Pages

Tuesday, June 30, 2009

GREEK VERSION OF MERMAIDS

Sangayon sa matandang alamat ng Griego, ang sirena nila na tinatawag na Neried at Nympa, ay may mga binting kaliskisan at sa halip na paa, ang naruroon ay mga buntot ng isda. At sa mga kuwentong-bayan nila, sinasabing naninirahan ang mga nilalang na ito sa pusod ng dagat at mga malalalim na parte ng ilog.

Inaakit ng mga water elements na ito ang mga mandaragat, na siyang makikita nating sa kuwento ng mga Argonauts, sa pamamagitan ng matinis at malambing nilang tinig. Sa dahilan ngang puro mga lalake ang nangangahas na pumalaot hanggang doon sa pinapaniwalaan nilang kasukdulan ng karagatan, sila ang nagiging atraksyon at biktima ng mga babaing sirena. Umiibig ang mga sirena sa mga marino, subalit ipinagbabawal ito ng kanilang kaugalian, kaya’t nauuwi sa trahedya at malagim na kamatayan ang sukli sa pag-ibig ng mga dayuhang taga-lupang lalake.
Nagsimula naman ang alamat na ito ng mga Greeks, nang isang matapang na minero ng ‘ancient world’ ang naglayag sa sinasabing mahiwaga at misteryosong tubig ng Indian Ocean, napagkamalan nitong Nympa ang mga dugong na humuhuni sa dagat nang isang malambing at matimyas na siren sound. Dito na nagsimula pagbalik nila sa Greece, ang mga hinabing kuwento tungkol sa mga Nerieds at Nimpa, na kung inyong mapapansin ang isa sa mga pangalan ng nimpa sa kanilang mga alamat ay Siren. Hango sa narinig niyang huni ng mga dugong.

At sangayon sa mga alamat ng Griego, sinasabing ang mga ito ay naninirahan sa pusod ng dagat. At sila ay naging Mermaids, Mermen, Siyokoy, at iba pa. Nang lumubog ang kontinenteng-Atlantis ng sumabog ang bulkan duon. Doon na rin nanirahan ang Haring Olympus, at mga konstituwente niyang mga sirena at kauri nito. Ang mga siyokoy naman daw ay dating mga poging mermen, pero nang magkasala, ay pinarusahan ng hari at ginawang mga pangit na nilalang.

ALAMAT NG MERMAIDS

Sa tradisyonal na mga kuwentong bayan tungkol sa mga sirena, karaniwan na isinasalaran sila bilang isang kahabag-habag na nilalang. Ang sirena ay sinasabing isang malungkot na nilikha, na paminsan minsan ay umaahon sa dagat kapag kabilogan ng buwan saka makikihalubilo sa kasayahan ng mga taga-barrio.

Minsan, ang isang lalaki na kanyang nakasayaw at nahalatang isa siyang sirena ay inaagaw sa kanya ang mahiwagang gora kung hindi ay ang kakaiba niyang makinang na sinturon na hindi niya kaylan man inaalis kapag siya'y nasa lupa at hindi na siya makakabalik sa dagat sa dating porma hanggan sa manuyo ang kanyang balat at tumanda. Na sinasabing kapag ito'y hindi isinauli kaagad nauuwi sa kahindik-hindik na parusa ng dagat ang magaganap.

Sa panahon ito nang makabagong tecnologia, at agham marami pa rin ang naniniwalang mayroon totoong mermaid o sirena. Kahit magpahanggang ngayon ay wala pa tayong makita ng tunay na sirena buhay man o patay. Marami rin kuwento at sabi-sabi na meron daw nahuling sirana, ngunit kapag iyong pinuntahan at inusisa walang maipakitang matibay na ibedensiya hinggil sa kanilang sinasabi. Meron naman nagtatapat ngunit ang iba’y may alibay na ito raw ay pinakawalan nila dahil sa hindi ito makatagal sa ibabaw ng lupa.

Mula pa noong unang panahon sa matandang lupain ng Sumeria, at sa cultura ng Philistines at Babylonians sa panahong Biblical, ang lawarang ito na nakahahalintulad sa mga mermaids ay makikita na sa kanilang mga bahay sambahan. Ang kanilang larawan ay makikitang naka-tatak sa pera ng Phoenician at Corinthians. Maging ang mga Nerieds at Nympa ng Greek Mythology, na sinasabing water elements ay makikitang kahawig ng sirena na naninirahan sa tubig. Ngunit sila’y hindi katulad ng sirena na ang kalahati ng katawan ay sa isda. Kundi sa halip na sa isda ang parteng buntot, ang mga Nerieds at Nympa ay may dalawang binti na kaliskisan at sa halip na mga paa, ito’y binubuo ng mga buntot ng isda.

Kaya lumalabas na may apat na version ang mga water elements, na nalikha ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang malilikot na guni-guni. Ang Sumerian version, ang Greek version, ang English version at ang Spanish version. Dito malilinawan natin na ang alamat ng mga sirena ay hindi original na alamat ng mga Pilipino kahit na masasabing ang uring ito ng alamat ay nalikha sa mga pangyayaring naganap sa dagat Pasipiko.

Tuesday, June 9, 2009

CHANGELING

Ano ang Changeling ? Ito ang pagpapalit ng mga immortal na nilalang sa isang mortal. Para siya’y madala sa daigdig ng mga encanto. Upang hikayatin na duon na ito manirahan. Ang bilang kapalit niya na isang kaputol na barani ng saging o kaya’y kaputol na troso; na ating nakikita na kamukha ng taong kinuha nila ay isa lamang malikmata.

Noong panahon, ang pamahiing ito nang matatanda, ay ginagalang at pinaniniwalaan bilang bahagi ng mahiwagang daigdig. Ngunit pagdating nang sinasabing modernong panahon na marami ng bagay ang natutuklasan sa mundo, at sciencia na ang namamayani sa isipan at paniniwala ng mga tao. Ang ganitong pangyayari ay ipinag-kikibit balikat na lamang at sasabihing yaon ay bahagi na lamang ng alamat. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinasabing kaya nang ipaliwanag ng sciencia.

Ngunit sa isasaysay kong ito sa inyong naganap tatlong buwan pa lamang ang nakararaan. Kayo mga giliw kong taga-pakinig ang magpasya; kung atin itong paniniwalaan o itatatwa.

Sapagkat ito ay totoong naganap sa isang pook sa Davao. Isang pangyayaring magpapabago sa ating paniniwala na totoo nga kayang may mahiwagang daigdig na naririto lamang sa ating kapaligiran at hindi natin nakikita ?

Dahil magpahanggang ngayon, hindi pa malaman at nakukuha ang bangkay ni Romy Santillan. Na hinihinalang kinuha ng mga encanto.

Ganito natin simulan ang mga pangyayari; sa isang pook sa Davao, tatlong buwan na ang nakararaan. Si Romy, ay mabilis na nagmamaneho sa isang highway dito. Di kaginsa-ginsa, isang 10 wheeller truck naman ang mabilis na humahagibis pasalubong sa kanya. At sa hindi malamang kadahilanan, ito’y bumangga sa 10 wheeller truck na siyang ikinawasak ng kotse nito. Dagli naman itong dinaluhan ng mga sakay nang naturang truck. Ngunit sa kanilang panggigilalas, nang buksan nila ang kotse, wala silang nakitang sakay sa loob nito; maliban sa mga bakas ng dugo. Kahit anong hanap nila, hindi ito matagpuan sa paligid ng pinangyarihan ng aksedente sa pag-aakalang ito’y tumalsik mula sa luob ng kotse.

Kinagabihan nang araw ding iyon ... nagulat ang kanyang asawa sa biglaan niyang pag-uwi. Nag-aakala kasi ito na tatlong araw bago siya makauuwi. Ang ipinagtataka lamang ng kanyang asawa ay hindi nito dala ang kotse. At ang dating masayahing asawa ay hindi na umiimik. Nang ito’y kanyang yakapin, bilang tanda nang pagbati ... naramdaman niyang malamig itong parang bato. Sa pag-aakalang pagod lamang ang kanyang asawa, kinayag niya itong mahiga para mamahinga. Ngayo’y parang naninibago siya, sapagkat basta na lamang ito nahiga at natulog. Sapagkat dati rati’y sinisipingan pa muna siya nito bago matulog at walang gabing hindi ito pumapalya.

Nang mag-uumaga na, bigla na lamang itong tumayo patungo sa drawer at nagsulat ng ‘last will’ at testamento para sa kanyang asawa. Pagkatapos niya itong maibigay sa kanyang asawa. Muli itong bumalik sa kanyang higaan, ... at parang tinibang saging na nahiga.

Dito na nag-panic ang kanyang asawa; at taranta itong tumakbo papalabas ng bahay, upang humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay, na kaagad namang nagsidalo. Ngunit sa kanilang panggigilalas, wala silang natagpuan sa kama ng mag-asawa maliban sa isang malaking troso na ‘sing-sukat ng kanyang nawawalang asawa.

Pagkaraan nito, nabalitaan nila na kahapon pa pala na-aksedente ang kanyang asawa na hindi matagpuan maliban sa kotseng menamaneho nito.

Papaano natin ito maipapaliwanag sa pamamagitan ng sciencia? Totoo nga kaya ang mga encanto ? Ano sa palagay ninyo mga giliw kong mga taga-pakinig; ito kaya’y kagagawan ng mga diwata ? At si Romy ay namumuhay na sa ibang dimension o nagtatago lamang ?