. Ang dapat sa kanila ay isimba mo pero pagdating sa pagtataas ng Otsas ay dapat nasa labas ka na. Gawin mo ito pagkatapos ng Biernes Santo ng Hain at pagtuob ng mga mutya at agimat sa gabi… sana makatulong sa mga malalayo.

Genro

3 comments:

  1. un ang pambuhay merun pa un latin na pampalakas ng medal,,,kung my mutya a sa negosyo ipa amot mo na saken limusan ko na lng,,09496749138,,,,salubong na buko ng uway,,,merun kaba tol....

    ReplyDelete
  2. Bro Pwd mo ako to roan Paano gmwa ng pagconsagral ng mga oracion atsa ka material.at Pwd ako hingi ng pangconsagral sa mga oracion at sa material bro.

    ReplyDelete
  3. Bro paano pagbuhay ng tattoo sa katawan at ano Ang mga consagra,at pangbasbas nito, Sanay matulungan ninyo ako

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD