Sunday, November 21, 2010

SAYAW LUBI

"Sayaw lubi, sayaw lubi..." ito ay kwento tungkol sa isang maliit nilalang na natagpuan sa isang liblib na lugar sa Basud, Camarines Norte noong katatapos pa lang ng gyerang hapon (liberation time).

Sangayon sa kwento natagpuan ang nilalang na ito na nag-iisa ng isang lalaki, at ito raw ay nakadamit ng mga dahon lang. Ito ay tinawag sa pangalang "Lubi" sa kadahilanang walang ibang lumalabas sa bibig nito kundi ang katagang "lubi", sang ayon rin sa salaysay ang sukat nito ay tinatayang 6-7 inches lamang, at sa paglalarawan ito ay isang babae na may magandang porma ng katawan na tinatayang nasa edad ng kadalagahan.

Kung minsan may mga taong iba ang takbo ng kaisipan, walang pakiaalam ika nga, na dahil lamang sa sariling kapakinabangan wala ng paggalang sa ibang uri ng nilalang maging hayop man ito o nilalang na bahagi na ng kalikasan mula pa ng paglalang. Si Lubi ay ginamit sa mga palabas sa carnaval tuwing fiesta kanilang pinagsasayaw si Lubi kahit ito'y pagod na pagod na, at kanilang hinahampas ng walis tingting kapag tumitigil ito sa pagsasayaw, dito nagsimula ang awiting naging bulambibig noong panahon na "sayaw lubi, sayaw lubi...".

Ang nabanggit sa kwento siya ay nakapagtanghal sa Bayan ng Mercedes, at sa kasamaang palad dala na rin ng kanyang hirap na dinaranas si Lubi ay binawian ng buhay na bumubula ang bibig dahil sa pagod sa pagsasayaw at ito ay naganap sa pagtatanghal niya sa Bayan ng Vinzons.

PAALAALA: Anomang uri ng nilalang ay may karapatang mabuhay maging hayop man ito o mga nilalang na sadyang bahagi na ng kalikasan, ang respeto at paggalang ay laging itanim sa ating puso at isipan, dahil kung hindi baka maging ang mga nilalang sa dako paroon tayo'y kunin rin at paglaruan sa DAIGDIG NG KABABALAGHAN...

ASWANG

Aswang (as[aso]+wang[wangis]) sila ay may kakayahang makapagpalit ng anyo, tulad ng malalaking aso, pusa, baboy, atbp. Ito ay kahalintulad ng "lycanthropy" ng Europa na kung saan ang isang tao ay nakakapagpalit ng anyo bilang taong lobo. Maraming uri ng aswang sa ibat ibang bansa subalit mas kakaiba ang aswang sa Pilipinas sapagkat ibat-ibang uri sila at may ibat-ibang katawagan depende kung saang lugar.

Binabanggit sa aklat na sinulat ni Collin Wilson na "Occult" ang Pilipinas raw ay kilala maging sa ibang bansa pagdating sa mga tinatawag nating nilalang sa dilim ito ay kanilang tinaguriang "psychic vampire" sa kadahilanang ang aswang na ito ay astral lamang, na kung saan pinupuntahan niya ang kanyang biktimang maysakit at hinihigop nito ang lakas (life force), kaya kadalasan may mga kwento na kapag hinahabol ang isang aswang bigla na lang itong nawawala dahil sila ay nasa pormang astral lamang. Nagagawa nilang makapaggala kahit sila ay nakahiga lamang at natutulog. Ang astral projection ay maaaring gawin ng sinomang tao dahil lahat tayo ay meron nito sa "theosopy" tinatawag nila itong "etheric double", kailangan lang ng taong marunong upang maituro ang tamang proseso.

Ito ay ilan lamang sa uri ng katawagan sa mga aswang:
Al - alya (Ilocos), Asbo (lakad - Bicol), Garo (Bicol), Hilam (Bicol), Hilang (Bicol), Laryon (Bicol), Layug (lipad - Bicol), Makanlok (Mindanao), Malakat (Pampanga), Manananggal (Bicol), Mandurugo (Bisaya) Motog (Bicol, Bisaya), Moya (Tagalog), Payayang (Bicol), Silagan (Bicol), Wakwak (Bisaya), Wowog (Bisaya)

Aswang Potion:
Egg shell of kapreng manok + coconut oil (1 eye coconut) + ipot of kapreng manok + menstrual blood + oracion = oil of aswang

Orasyon Bicol ng Aswang:
Siri - siri, daing Dios kung banggi.
Haplos sa daghan layog sa kaharungan.
Dagos sa talampakan lampaw sa kakahuyan.

Note: for record purposes only.

Nephilim at Anakim - Mga Higante sa Bibliya

Ang Nephilim ay makalawang ulit na nabanggit sa Bibliyang Hebreo; sa Genesis 6:4 at Mga Bilang 13:33 Ang tradisyon patungkol sa mga Nephilim ay matatagpuan sa ilang Jewish at Kristianong kasulatan.

(Sa King James Version ng Bibliya ang Nephilim (nefilim) ay isinalin bilang “higante”)


GENESIS 6:1-4
1 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at nangagkaanak ng mga babae,

2 At nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

3 At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailanman, sapagkat siya ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawampung taon ang kaniyang mga araw.

4 Ang mga HIGANTE ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman namakasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at nangagkaanak sila sa kanila: angmga ito rin ang nagging makapangyarihan sa unang panahon na mga lalaking bantog.

MGA BILANG 13:32-33
32 At sila’y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tinitiktikan, sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ng mga tumatahan doon; at lahat ng bayan na aming Makita roon, aymga taong malalaki.

33 At doo’y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, namula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.

ANAKIM (o Anakites) ay mga ninuno ni Anac, at naninirahan sa timog ng Canaan, na kalapit ng Hebron. Sa panahon ni Abraham silay naninirahan sa rehiyong kilala bilang Edom at Moab, silangan ng ilog Jordan. Sila ay nabanggit sa pagbabalita ng espiya tungkol sa naninirahan sa lupain ng Canaan. Sa aklat ng Joshua sinasabi na sila ay napaalis ni Joshua sa lupaing yaon, maliban sa mga labing natagpuan ng mga nakatakas sa siyudad ng Gaza, Gath at Ashdod. Ang Felistiniong higante na si Goliath, na nakaenkwentro ni David ay maaaring kalahi ng mga Anakim.