Ano ang Changeling ? Ito ang pagpapalit ng mga immortal na nilalang sa isang mortal.
Noong panahon, ang pamahiing ito nang matatanda, ay ginagalang at pinaniniwalaan bilang bahagi ng mahiwagang daigdig. Ngunit pagdating nang sinasabing modernong panahon na marami ng bagay ang natutuklasan sa mundo, at sciencia na ang namamayani sa isipan at paniniwala ng mga tao. Ang ganitong pangyayari ay ipinag-kikibit balikat na lamang at sasabihing yaon ay bahagi na lamang ng alamat. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinasabing kaya nang ipaliwanag ng sciencia.
Ngunit sa isasaysay kong ito sa inyong naganap tatlong buwan pa lamang ang nakararaan. Kayo mga giliw kong taga-pakinig ang magpasya; kung atin itong paniniwalaan o itatatwa.
Sapagkat ito ay totoong naganap sa isang pook sa Davao. Isang pangyayaring magpapabago sa ating paniniwala na totoo nga kayang may mahiwagang daigdig na naririto lamang sa ating kapaligiran at hindi natin nakikita ?
Dahil magpahanggang ngayon, hindi pa malaman at nakukuha ang bangkay ni Romy Santillan. Na hinihinalang kinuha ng mga encanto.
Ganito natin simulan ang mga pangyayari; sa isang pook sa Davao, tatlong buwan na ang nakararaan. Si Romy, ay mabilis na nagmamaneho sa isang highway dito. Di kaginsa-ginsa, isang 10 wheeller truck naman ang mabilis na humahagibis pasalubong sa kanya. At sa hindi malamang kadahilanan, ito’y bumangga sa 10 wheeller truck na siyang ikinawasak ng kotse nito. Dagli naman itong dinaluhan ng mga sakay nang naturang truck. Ngunit sa kanilang panggigilalas, nang buksan nila ang kotse, wala silang nakitang sakay sa loob nito; maliban sa mga bakas ng dugo. Kahit anong hanap nila, hindi ito matagpuan sa paligid ng pinangyarihan ng aksedente sa pag-aakalang ito’y tumalsik mula sa luob ng kotse.
Kinagabihan nang araw ding iyon ... nagulat ang kanyang asawa sa biglaan niyang pag-uwi. Nag-aakala kasi ito na tatlong araw bago siya makauuwi. Ang ipinagtataka lamang ng kanyang asawa ay hindi nito dala ang kotse. At ang dating masayahing asawa ay hindi na umiimik. Nang ito’y kanyang yakapin, bilang tanda nang pagbati ... naramdaman niyang malamig itong parang bato. Sa pag-aakalang pagod lamang ang kanyang asawa, kinayag niya itong mahiga para mamahinga. Ngayo’y parang naninibago siya, sapagkat basta na lamang ito nahiga at natulog. Sapagkat dati rati’y sinisipingan pa muna siya nito bago matulog at walang gabing hindi ito pumapalya.
Nang mag-uumaga na, bigla na lamang itong tumayo patungo sa drawer at nagsulat ng ‘last will’ at testamento para sa kanyang asawa. Pagkatapos niya itong maibigay sa kanyang asawa. Muli itong bumalik sa kanyang higaan, ... at parang tinibang saging na nahiga.
Pagkaraan nito, nabalitaan nila na kahapon pa pala na-aksedente ang kanyang asawa na hindi matagpuan maliban sa kotseng menamaneho nito.
Totoo sila..yung iba namumuhay n kasama nating mga tao..
ReplyDelete