Pages

Sunday, August 9, 2009

Ang Tunay Na Sirena

Ang isa sa masasabing tunay na sirenang nasaksihan ng mga tao at natala sa kasaysayan; ay yaong nahuli sa Belfast Lough sa Northern Ireland noon A.D. 558. Sinasabing siya'y may kakat'wang kasaysayan, sapagkat tatlong-daan taon na ang nakaraan mula nang siya'y isa pa lamang maliit na bata na nagngangalan Liban. Siya at ang kanyang mga magulang na nalunod ay tinangay ng malaking baha sa dagat.

Himalang siya'y nabuhay sa luob ng isang taon na aanod-anod sa mga alon ng dagat, hanggan sa siya'y unti-unting nagbagong-anyo na tulad sa isang sirena. At dito na siya namumuhay na mag-isa at naririnig na umaawit sa ibabaw ng dagat, kumakain ng maliliit na isda at halaman dagat. Siya'y palaging nakikitang namamahinga habang umaawit sa ibabaw ng mga batuhan sa lawa.

Hanggan sa mabalitaan ito ng mga taong bayan na nag-grupo upang mamangka patungo sa gitna ng lawa at hinuli ng lambat. Tinawag siya ng mga tao na Murgen, na nangangahulogan "ipinanganak sa dagat," inilagay siya sa malaking tangke ng tubig saka ito itinanghal para masaksihan ng lahat. Bininyagan siya, at nang ito'y mamatay na tinawag siyang St. Murgen. Maraming milagro at kababalaghan sa Ireland ang iniugnay sa kanya.
Ang isa pang sinasabing totoong sirena, ay naganap noon 1403 sa Netherlands. Sangayon sa kasaysayan, isang araw may babaing nilalang na nabalahu sa putikan, nakita ito ng mga babaing nakatira sa lugar na iyon. Siya'y tinulungan na alisin ang mga halamang-dagat na nakakapit sa kanyang katawan na anyong tao naman sa kabuoan. Ang pagkakaiba lamang ay hindi siya makatira sa katihan, at tulad sa isang isda siya'y kinakapos ng hininga.

Mula noon siya'y naging kaibigan ng mga babae sa village, at lagi siyang bumabalik sa lugar na ito. Nabuhay siya mula noon sa luob ng labinlimang taon, ngunit hindi siya natutung magsalita maliban sa matinis na huni ang naririnig sa kanya. Dahil dito hinsdi nalaman ng mga villeger kung saan talaga siya nagmula. Nang ito'y mamatay binigyan siya nang isang marangal at kristiyanong libing ng mga mamamayan duon sa pamamagitan ng paglalagak ng kanyang labi sa bakuran ng kanilang simbahan.

Sa Banal na Isla ng Iona (sa Scotland) meron naman isang ma-alamat na kasaysayan ng isang sirena. Sangayon sa mga kuwento, isang napakagandang sirena ang naligaw sa lugar na ito. Nataon naman na ang santo na naninirahan dito ay naglalakad sa dalampasigan. Nang matanawan siya ng sirena kaagad itong nabighani sa nasabing santo. Mula nuon lagi nang dumadalaw ang sirena sa isla, hanggan sa sila'y magkakilala. Sa kanilang pag-uusap nabatid niya sa santo na ang isang sirena ay walang kaluluwa. At sinabi nito na kung gusto niyang magkaruon ng kaluluwa nararapat na iwan niya ang dagat at mamuhay bilang tao sa lupa. Dahil sa hangarin ng sirena na siya'y ma-ibig ng santo; pinilit niyang umahon sa dalampasigan. Ngunit dahil sa kanyang kakaibang anyo at pinagmulan kahit anong pagsisikap ang gawin, hindi niya magawang maka-ahon sa lupa at nahihirapan siyang makahinga sa ibabaw.

Sa kawalan ng pag-asa umiiyak siyang umalis sa lugar na ito at hindi na kaylan man nagpakita. At sangayon sa alamat, ang mga kulay gray-green na maliliit na batong natatagpuan lamang sa isla, ay ang napormang luha ng sirena.

May mga kuwento naman nagsasabi noong panahon ni Alexander the Great, siya'y meron globong cristal na kanyang ginagamit kapag nakikipag-tipan siya sa magagandang sirena sa ilalim ng dagat. Siya'y dinadala at ipinapasyal ng mga ito hanggan sa kailaliman ng dagat. Ang Romanong manunulat naman na si Pliny ay sumulat kung papaano ang isang opisyal ni Augustus Caesar na nakakita nang napakaraming mga sirenang patay sa baybayin na napadpad sa dalampasigan ng Gaul, pagkaraan maganap ang isang malakas na bagyo.
Sa isang banda ang pagpapakasal daw sa isang sirena ay nagiging masaya, at humahantung sa buhay masagana. Katunayan, sa mga baybayin ng northwestern Scotland at southeastern England, may ilan mga tao ruon na nagsasabing ang kanilang mga ninuno ay nagmula sa mga sirena.

Nuong Middle Ages may pamilyang nakilalang nagbuhat sa lahing French, para matanyag, kanilang ipinangangalandakan na ang kanilang angkan ay nagmula sa sirena na nagngangalan Melusine, asawa ni Raymonde, pinsan ng Count ng Poitiers. Ngunit nang siyasatin ang katotohanan hinggil sa mga bagay na ito, natuklasang nilikut lamang nila ang talaan ng kanilang ninuno.

Sinabi nang kuwento na ang kanilang ninuno na si Raymonde ay nakasal sa isang hindi nakikilalang sirena. Sa kundisyon na sa lahat ng araw ng Sabado, hahayaan niya ang asawa na mag-isa sa luob ng kuwarto. Sa luob ng maraming taon sila'y nagsama nang masaya at masagana. Ngunit isang araw ng Sabado dahil sa sutsot ng kanyang pamilya, sinilip niya ang asawa sa butas ng susian ng banyo. At kitang kita niya kung papaano ang asawa nagbabagong-anyo sa paliguan, na ang kayang baywang paibaba ay nagiging isda.

Ngunit dahil sa matalas na mata at pang-amoy, nalaman ito ni Melusine na sumisigaw sa kahihiyan na tumalon sa bintana ng banyo. Mula noon hindi na siya nasilayan ni Raymonde, na bumabalik na lamang sa kalaliman ng gabi para pasusuhin ang kanilang anak. At sinasabing kapag siya'y dumarating nakakikita sila ng nagliliwanag na anyo na may kulay asul at puting kaliskis na buntot na nasa tabi ng duyan ng bata.

Dito nagtapos ang kanilang makulay na pag-iibigan na nag-wakas sa isang masaklap na paghihiwalay. Na nangyari dahil lamang sa sutsot ng kanyang pamilya.

Dahil sa mga kuwento ng mga mandaragat tungkol sa sirena, nauso nang panahong ito na iguhit o ililuk ng mga tao ang larawan ng sirena sangayon sa mga nabanggit na alamat. Kaya magpahanggan sa ngayon ang sirena ay isinasalarawan na nakasampa sa isang malaking bato at sinusuklay ang kanyang mahabang buhok habang umaawit nang isang malamyos at matinis na tinig para akitin ang mga nagdaraan marino.

3 comments:

Respect is the KEY WORD