Pages

Wednesday, August 28, 2013

ANG NEKTAR NG IMORTALIDAD

Ang araw ay sinasabing nasa pusod, at kapag ang ulo ay nakatungo, ito ay lumilikha ng lason na nagreresulta sa pagiging mortal. Sa pamamagitan ng kaalamang yoga ay madidiskubre ang bulaklak sa ating lalamunan (visshudhi) at ang bulaklak na ito ay mapapataas upang makakuha ng "soma", ang katas ng imortalidad. Ang soma ay umaakyat pataas hanggang ajna (sentro ng kilay), ang luklukan ng buwan, kapag ito ay mababago bilang isang likidong astral.
Ito ay isinasalarawan sa YOGA SHIKHA UPANISHAD (5:32-33): "Ang potensyal na enerhiya ng universo ay ang enerhiya na kung saan ay may aspetong nasa tao. Ang apoy sa kalawakan, ang araw, ay umuugnay sa pusod ng tao. Sa pusod ang araw ay lason, subalit kapag ito ay idinerktang pataas, nagsisimula itong lumikha ng nektar. Ang buwan ay nasa pinakapuno ng ngalangala, na kung saan ang nektar ay  pumapatak."

Karagdagan pa, sa GHERANDA SAMHITA (3:28-31) ito ang sinasabi: "Ang araw ay nasa panimula ng pusodl at ang buwan ay nasa pinakapuno ng ngalangala. Ang nektar na lumalabas mula sa buwan ay ina-absorb ng araw kaya ang tao ay namamatay. Idirekta ang araw pataas at papuntahin naman pababa ang buwan. Ito ang "vipareeta karani mudra", ang sekreto ng lahat ng tantras. Ilagay ang ulo sa sahig pati ang mga kamay. At ang hita pataas habang nanatili ang ulo na nasa sahig. Ito ang vipareeta karani mudra na pinapalagay na ginagawa ng mga yogi. Ang palagiang pagsagawa ng vipareeta karani mudra ay ang mag-iiwas sa isang tao sa pagtanda at kamatayan, at maging ang pagbabago sa kalikasan ay hindi makakaapekto sa kanya. Siya ay magiging siddha (perpekto) ng lahat ng mundo."

Ang pisikal na sekresyon ng glandulang thyroid, pituitary, pineal at adrenal ay nakokontrol sa ganitong pagsasanay. Ang soma ang pinakamahalagang produkto ng katawan at ang pagsasanay na khechari mudra pati ang vipareeta karani mudra ay ang paraan upang mapreserba ang sekresyon. Ang yogi na nakakagawang mapapatak ang likido patungo sa taas ng nasal sa pamamagitan ng pagtaas ng dila sa palatal cavity sa kalambutan ng ngalangala, ang sinumang makatikim nito at hindi tatalaban ng lason maging kagat ng ahas. Ang soma ay tinaguriang "amrit" at ang amrit ay sinasalin bilang NEKTAR NG IMORTALIDAD. Ang direktang kahulugan ay "hindi mortal", nangangahulugan na imortal.

Sa totoo lang ang pinakasentro ng buwan ay nasa itaas ng ngalangala, kung saan ito ay tumutugon sa pisikolohikal na lokasyon ng mga glandula. Ang sekresyon na nagmumula sa glandulang palatal ay ina-absorb at tinutuyo ng glandulang nasa parteng ibaba. Kapag ang sekresyon na nagmumula sa ngalangala kahit papano ay na-preserba, ang tissue ng katawan ay babagal ang pagkasira nito.

Ang kaisipan, soma at likidong astral ay nauugnay sa sentro ng buwan ng ajna. Ang soma at likidong astral ay nagbibigay lakas sa ating kaisipan; ang lakas na ito ay kinakailangan upang makatagal sa mga pagsubok sa buhay ispiritwal. Sa pagpapabago ng mahalagang likido mula sa manipura patungo sa soma, ang nektar ay matitikman sa likuran ng bibig mula sa pinakapuno ng ngalangala. Ang epektong ito ay makakapagpabago sa istraktura ng buong katawan. Maraming yogi ang nakaganap ng ganitong praktis na kung saan naabot nila ang mataas na antas ng kamalayan, nagkamit ng mga siddhis (mistikong kapangyarihan) at nabuhay ng napakatagal. Nabuhay sila na may perpektong kalusugan at kamangha-manghang lakas upang matagalan at maging masaya sa kabila ng mga pagsubok sa mala-ermitanyong pamumuhay. Ang mga yogis na katulad nila ay kalimitang naninirahan sa matataas na bundok, sa napakalamig na kapaligiran ng walang anomang kasuotan, o magarang tirahan o apoy man na magsisilbing tagapagbigay init, at konti lamang ang kinakain nila kalimitan ay mga dahon at prutas sa araw-araw. Karamihan sa kanilang may ganitong pamumuhay ay umabot sa edad na 200 at 300 na taon.

1 comment:

Respect is the KEY WORD