Pages

Wednesday, August 28, 2013

SOMA

Terminong ginagamit sa himno ng Rig-Veda, isa sa apat na sagradong kasulatan ng India (ang iba ay ang; Sama Veda, Yajur Veda, at ang Atharva Veda). Ang mga pangunahing katuruan ng Vedas ay nasa porma ng upanishads, kung saan merong 108 na nangungunang kasulatan at ilang bilang ng hindi masyadong importanteng kasulatan. Sa ika-siyam na kapitulo ng Rig-Veda ay naglalaman ng 114 na bersikulo na nagpupugay sa "SOMA", ang ambrosia ng mga bathala at siya ring nagbibigay ng imortalidad. Malinaw rin na ang "soma" ay tumutukoy sa nakakalasing na inumin (may posibilidad na gawa sa milk-weed asclepsias acida na sinasalarawan sa Yajur Veda bilang; maitim, may kakaibang asim at walang dahon). Ang inuming ito ay inihahandog ng mga pari para sa dios, kalimitan sa pormang alak tulad ng sakramento ng relihiyong Kristiyanismo bilang simbolismo.

Nang ika-dalampung siglo, ilang manunulat, isa na dito si R. Gordon Wasson sa kanyang aklat na "SOMA, Divine Mushroom of Immortality (1968), kung saan hinihinala na ang "SOMA" ay ang "amanita muscaria" (uri ng kabute na merong taglay na epektong "hallucinogenic") sa mistisismong Indian ito ang nakakapagpalango sa kanilang mga tinuturing na pari. Ang suhestyon na ito ay lumabas mula sa pananaliksik ni Wasson sa Mexico, ng kanyang matuklasan ang practice ng relihiyon ng Mazatec Indian kung saan ang mga ito ay gumagamit ng kabuteng may hallucinogenic na epekto.

Ang teorya ni Wasson ukol sa SOMA ay naging kaakit-akit noong 1960's panahon ng "psychedelic revolution, at naging fashion ito upang palawakin ang pananaw ni Wasson na ang "trancendental revelation" ay nakakamit sa paggamit ng "psychedelic drugs". Isa pang manunulat, si John M. Allegro, ay nagmumungkahi sa kanyang aklat na "THE SACRED MUSHROOM AND THE CROSS (1970)" na ang kwento ng pagkakapako ni Jesus ay isang simbolikong alamat na likha ng "psychedelic drug".

Ang nakalalangong inumin ay tanyag na noong unang panahon pa man sa; Ehipto, India, Gresya at Roma. Ang babala patungkol sa pagkalasing ay nababanggit na sa mga sinaunang kasulatan, isa na dito ang Bibliya, sa Kasabihan ni Solomon, sa Isaiah, Jeremiah, Amos at Oseas. Sa relihiyong Kristiyano, si apostol Pablo ay nagreklamo tungkol sa pagkalasing sa agape, o "love feasts" na natural namang ipinagdidiwang. Si Novation, ama ng simbahan noong ika-tatlong siglo ay nagsabi sa mga kristiyanong nag-ayuno na sa umaga ay simula na ito ng inuman, ibubuhos ang alak hanggang sa mawalan ng lakas, at malasing bago pa man kumain. Sa India, ang MANAVA DHARMA SHASTRA (Ordinances of Manu), ang panuntunang pangrelihiyon at tungkulin ng sibilyan, ay ipinagbabawal ang pagkalasing sa mga paring Brahmin at malinaw na sinasabi na ang SOMA ay inuming mula sa halaman, hindi mula sa kabute. Minsan ang halamang ito ay tinataguriang "moon plant," ang soma ay tradisyonal na inuugnay sa buwan.

Sa yoga meditation, sinasabi na ang totoong soma o "elixir of life" ay ang pag-iisa ng dalawang enerhiya ng "kundalini" sa katawan ng tao, na maghahatid sa mataas na estado ng kamalayan. Sa ibang mistiko naniniwala sila na ang kundalini ay isang enerhiya na nahihimlay sa kuyukot (base of the spine o coccyx) na nagiging aktibo sa normal na pamumuhay, katulad ng pakikipagtalik, subalit ang sekswal na enerhiya ay nararapat na paakyatin pataas sa mga "subtle channels" ng ating spine patungo sa sentro ng ating ulo, na nakakapagbigay kaliwanagan sa ating kamalayan ng kamalayang mistiko. Ang layunin ng ilang porma sa yogang pagsasanay ay patungkol ito sa pag-iisa ng araw at buwan, ang mainit at malamig na enerhiya ng kundalini sa ating spinal column. Sa tagpuan ng dalawang enerhiyang ito, ang maluwalhating kalagayan ay tinuturing na "drinking of the soma juice", ang daloy ng enerhiya ay "amaravaruni" (wine drinking)".

Ang malawak na simbolismo sa mistisismo kalimitan ay nabibigyan ng maling interpretasyon, na nagiging sanhi ng pagkaligaw ng mga mambabasa at mananaliksik, kadalasan ang interpretasyon ay ginagawang literal katulad ng "pag-inom ng soma" na sa mistisismo ito ay simbolismo lamang. Mag-ingat po tayo lalo na sa mga nababasa natin, baka may ilang pangahas at subukan uminom ng hindi nya nalalaman, at maging dahilan pa ito ng pagkalason o pagkabaliw.

2 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD