Pages

Sunday, August 9, 2009

SIRENA - ANG SPANISH VERSION

Totoo nga kayang may sirena ? Mahirap paniwalaan na ang isang solidong nilikhang kalahating tao at ang kalahati’y isda ay mamuhay nang normal sa ilalim ng dagat. At siyang pagmulan ng kung anu-anong kuwento at alamat.

Unang-una ang salitang sirena ay hindi original na salitang Pilipino. Sunod ang kaunaunahang banggit na pangalan ng sirena na Marina, ay hindi rin original na pangalang Pilipina kundi isang pangalang Castila. Isang malinaw na katibayan na ang alamat na ito ng sirena ay hindi matandang kapaniwalaan ng mga Pilipino. Sapagkat maging ang mga karakter na nababanggit sa kasaysayan ay mga bagong pangalan.

Nagsimula ang mga kasaysayang ito sa panahon na ang tao ay naniniwala na ang mundo ay lapad at ang sino man makapunta sa tabi nito ay madadala ng malakas na agos ng dagat, hanggan sa mahulog sa walanghanggan kadiliman. Sa panahong ito kakaunti pa lamang ang nababatid ng mga tao hinggil sa ibang malalayong lupain, ang mga European ay walang alam na may ibang lupain tulad ng America o Australia.

Dahil ang panahon ng Middle Ages, ay paghahangad ng tao na magkamal ng mas marami pang-kayamanan, at makawala sa tanikala ng karimlan, kinakailangan nilang tumuklas nang ibang lupain. Kaya hinayaan nila ang mga scholars na mag-theorize sa mga malayung lupain at kung papaano makakarating dito.

Dito nagsimula ang panahon nang paggalugad, paglalayag at mapanganib na pakikipagsapalaran sa dagat. Sa panahong ito nagsulputan ang iba’t-ibang maka-bagong alamat, na mga kuwento tungkol sa mga mahiwagang lupain na sa katunayan ay hindi naman nila talaga narating dahil sa takot.

Isa na nga rito ang Alamat ng Sirena, na kinatha ng isang Castilang marino na nagngangalan Pedro. Ang dugong (sea cow) na nakita nila sa dagat pasipiko sa panahon ng kanilang paglalayag ay napagkamalan nilang sirena. Na karaniwan nang matatagpuan sa Pacipic Ocean, Indian Ocean, sa Red Sea, at sa mga baybayin ng Australia. Kaya ang mermaid o sirena na kwentong-pambata ay walang-iba kundi ang hayop na tinatawag na dugong, at sa salitang Malayan ay duyun.

Ito ay isang mahiyain at harmless aquatic mammal, ang babaeng dugong ay may kakaibang ugali na pagtayo sa ibabaw ng tubig. Kalahati ng katawan niya ay nakalitaw, samantalang ang kalahating pang-ibaba ay nakalubog sa tubig. Ito ay ginagawa ng mga babaeng dugong upang pasusuhin ang mga anak nila na nasa tubig. May palikpik na malapad ang mga dugong upang maalalayan ang anak nila sa paglubog o pagkabitiw sa pagsuso sa kanila.

Ang dugong ay paumbok ang hugis ng katawan, na may brownish-gray na kulay, mayroon siyang malalapad na buntot (double-lobed tail), at lumalaki hanggang 12 piye. Hinuhuli ang dugong ng ilang aboriginals na kumakain ng laman nito na hindi naman masarap kainin (not palatable), subalit naipagbibili naman nang mahal ang makunat na balat nito. At ang mas mahalaga sa kanila, na siyang sanhi nang kanilang pagkaubos maliban sa pagkain sa mga hayop na ito, ay ang produktong langis na nakukuha sa katawan nito (o sa bladder), na ginagamit na gamot sa sakit na tuberkolosis (TB).
Noong taong 1944, isang dugong ang nahuli sa Australia na may sukat na 12 piye, at tumitimbang naman ng isang tonelada. Isa pa ring dugong ang nahuli sa Punta Arenas, Chile. Dahil sa pagiging-mahiyain lagi ng malayo sa pulo o dalampasigan nahuhuli ang mga dugong.

Samantalang ipinagtataka rin ng marami, kung papano sa malayong karagatan nahuhuli ang dugong gayong may mahiwagang ugali ang mga ito na mamasyal sa magulong lungsod kung ibig nila. Sapagkat paminsan-minsa’y sa Chile, ito’y umaahon sa dagat at nagsisimulang gumala at lumakad nang pa-ingkang-ingkang sa mga kalsada ruon, na ikinatatakot naman ng mga taong-bayan. Saka pagkaraan na makapamasyal ng ilang kanto sa kalsada, ito’y muling bumabalik sa dagat.

Maging noon sa Filipinas, may mga dugong na umaahon sa dalampasigan. Ang sabi naman ng matatanda, ito’y ginagawa nila para bigyan babala ang mga taong bayan sa darating na bagyo o sakuna sa dagat.

Nang matanawan nga ng mga marinong Castila ang dugong, ito’y napagkamalan nilang isang sirena, na iniugnay naman sa alamat ng mermaid. At sa mga mandaragat na ito nagsimula ang kuwento tungkol sa mga sirena na umaawit, nagpapasuso at nananalamin. Dahil hindi kilala sa Europa ang dugong, pagbalik nila sa Espan`a, ang balitang ito tungkol sa sirena ay mabilis na kumalat hanggan sa makarating sa Filipinas.

Na sa katotohanan ang babaing sirena na likha lamang nang kanilang imagination dahil sa layo. At ang nakikita nilang nagsisilbing buhok nito ay ang mga waves na singaw ng dagat na nakikita kung ikaw ay malayo sa isang bagay. Ang salamin naman na inilalarawan na laging hawak nito habang nagsusuklay daw ng buhok, ay walang iba kundi ang kanyang malalapad na palikpik na ginagawa niyang pang-alalay sa kanyang pinapasusong anak. Ang pangalan nitong sirena, ay hango sa kanyang huni o siren sound na sa salitang Castila ay sirena.

Na sangayon sa kinathang kuwento, ang sino man mandaragat na makarinig nang kanyang awit o sirena, ay dapat lang lumayo at takpan ang mga tenga. Kung hindi’y maaakit sila ng malambing at matimyas na siren sound na iyon ng mermaid, upang sila’y mamatay lamang sa nag-aalimpuyong karagatan.

Sangayon pa rin sa mga kuwento ng minero na si Pedro, nang abutin sila ng unos sa dagat, tinulongan sila ng isang sirena, na nakilala niya sa pangalang Marina. Na hango lang naman sa salita nilang marino o sailor. Na sa kanyang version, ang pangalan Marina ay nangangahulogan ng babaing mandaragat. Sa version din ito mapapansin natin na ang mga kuwento tungkol sa sirena ay pawang babae at walang lalake. Di tulad sa mga kuwentong kinatha ni Columbos, na meron mermaid at merman.
Sa loob nang mahabang panahon, ang nakatatakot na alamat ng mermaid ay nagpasalin-salin sa buong daigdig sa maraming salita, hanggang isang matapang na magdaragat ay nagkaroon ng pagkakataong mapalapit at makahuli ng sirenang ito sa karagatan. At natuklasan niyang ang mga humuhuni palang ito ay mga dugong (dagat-baboy). At ang paniwalang may umaawit sa dagat na isang sirena, na kinatatakutan ng mga mandaragat nuon na siyang may kagagawan nang pagkabagbag ng mga bangka, ay napatunayan na walang iba kundi ang dugong na hindi naman makapagsalita.

Ngunit kahit ang bagay na ito’y malinaw nang napatunayan, may mangilan-ngilan pa rin naniniwala sa mga sirena. Sapagkat ang nasabing alamat ay hindi kaagad-agad nabubura sa kanilang ala-ala at maka-lumang paniniwala. Na binuhay pa ng mga napatanyag na kuwentong tulad ng Dyesebel.

5 comments:

  1. i wanna be a mermaid too. because i swim and talk to the other fishes and seahorse or shark

    ReplyDelete
  2. can you understand them .. the fishes, seahorse and sharks ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Invoke emotions or intents, they will understand you.

      Delete
    2. Invoke emotions or intents, they will understand you.

      Delete

Respect is the KEY WORD