Pages

Tuesday, June 30, 2009

ALAMAT NG MERMAIDS

Sa tradisyonal na mga kuwentong bayan tungkol sa mga sirena, karaniwan na isinasalaran sila bilang isang kahabag-habag na nilalang. Ang sirena ay sinasabing isang malungkot na nilikha, na paminsan minsan ay umaahon sa dagat kapag kabilogan ng buwan saka makikihalubilo sa kasayahan ng mga taga-barrio.

Minsan, ang isang lalaki na kanyang nakasayaw at nahalatang isa siyang sirena ay inaagaw sa kanya ang mahiwagang gora kung hindi ay ang kakaiba niyang makinang na sinturon na hindi niya kaylan man inaalis kapag siya'y nasa lupa at hindi na siya makakabalik sa dagat sa dating porma hanggan sa manuyo ang kanyang balat at tumanda. Na sinasabing kapag ito'y hindi isinauli kaagad nauuwi sa kahindik-hindik na parusa ng dagat ang magaganap.

Sa panahon ito nang makabagong tecnologia, at agham marami pa rin ang naniniwalang mayroon totoong mermaid o sirena. Kahit magpahanggang ngayon ay wala pa tayong makita ng tunay na sirena buhay man o patay. Marami rin kuwento at sabi-sabi na meron daw nahuling sirana, ngunit kapag iyong pinuntahan at inusisa walang maipakitang matibay na ibedensiya hinggil sa kanilang sinasabi. Meron naman nagtatapat ngunit ang iba’y may alibay na ito raw ay pinakawalan nila dahil sa hindi ito makatagal sa ibabaw ng lupa.

Mula pa noong unang panahon sa matandang lupain ng Sumeria, at sa cultura ng Philistines at Babylonians sa panahong Biblical, ang lawarang ito na nakahahalintulad sa mga mermaids ay makikita na sa kanilang mga bahay sambahan. Ang kanilang larawan ay makikitang naka-tatak sa pera ng Phoenician at Corinthians. Maging ang mga Nerieds at Nympa ng Greek Mythology, na sinasabing water elements ay makikitang kahawig ng sirena na naninirahan sa tubig. Ngunit sila’y hindi katulad ng sirena na ang kalahati ng katawan ay sa isda. Kundi sa halip na sa isda ang parteng buntot, ang mga Nerieds at Nympa ay may dalawang binti na kaliskisan at sa halip na mga paa, ito’y binubuo ng mga buntot ng isda.

Kaya lumalabas na may apat na version ang mga water elements, na nalikha ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang malilikot na guni-guni. Ang Sumerian version, ang Greek version, ang English version at ang Spanish version. Dito malilinawan natin na ang alamat ng mga sirena ay hindi original na alamat ng mga Pilipino kahit na masasabing ang uring ito ng alamat ay nalikha sa mga pangyayaring naganap sa dagat Pasipiko.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD