Pages

Tuesday, June 30, 2009

GREEK VERSION OF MERMAIDS

Sangayon sa matandang alamat ng Griego, ang sirena nila na tinatawag na Neried at Nympa, ay may mga binting kaliskisan at sa halip na paa, ang naruroon ay mga buntot ng isda. At sa mga kuwentong-bayan nila, sinasabing naninirahan ang mga nilalang na ito sa pusod ng dagat at mga malalalim na parte ng ilog.

Inaakit ng mga water elements na ito ang mga mandaragat, na siyang makikita nating sa kuwento ng mga Argonauts, sa pamamagitan ng matinis at malambing nilang tinig. Sa dahilan ngang puro mga lalake ang nangangahas na pumalaot hanggang doon sa pinapaniwalaan nilang kasukdulan ng karagatan, sila ang nagiging atraksyon at biktima ng mga babaing sirena. Umiibig ang mga sirena sa mga marino, subalit ipinagbabawal ito ng kanilang kaugalian, kaya’t nauuwi sa trahedya at malagim na kamatayan ang sukli sa pag-ibig ng mga dayuhang taga-lupang lalake.
Nagsimula naman ang alamat na ito ng mga Greeks, nang isang matapang na minero ng ‘ancient world’ ang naglayag sa sinasabing mahiwaga at misteryosong tubig ng Indian Ocean, napagkamalan nitong Nympa ang mga dugong na humuhuni sa dagat nang isang malambing at matimyas na siren sound. Dito na nagsimula pagbalik nila sa Greece, ang mga hinabing kuwento tungkol sa mga Nerieds at Nimpa, na kung inyong mapapansin ang isa sa mga pangalan ng nimpa sa kanilang mga alamat ay Siren. Hango sa narinig niyang huni ng mga dugong.

At sangayon sa mga alamat ng Griego, sinasabing ang mga ito ay naninirahan sa pusod ng dagat. At sila ay naging Mermaids, Mermen, Siyokoy, at iba pa. Nang lumubog ang kontinenteng-Atlantis ng sumabog ang bulkan duon. Doon na rin nanirahan ang Haring Olympus, at mga konstituwente niyang mga sirena at kauri nito. Ang mga siyokoy naman daw ay dating mga poging mermen, pero nang magkasala, ay pinarusahan ng hari at ginawang mga pangit na nilalang.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD