Sunday, November 21, 2010

SAYAW LUBI

"Sayaw lubi, sayaw lubi..." ito ay kwento tungkol sa isang maliit nilalang na natagpuan sa isang liblib na lugar sa Basud, Camarines Norte noong katatapos pa lang ng gyerang hapon (liberation time).

Sangayon sa kwento natagpuan ang nilalang na ito na nag-iisa ng isang lalaki, at ito raw ay nakadamit ng mga dahon lang. Ito ay tinawag sa pangalang "Lubi" sa kadahilanang walang ibang lumalabas sa bibig nito kundi ang katagang "lubi", sang ayon rin sa salaysay ang sukat nito ay tinatayang 6-7 inches lamang, at sa paglalarawan ito ay isang babae na may magandang porma ng katawan na tinatayang nasa edad ng kadalagahan.

Kung minsan may mga taong iba ang takbo ng kaisipan, walang pakiaalam ika nga, na dahil lamang sa sariling kapakinabangan wala ng paggalang sa ibang uri ng nilalang maging hayop man ito o nilalang na bahagi na ng kalikasan mula pa ng paglalang. Si Lubi ay ginamit sa mga palabas sa carnaval tuwing fiesta kanilang pinagsasayaw si Lubi kahit ito'y pagod na pagod na, at kanilang hinahampas ng walis tingting kapag tumitigil ito sa pagsasayaw, dito nagsimula ang awiting naging bulambibig noong panahon na "sayaw lubi, sayaw lubi...".

Ang nabanggit sa kwento siya ay nakapagtanghal sa Bayan ng Mercedes, at sa kasamaang palad dala na rin ng kanyang hirap na dinaranas si Lubi ay binawian ng buhay na bumubula ang bibig dahil sa pagod sa pagsasayaw at ito ay naganap sa pagtatanghal niya sa Bayan ng Vinzons.

PAALAALA: Anomang uri ng nilalang ay may karapatang mabuhay maging hayop man ito o mga nilalang na sadyang bahagi na ng kalikasan, ang respeto at paggalang ay laging itanim sa ating puso at isipan, dahil kung hindi baka maging ang mga nilalang sa dako paroon tayo'y kunin rin at paglaruan sa DAIGDIG NG KABABALAGHAN...

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD