Sunday, August 9, 2009

Ang Tunay Na Sirena

Ang isa sa masasabing tunay na sirenang nasaksihan ng mga tao at natala sa kasaysayan; ay yaong nahuli sa Belfast Lough sa Northern Ireland noon A.D. 558. Sinasabing siya'y may kakat'wang kasaysayan, sapagkat tatlong-daan taon na ang nakaraan mula nang siya'y isa pa lamang maliit na bata na nagngangalan Liban. Siya at ang kanyang mga magulang na nalunod ay tinangay ng malaking baha sa dagat.

Himalang siya'y nabuhay sa luob ng isang taon na aanod-anod sa mga alon ng dagat, hanggan sa siya'y unti-unting nagbagong-anyo na tulad sa isang sirena. At dito na siya namumuhay na mag-isa at naririnig na umaawit sa ibabaw ng dagat, kumakain ng maliliit na isda at halaman dagat. Siya'y palaging nakikitang namamahinga habang umaawit sa ibabaw ng mga batuhan sa lawa.

Hanggan sa mabalitaan ito ng mga taong bayan na nag-grupo upang mamangka patungo sa gitna ng lawa at hinuli ng lambat. Tinawag siya ng mga tao na Murgen, na nangangahulogan "ipinanganak sa dagat," inilagay siya sa malaking tangke ng tubig saka ito itinanghal para masaksihan ng lahat. Bininyagan siya, at nang ito'y mamatay na tinawag siyang St. Murgen. Maraming milagro at kababalaghan sa Ireland ang iniugnay sa kanya.
Ang isa pang sinasabing totoong sirena, ay naganap noon 1403 sa Netherlands. Sangayon sa kasaysayan, isang araw may babaing nilalang na nabalahu sa putikan, nakita ito ng mga babaing nakatira sa lugar na iyon. Siya'y tinulungan na alisin ang mga halamang-dagat na nakakapit sa kanyang katawan na anyong tao naman sa kabuoan. Ang pagkakaiba lamang ay hindi siya makatira sa katihan, at tulad sa isang isda siya'y kinakapos ng hininga.

Mula noon siya'y naging kaibigan ng mga babae sa village, at lagi siyang bumabalik sa lugar na ito. Nabuhay siya mula noon sa luob ng labinlimang taon, ngunit hindi siya natutung magsalita maliban sa matinis na huni ang naririnig sa kanya. Dahil dito hinsdi nalaman ng mga villeger kung saan talaga siya nagmula. Nang ito'y mamatay binigyan siya nang isang marangal at kristiyanong libing ng mga mamamayan duon sa pamamagitan ng paglalagak ng kanyang labi sa bakuran ng kanilang simbahan.

Sa Banal na Isla ng Iona (sa Scotland) meron naman isang ma-alamat na kasaysayan ng isang sirena. Sangayon sa mga kuwento, isang napakagandang sirena ang naligaw sa lugar na ito. Nataon naman na ang santo na naninirahan dito ay naglalakad sa dalampasigan. Nang matanawan siya ng sirena kaagad itong nabighani sa nasabing santo. Mula nuon lagi nang dumadalaw ang sirena sa isla, hanggan sa sila'y magkakilala. Sa kanilang pag-uusap nabatid niya sa santo na ang isang sirena ay walang kaluluwa. At sinabi nito na kung gusto niyang magkaruon ng kaluluwa nararapat na iwan niya ang dagat at mamuhay bilang tao sa lupa. Dahil sa hangarin ng sirena na siya'y ma-ibig ng santo; pinilit niyang umahon sa dalampasigan. Ngunit dahil sa kanyang kakaibang anyo at pinagmulan kahit anong pagsisikap ang gawin, hindi niya magawang maka-ahon sa lupa at nahihirapan siyang makahinga sa ibabaw.

Sa kawalan ng pag-asa umiiyak siyang umalis sa lugar na ito at hindi na kaylan man nagpakita. At sangayon sa alamat, ang mga kulay gray-green na maliliit na batong natatagpuan lamang sa isla, ay ang napormang luha ng sirena.

May mga kuwento naman nagsasabi noong panahon ni Alexander the Great, siya'y meron globong cristal na kanyang ginagamit kapag nakikipag-tipan siya sa magagandang sirena sa ilalim ng dagat. Siya'y dinadala at ipinapasyal ng mga ito hanggan sa kailaliman ng dagat. Ang Romanong manunulat naman na si Pliny ay sumulat kung papaano ang isang opisyal ni Augustus Caesar na nakakita nang napakaraming mga sirenang patay sa baybayin na napadpad sa dalampasigan ng Gaul, pagkaraan maganap ang isang malakas na bagyo.
Sa isang banda ang pagpapakasal daw sa isang sirena ay nagiging masaya, at humahantung sa buhay masagana. Katunayan, sa mga baybayin ng northwestern Scotland at southeastern England, may ilan mga tao ruon na nagsasabing ang kanilang mga ninuno ay nagmula sa mga sirena.

Nuong Middle Ages may pamilyang nakilalang nagbuhat sa lahing French, para matanyag, kanilang ipinangangalandakan na ang kanilang angkan ay nagmula sa sirena na nagngangalan Melusine, asawa ni Raymonde, pinsan ng Count ng Poitiers. Ngunit nang siyasatin ang katotohanan hinggil sa mga bagay na ito, natuklasang nilikut lamang nila ang talaan ng kanilang ninuno.

Sinabi nang kuwento na ang kanilang ninuno na si Raymonde ay nakasal sa isang hindi nakikilalang sirena. Sa kundisyon na sa lahat ng araw ng Sabado, hahayaan niya ang asawa na mag-isa sa luob ng kuwarto. Sa luob ng maraming taon sila'y nagsama nang masaya at masagana. Ngunit isang araw ng Sabado dahil sa sutsot ng kanyang pamilya, sinilip niya ang asawa sa butas ng susian ng banyo. At kitang kita niya kung papaano ang asawa nagbabagong-anyo sa paliguan, na ang kayang baywang paibaba ay nagiging isda.

Ngunit dahil sa matalas na mata at pang-amoy, nalaman ito ni Melusine na sumisigaw sa kahihiyan na tumalon sa bintana ng banyo. Mula noon hindi na siya nasilayan ni Raymonde, na bumabalik na lamang sa kalaliman ng gabi para pasusuhin ang kanilang anak. At sinasabing kapag siya'y dumarating nakakikita sila ng nagliliwanag na anyo na may kulay asul at puting kaliskis na buntot na nasa tabi ng duyan ng bata.

Dito nagtapos ang kanilang makulay na pag-iibigan na nag-wakas sa isang masaklap na paghihiwalay. Na nangyari dahil lamang sa sutsot ng kanyang pamilya.

Dahil sa mga kuwento ng mga mandaragat tungkol sa sirena, nauso nang panahong ito na iguhit o ililuk ng mga tao ang larawan ng sirena sangayon sa mga nabanggit na alamat. Kaya magpahanggan sa ngayon ang sirena ay isinasalarawan na nakasampa sa isang malaking bato at sinusuklay ang kanyang mahabang buhok habang umaawit nang isang malamyos at matinis na tinig para akitin ang mga nagdaraan marino.

SIRENA - ANG SPANISH VERSION

Totoo nga kayang may sirena ? Mahirap paniwalaan na ang isang solidong nilikhang kalahating tao at ang kalahati’y isda ay mamuhay nang normal sa ilalim ng dagat. At siyang pagmulan ng kung anu-anong kuwento at alamat.

Unang-una ang salitang sirena ay hindi original na salitang Pilipino. Sunod ang kaunaunahang banggit na pangalan ng sirena na Marina, ay hindi rin original na pangalang Pilipina kundi isang pangalang Castila. Isang malinaw na katibayan na ang alamat na ito ng sirena ay hindi matandang kapaniwalaan ng mga Pilipino. Sapagkat maging ang mga karakter na nababanggit sa kasaysayan ay mga bagong pangalan.

Nagsimula ang mga kasaysayang ito sa panahon na ang tao ay naniniwala na ang mundo ay lapad at ang sino man makapunta sa tabi nito ay madadala ng malakas na agos ng dagat, hanggan sa mahulog sa walanghanggan kadiliman. Sa panahong ito kakaunti pa lamang ang nababatid ng mga tao hinggil sa ibang malalayong lupain, ang mga European ay walang alam na may ibang lupain tulad ng America o Australia.

Dahil ang panahon ng Middle Ages, ay paghahangad ng tao na magkamal ng mas marami pang-kayamanan, at makawala sa tanikala ng karimlan, kinakailangan nilang tumuklas nang ibang lupain. Kaya hinayaan nila ang mga scholars na mag-theorize sa mga malayung lupain at kung papaano makakarating dito.

Dito nagsimula ang panahon nang paggalugad, paglalayag at mapanganib na pakikipagsapalaran sa dagat. Sa panahong ito nagsulputan ang iba’t-ibang maka-bagong alamat, na mga kuwento tungkol sa mga mahiwagang lupain na sa katunayan ay hindi naman nila talaga narating dahil sa takot.

Isa na nga rito ang Alamat ng Sirena, na kinatha ng isang Castilang marino na nagngangalan Pedro. Ang dugong (sea cow) na nakita nila sa dagat pasipiko sa panahon ng kanilang paglalayag ay napagkamalan nilang sirena. Na karaniwan nang matatagpuan sa Pacipic Ocean, Indian Ocean, sa Red Sea, at sa mga baybayin ng Australia. Kaya ang mermaid o sirena na kwentong-pambata ay walang-iba kundi ang hayop na tinatawag na dugong, at sa salitang Malayan ay duyun.

Ito ay isang mahiyain at harmless aquatic mammal, ang babaeng dugong ay may kakaibang ugali na pagtayo sa ibabaw ng tubig. Kalahati ng katawan niya ay nakalitaw, samantalang ang kalahating pang-ibaba ay nakalubog sa tubig. Ito ay ginagawa ng mga babaeng dugong upang pasusuhin ang mga anak nila na nasa tubig. May palikpik na malapad ang mga dugong upang maalalayan ang anak nila sa paglubog o pagkabitiw sa pagsuso sa kanila.

Ang dugong ay paumbok ang hugis ng katawan, na may brownish-gray na kulay, mayroon siyang malalapad na buntot (double-lobed tail), at lumalaki hanggang 12 piye. Hinuhuli ang dugong ng ilang aboriginals na kumakain ng laman nito na hindi naman masarap kainin (not palatable), subalit naipagbibili naman nang mahal ang makunat na balat nito. At ang mas mahalaga sa kanila, na siyang sanhi nang kanilang pagkaubos maliban sa pagkain sa mga hayop na ito, ay ang produktong langis na nakukuha sa katawan nito (o sa bladder), na ginagamit na gamot sa sakit na tuberkolosis (TB).
Noong taong 1944, isang dugong ang nahuli sa Australia na may sukat na 12 piye, at tumitimbang naman ng isang tonelada. Isa pa ring dugong ang nahuli sa Punta Arenas, Chile. Dahil sa pagiging-mahiyain lagi ng malayo sa pulo o dalampasigan nahuhuli ang mga dugong.

Samantalang ipinagtataka rin ng marami, kung papano sa malayong karagatan nahuhuli ang dugong gayong may mahiwagang ugali ang mga ito na mamasyal sa magulong lungsod kung ibig nila. Sapagkat paminsan-minsa’y sa Chile, ito’y umaahon sa dagat at nagsisimulang gumala at lumakad nang pa-ingkang-ingkang sa mga kalsada ruon, na ikinatatakot naman ng mga taong-bayan. Saka pagkaraan na makapamasyal ng ilang kanto sa kalsada, ito’y muling bumabalik sa dagat.

Maging noon sa Filipinas, may mga dugong na umaahon sa dalampasigan. Ang sabi naman ng matatanda, ito’y ginagawa nila para bigyan babala ang mga taong bayan sa darating na bagyo o sakuna sa dagat.

Nang matanawan nga ng mga marinong Castila ang dugong, ito’y napagkamalan nilang isang sirena, na iniugnay naman sa alamat ng mermaid. At sa mga mandaragat na ito nagsimula ang kuwento tungkol sa mga sirena na umaawit, nagpapasuso at nananalamin. Dahil hindi kilala sa Europa ang dugong, pagbalik nila sa Espan`a, ang balitang ito tungkol sa sirena ay mabilis na kumalat hanggan sa makarating sa Filipinas.

Na sa katotohanan ang babaing sirena na likha lamang nang kanilang imagination dahil sa layo. At ang nakikita nilang nagsisilbing buhok nito ay ang mga waves na singaw ng dagat na nakikita kung ikaw ay malayo sa isang bagay. Ang salamin naman na inilalarawan na laging hawak nito habang nagsusuklay daw ng buhok, ay walang iba kundi ang kanyang malalapad na palikpik na ginagawa niyang pang-alalay sa kanyang pinapasusong anak. Ang pangalan nitong sirena, ay hango sa kanyang huni o siren sound na sa salitang Castila ay sirena.

Na sangayon sa kinathang kuwento, ang sino man mandaragat na makarinig nang kanyang awit o sirena, ay dapat lang lumayo at takpan ang mga tenga. Kung hindi’y maaakit sila ng malambing at matimyas na siren sound na iyon ng mermaid, upang sila’y mamatay lamang sa nag-aalimpuyong karagatan.

Sangayon pa rin sa mga kuwento ng minero na si Pedro, nang abutin sila ng unos sa dagat, tinulongan sila ng isang sirena, na nakilala niya sa pangalang Marina. Na hango lang naman sa salita nilang marino o sailor. Na sa kanyang version, ang pangalan Marina ay nangangahulogan ng babaing mandaragat. Sa version din ito mapapansin natin na ang mga kuwento tungkol sa sirena ay pawang babae at walang lalake. Di tulad sa mga kuwentong kinatha ni Columbos, na meron mermaid at merman.
Sa loob nang mahabang panahon, ang nakatatakot na alamat ng mermaid ay nagpasalin-salin sa buong daigdig sa maraming salita, hanggang isang matapang na magdaragat ay nagkaroon ng pagkakataong mapalapit at makahuli ng sirenang ito sa karagatan. At natuklasan niyang ang mga humuhuni palang ito ay mga dugong (dagat-baboy). At ang paniwalang may umaawit sa dagat na isang sirena, na kinatatakutan ng mga mandaragat nuon na siyang may kagagawan nang pagkabagbag ng mga bangka, ay napatunayan na walang iba kundi ang dugong na hindi naman makapagsalita.

Ngunit kahit ang bagay na ito’y malinaw nang napatunayan, may mangilan-ngilan pa rin naniniwala sa mga sirena. Sapagkat ang nasabing alamat ay hindi kaagad-agad nabubura sa kanilang ala-ala at maka-lumang paniniwala. Na binuhay pa ng mga napatanyag na kuwentong tulad ng Dyesebel.

MERMAID - ANG ENGLISH VERSION

Kaylan naman nagsimula ang alamat ng mga Mermaid ?

Nang panahon tinutuklas ni Christopher Columbus, ang America, natanawan niya ang isang mammal na malamyos na lumalangoy sa karagatan ng Atlantic Ocean – ang Manatee. Sapagkat malayo ito sa kanya at mahamog ang bahaging iyon ng dagat, inakala niyang ito ang tinutukoy na Nympa sa dagat na tinatawag ng mga Griego na Siren. Pagbalik niya sa Europa, ito’y kanyang ginawan nang magagandang kuwento na ini-ugnay niya sa mitolohiyang Griego, tulad ng Nerieds at Nympa, na iniba lamang niya nang kunti. Ang mga nilalang na ito ay tinagurian niyang Mermaid, ang babae at Merman naman ang mga lalaki.

Ngunit sa katunayan ang pangalang ito’y hinango lamang niya sa wikang Anglo Saxon o Lumang English, na Mere, dagat; at Maid, babae. Kaya kung pagkakaisipin lamang natin ang mga nasabing katawagan o pangalan ng mga ito, kung totoo ngang may sirena. Papa’no natin masasabing mermaid ang magiging tawag sa kanila na kakaiba naman ang kanilang wika kaysa sa atin. Sa bahaging ito, malinaw natin mapapansin na ang mga nilalang na ito na pumasok at na-inject sa ating paniniwala, ay gawa-gawa lamang. Sa paglipas nang panahon ang mermaid na ito na sinasabing isang napakagandang dilag, ay ginawan nang maka-totohanang kasaysayan na sila’y nangaakit ng mga lalaking mandaragat sa pamamagitan ng kanilang malamyos at matinis na tinig. At pagkatapos ay ilulubog sa nagaalimpuyong dagat.