Naging advantage sa akin na ako ang nagdesign ng boarding house na iyon. Kabisado ko kung nasaan ang bawat butas. May opening sa kisame ng banyo, at doon ako pumasok. Gumapang ako at lumabas sa storage room. Binuksan ko ang ilaw at nasorpresa ako. Bukod sa imbakan ng mga gamit, ginamit na rin itong kwarto ni Mang Ramon. Magulo ang kwarto. Nagkalat ang mga mahahabang puting t-shirt na may nakasulat na sa tingin ko’y nasa wikang Latin. Mayroon ding nakasabit na iba’t ibang klaseng amulets at medalyon. Magkasabwat sina Mang Ramon at Mrs. Ronquillo! Pinatay nila si Owen! Nakita ko ang isang tear gas sa kanyang aparador. Ibinulsa ko iyon. Sa ibabaw ng mesa naman, nagkalat ang mga pictures ng iba’t ibang tao. Isa na roon ang picture ni Norberto Manero Jr.—ang pumatay sa Italyanong pari na si Fr. Tullio Favali noong April 11, 1985. Nakita ko rin doon ang isang papel na may nakalistang 21 na pangalan. Kabilang sa listahan si Elaine! Listahan ito ng mga biktima! Nasa panganib si Elaine!
Biglang bumukas ang pinto. Nariyan na si Mang Ramon! Isinalya ko sa kanya ang mesa. Isang maliit na butas ang nakita ko sa tagiliran. Gamit ang nakakalat na tubo ng tubig, sinira ko ang basa pang sementong nakatapal doon. Pinalaki ko ang butas at pilit na pinalusot ang sarili ko doon. Sabay na-realize kong naroon ang linya ng tubig na konektado sa banyo ni Elaine—sinadyang putulin!
Silong ng hagdan ang nasa kabila ng butas. Wala pa ring tao sa paligid. Mabilis akong umakyat at tinakbo ang corridor na tinatanglawan lamang ng isang ilaw. Hindi na ako kumatok, binuksan ko na agad ang kwarto ni Elaine at dali-daling pumasok sa loob. “Elaine!” tawag ko. Ngunit sa aking pagkamangha, nakita ko si Elaine nakasuot ng puting t-shirt na gaya ng nakita ko sa kwarto ni Mang Ramon. May hawak siyang itak, at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Kasabwat din nila si Elaine!
Inundayan niya ako ng saksak. Nailagan ko iyon, mabilis akong lumabas ng kwarto. Sa corridor, nakita ko si Mang Ramon, sumusugod din sa akin, kasama ang lima pa. Lahat sila’y may hawak na itak, nakahandang pumatay. Tumakbo ako’t napasuot sa kwarto nina Rolly. Ini-lock ko ang pinto, “Rolly, kailangan na nating umalis dito!” Subalit wala pala roon ang mag-asawa. Naalala ko ang listahan. Nakalista rin doon ang pangalan nina Rolly at Jen. Napag-isip ko, hindi iyon listahan ng mga biktima. Listahan iyon ng mga nakatira sa boarding house! Mga miyembro sila ng isang kulto! At ipinatayo ni Mrs. Ronquillo ang boarding house na ito para sa kanila! Para sa kanilang bawat ritwal!
Nakabukas pa rin ang computer ni Rolly. Naroon pa rin ang picture ng medalyon. Kinakabahan na ni-research ko ang tungkol sa mga kulto. Tumambad sa akin ang listahan: Remnants of God.... Guerrero of Jesus... Sin, Salvation, Life, and Property... Rock Christ... at ang huli, The Catholic God’s Spirit na maskilala sa tawag na Tadtad.
Narinig ko ang unang taga sa pinto. Sinimulan na nila itong wasakin.
Natataranta akong binasa ang mga sumunod na article. Tumugma ang description niyon sa mga natuklasan ko kina Mang Ramon, Elaine at sa iba pa. Sila ang kultong Tadtad—isang grupong pinapatay ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng taga. Nabuo ang grupo noon pang 1970’s nang gamitin sila ng mga militar na panlaban sa mga MNLF members. Dala-dala nila ang paniniwalang ang pagsusuot ng t-shirt na may nakasulat na dasal sa wikang Latin ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang hindi tablan ng bala. Gayon din ang pagsusuot ng amulet na gawa sa buto ng tao. Si Norberto Manero Jr ay sinasabing isa sa mga miyembro ng Tadtad.
Lumalaki na ang butas sa pinto ng kwarto sanhi ng mga tama ng itak. Talagang desidido ang kulto na patayin ako.
Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang iba pang article sa computer. Habang dumadami ang aking nalalaman, tumitindi ang takot na aking nararamdaman. Noong August 13, 2000 sa Brgy. Kimanait, Pangantucan Bukidnon, 16 na miyembro nila ang napatay nang makasagupa nila ang mga pulis habang inaaresto ang miyembrong si Roberto Madrina Jr., dahil sa pananaksak nito sa isang nagngangalang Patricio dela Cruz noong 1989.
Wasak na ang gitnang bahagi ng pinto, at may isang kamay ang pinipilit na abutin ang door knob sa loob. Wala na akong oras! Makakapasok na sila!
itutuloy...

No comments:
Post a Comment
Respect is the KEY WORD