Pages

Thursday, December 15, 2011

MGA LIHIM NA LATHALAIN

Sa underground o lihim na publikasyon, mababanggit ang dalawang akda ni Melencio T. Sabino, ipinagpapalagay na tagapagtatag ng samahang Agnus Dei at kasamahan ni Icasiano Nasaire sa pagpapalaganap ng paggamit ng medalyon at lihim na karunungan. Ang una ay Secreto: Mga Lihim na Pangalan at Lihim na Karunungan na nalimbag noong 1950. Nasa pabalat ng librito ang medalyong Sagrada Familia at Santisima Trinidad. Diumano, masaklaw na tinatalakay ng librito ang larangan ng lihim na karunungan. Ang pagbatid ng mga lihim na pangalan ng Diyos, ayon dito, ay kapangyarihan. Gayunman, hindi ito tuwirang nagpapaliwanag kung paano gagamitin ang medalyon at kung anong kapangyarihan mayroon ito. Isang teksbuk lamang na maituturing ang librito at kailangan pa ng isang guro upang maiugnay ang medalyon at ang nilalaman nito.

Hindi nalalayo ang ikalawang libro ni Sabino, ang Karunungan ng Diyos na nalimbag noong 1955. Pinalawak na bersyon lamang ito ng naunang librito at tumatalakay hanggang sa Bagong Tipan. Sinangguni ni Consolacion Alaras ang libro sa pagpapaliwanag niya sa adhikain at pagsulpot ng mga samahang milenaryo. Dalawang medalyon ang nakalarawan sa Karunungan: ang Sagrada Familia/Santisimo Sacramento at ang Infinito Dios, kasama ang mito ng unang paglikha at ang ginamit na mga oraciones. Tulad sa naunang akda, wala rin itong tuwirang paliwanag kung paano gagamitin ang mga medalyon.

Hindi nakasaad ang palimbagan ng dalawanga klat na nabanggit sapagkat lihim ang sirkulasyon ng mga ito. Hindi madaling makakuha ng kopya at kung makabili man ay may kamahalan: ang manipis na librito ay P120.00 at ang makapal na Karunungan ng Diyos ay P1,500.00. Noong 1967, ayon kay Dr. Prospero Covar, P50.00 lamang ang Karunungan ng Diyos. May iba pang libro si Sabino subalit wala nang makuhang kopya sa kasalukuyan

Maninipis lamang ang iba pang librito, at karamihan ay walang nakasaad na awtor, lugar at iba pang detalye ng paglilimbag katulad ng mga aklat ni Sabino. Ang mga librito na may hayag na awtor ay yaong mga sinulat ni Demetrio O. Sibal, may-ari ng Saldem Commercial. Narito ang ilan sa mga librito:
AKLAT SECRETO NG KABALISTIKO. Kulay-berde ang pabalat nito at may sukat na 100 cms.x 128 cms. Naglalaman ito ng mga oracion at tagubilin kung paano" mapapalakas" ang kapangyarihan ng medalyon at magkakaroon ng kabal at kunat sa katawan upang hindi tablan ng bala ng baril o patalim sa loob ng 24 oras. Sa kalaunan ng pananaliksik, natuklasan kong sinulat ito ng yumaong Demetrio Sibal. Marami pang ibang aklat si Sibal na mabibili.

THE KABBALISTIC POWER OF OCCULTISM. May sukat itong 102 cms. x 128 cms. at katulad din ng mga naunang librito. Ang tanging ikinaiba'y nakasulat ito sa ingles at Filipino. Nakatuon ang libro sa psychic treatment of illnesses, psychic build-up, at psychic attack. Ang ikalawang bahagi ay nauukol sa mga makabago at kanluraning mga gamot (halimbawa'y Phisohex, Benadryl, Casec, at Ambracyn) na mabibili sa mga botika at may kasamang preskripsyon at dosis. Ginagarwa ito upang ang panggagamot na ispiritwal ay masabayan ng panggagamot na mareryal. Sa iibrito, magkakahalo ang kaalaman sa mahika, gayuma sa pag-ibig, suwerte sa kabuhayan at sa sugal, at iba't ibang aspeto ng pamumuhay. Sa ikalawang kabanata ginamit ng may-akda ang wikang Filipino. Mabibili ang librito sa Saldem Commercial.

7 LLAVES, 7x7 VERTUDES. May sukat itong 55 cms. x 71 cms., kulay-pula, at may 145 pahina. Ang aklat ay naglalaman ng serye ng motif na piro (ngunit walang paliwanag tungkol dito). Mga halimbawa: 7 liaves.7 x7 vertudes,7 ojos, 7 cabesas7. selios,7 bakas, 7 cuerpos, 7 sulog, 7 brazos,7 ilawan, poder de siete llaves, 7 espiritus, at iba pa.

LOGOS. May sukat itong 54 cms. x 98 cms., kulay-salmon ang pabalat, at binubuo ng 180 pahina. Ipinaliliwanag sa simula ang kahulugan ng logos at ilang oracion. Librito o katologo ito ng iba't ibang disenyo ng anting-anting o medalyon at iba pang simbolo't tauhan sa katutubong mitolohiya at sistema ng paniniwala.

KABABALAGHANG LIHIM NG NIÑO JESUS. Kulay-asul ang pabalat, may sukat na 52 cms. x 81 cms., at may 91 pahina. Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa kagilagilalas na karanasang diumano'y batay sa buhay ng batang si Jesus. Kasama sa kuwento ang mga oracion sa pidgin Latin, kahalo ng salitang balbal upang ipakita kung saan magagamit ang mga oracion batay sa sitwasyon sa kuwento. Halimbawa'y yaong gamit sa may sakit, sa culebra, sa pagpapaamo sa mababangis na hayop, sa pagpapatigil ng dugo sanhi ng taga, at iba pa.

KASAYSAYAN NG LANGIT, KAPANGYARIHAN LABAN SA KASAMAAN. Para itong librito ng novena, kulay-puti ang takip, may balot na plastic, may sukat na70 cms. x 101 cms., at may 52 pahina. Ang unang bahagi ay tungkol sa mito ng paglikha ng langit ar lupa, na kinakatawan ng anting-anting na Infinito Dios na hindi pa binyagan at Infinito Dios na nakadamit na kung tawagin ay binvagan. Sa pagtatalo ng Diyos Anak at ng Infinito av nagbatuhan sila ng mga oracion. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, ipinapakita sa mambabasa kung saan-saang mga sitwasyon at pagkakataon magagamit ang oracion na sinambit ng mga tauhan sa kuwento. Ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga oracion para sa pakikipaglaban o para sa kabal. Binubuksan ng bahaging ito ng oracion ang paksa tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo.

LIBRO SECRETO DE CRIE ELEISON. Kulay-asul ang pabalat, may sukat na 55 cms. x 73 cms., may 24 pahina. Nakalagay dito ang susi sa sekretong alpabeto at numero) at ang lihim na pangalan ng Diyos, subalit walang kasamang paliwanag. Mahigpit ang babala sa bumabasa na huwag gagamitin sa masama. Ang prinsipyong nakakahalintulad sa paggamit ng mga oracion ay ang mantra sa yoga-sa isip lamang at hindi binibigkas nang malakas. Malakas ang impluwensiya ng Katolisismo na mababakas sa paghiling sa bumabasa na magdasal ng Credo, Pater Noster at Ave Maria bago ipagpatuloy ang pagbabasa. Ginagarantiyahan ng aklat na makagagawa ng himala ang paggamit ng mga oracion.

VIRGEN ENCANTO DE DIOS VIAJE STA MARIA. Kulay-berde ito, may sukat na 53 cms. x 73 cms., at may 43 pahina. Listahan ito ng mga oracion at gamit ng mga iyon. Karamihan sa oracion ay para sa panggagamot. Mayroon ding para proteksiyon at para makapaghimala ng pera-piseta at dies, na mahihinuhang panahon pa ng Kastila ang oraciong ito. Sa pahina 34, matatagpuan ang katutubong pangalan ng Infinito Dios na parang sinasabi: noong dumating ang mga Kastila, nabigyan ito ng pangalang Espanyol, subalit nanatiling katutubo. Sa aking hinuha, pinakamakapangyarihan at mabisa ang Dios na ito, Dios na ayaw pabinyag at nagtago sa bato na maaaring ipakahulugan na anting-anting.

Marami pang libro na sulat-kamay, malalaki ang limbag, at kasukat ng karaniwang libro subalit wala nang mabibiling kopya ngayon. Ang iba nama'y hindi talaga ipinamamahagi, para lamang sa personal napag-aaral at ipinagpapalagay na nauukol sa mas mataas na antas ispiritwal.



Source: Nenita D. Pambid, Anting-Anting (O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala) – University of the Philippines Press 2000

8 comments:

  1. 1. Sa isang naghahanap ng karunungan ay makabuluhang ang makalikom ng ganitong mga aklat - ito ay dumaragdag sa iyong kaalaman at paglawak ng iyong pang-unawa. Subalit ano ang silbi ng lahat ng mga ito - matagal na panahon ang iuukol mo - dasal - konsagra at pagsunod sa mga ipinagbabawal nito – feeling mo sagrado na ito sa iyong katawan – kapag tinesting ay wala pa ring buhay – ang sasabihin ng iba – kulang sa paniniwala – kulang sa dasal – dapat may susi o baka naman mali ang mga salita (kulang). Tumatamak sa isipan sa haba ng panahong ipinagsa-ulo – wala pa ring saysay. Ang TUNAY at TUTUOng Karunungan kung ito”y iyong matatagpuan. Hindi nakailangan ang mahabang dasal at konsagrang ke tagal-tagal - Testingin MEYA”T MIYA – kahit ARAW-ARAW walang pinipiling panahon. Kapag BUHAY ANG SALITA – BALA ay mahihiyang lumapat sa katawan – Punglo ay hindi puputok, pagpinilit makakalasog-lasog, kapahamakan ay lalayo at magaan sa pamumuhay.!!!!! Saan matatagpuan – Nasa paligid lamang iyong mararamdaman??? HANGIN - lamig at simoy tagos sa loob ng katawan. TUBIG na dumadaloy sa ating ugat at kasukasuan -- ARAW init nito ay maganda sa katawan at halaman, Iyan ang tunay galing nasa “ KALIKASAN “ ----- Sino ang makakapigil at makakasalangsang sa KALIKASAN ??? - WALA - tanging DIYOS AMA lamang ?? yan ang BUHAY NA SALITA SA ISANG PANIWALA.!!!!

    ReplyDelete
  2. para saan po ba ang medalyon ng ninyo jesus meron po kasi ako pero hinde ko alam kung para saan po ito bigay lang po ito sa akin noon paki bigay naman po kung para saan po ito thanks po

    ReplyDelete
  3. saan pwd mkabili ng book na encanto virgen maria de dios veaje sta.maria tnx

    ReplyDelete
  4. Salamat maestro sa mga binahagi mong mga kaalaman,gid bless po🙏

    ReplyDelete
  5. Pwede po rin ba ako nyan master sana magkaroon dn ako nyan para sa kabitiham lag po

    ReplyDelete

Respect is the KEY WORD