Pages

Friday, April 14, 2023

KASAYSAYAN NG SATOR


NOONG UNANG PANAHON, SA MGA PANAHON NI EMPERADOR NERO NG ROMA IMPERYO, ANG MGA KRISTIYANO AY PINAGPAPATAY DAHIL AYAW NI EMPEROR NERO NA MAY IBANG KIKILALANING DIYOS LIBAN SA KANYA. ANG MGA SUMASAMBA KAY HESUKRISTO BILANG ANAK NG DIYOS AY PINARURUSAHAN AT PINAGPAPATAY, KUNG KAYA ANG SANGKRISTYANUHAN NOONG ARAW AY NAG-USAP PARA MAITAGO NILA ANG KANILANG PANANAMPALATAYA SA PORMA NG SALITA. NAPAGKASUNDUAN NILA NA ANG KANILANG GAWING CODE AY PATER NOSTER, ALPHA ET OMEGA, NGUNIT MAKIKILALA PA RIN SILANG BILANG KRISTIYANO DAHIL SA SI JESUKRISTO ANG NAGTURO NG PANALANGIN BILANG AMA NAMIN, AT SA LIBRO NG MGA PAHAYAG NI SAN JUAN, NA ANG ALPHA ET OMEGA AY ANG DIYOS NG MGA KRISTIYANO.


MULA SA SALITANG ITO NA PA-KRUS, NA SUMISIMBULO NG PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO, NAIPORMA ANG ORACIONG ITO:

SAMAKATUWID, ANG ORACIONG ITO AY BINABANGGIT NG ISANG KRISTIYANO NOONG ARAW UPANG MAKILALA NG KAPWA KRISTIYANO, NA HINDI MAPAPANSIN NG MGA ROMANO.

ANG SALITANG ITO AY NAGKABISA NG SOBRA DAHIL SA SIMBOLISMO SA LIKOD NG ORACIONG ITO. ANG MGA KRISTIYANO NOONG ARAW AY HANDANG MAMATAY SA KANILANG PANANAMPALATAYA, AT ANG KANILANG MGA BUHAY AY INIALAY NILA SA DIYOS. ANG ORACIONG ITO AY NAGKABISA NG HUSTO SAPAGKAT NAPAKARAMING MGA MARTIR, MGA SANTO AT SANTA ANG NAG-ALAY NG BUHAY PARA SA SANG-KRISTYANUHAN.

SA LITERAL NA KAHULUGAN, ANG KAHULUGAN NG NASABING ORACION AY ANG MGA SUMUSUNOD:

SATOR - DIYOS AMA, TAGALIGTAS

AREPO - NA KUMIKILOS, NAGBUBUNGKAL

TENET -NA NAGHAHARI

OPERA - SA MGA GAWA NG TAO

ROTAS - AT MGA GINAWANG MGA BAGAY

ANG KAHULUGAN AT KASAYSAYAN SA LIKOD NG ORACIONG ITO ANG NAGKAKALOOB NG KAPANGYARIHAN SA MGA SALITANG ITO, KUNG KAYA’T ANUMANG ORACION, KAPAG INIHULI ANG SATOR, AY UMAANDAR.

 ANG SATOR, AYON KAY MAESTRO MELENCIO T. SABINO AY ANG KRUS SA MUNDO.

ANG KRUS AY SUMISIMBULO NG SANGKRISTIYANUHAN, AT ANG KAPANGYARIHANG TINATAWAGAN NG SATOR AY KAPANGYARIHAN MULA SA IBA’T-IBANG PANIG NG MUNDO KUNG SAAN ANG MGA KRISTIYANO AY LUMAGANAP.

 

MARAMING MGA BASAG ANG MGA LETRA NG SATOR. AYON SA TESTAMENTO NI KA DEMETRIO SIBAL, ISA SA MGA KILALANG TAGASUNOD NI MAESTRO MELENCIO T. SABINO, ANG SATOR AY NAHAHATI SA HINDI KORONADOS, AT KORONADOS


DIVINE HEALING: Pagtawag para dumating ang Masamang Espiritu 1

 


VENIT SPUNSAME ET SEMPER

TEODORUM ARAM ADAM ACDAM

ACSADAM ADONAI

 

Matapos masabi ang oraciong nabanggit, ay titingnan ang maysakit sa tuktok at sa noo. Maaari namang ihinga ang nasabing oracion sa papel na walang sulat at saka ipatong sa ulo ng maysakit.

Monday, March 27, 2023

PITONG MAKAPANGYARIHANG LENGUAHE SA ATING DAIGDIG


 "Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa."

Zepaniah 3:9

Mayroong Pitong lenguahe itinuturing mula pa nuon panahon na may kapangyarihan. Itinuturing itong Sagrado na Lenguage, at ginagamit na makapangyarihang salita magpahanggan sa ngayon. Na ang mga nasabing lenguage ay makikitang sumakop sa daigdig sa bawat taning na panahon.

7 - Sanskrit (Himalaya) - Language of God
6 - Quftic (Egypt) - Language of Astrals
5 - Hebrew (Canaan) -  Language of Prophets
4 - Latin ( Italy) - Language of Angels
3 - Celtic (Germany) - Language of Elementals
2 - Avestan (Persia) - Language of Spirits
1 - Akkadian (Sumeria) - Language of Souls

Ngunit ang mga nasabing lenguage ay hindi lamang masasabing may kapangyarihan, kundi may antas ng kapangyarihan kung gaano ito kalakas. Kung ang salitang Latin na itinuturing nating makapangyarihang power words, sapagkat pinapaniwalaang siyang ginamit na salita ni Jesus, ay hindi ang pinakamakapangyarihan Salita, sapagkat ito’y lenguage lamang ng mga Anghel, kundi ang Sanskrit na siyang lenguahe ng Dios.

Ang unang Lenguageng sumakop sa daigdig ay ang Sanskrit; ito ang nagbigay impluwensya sa ibang lenguage dito sa mundo. Makikita na lahat ng salita sa daigdig ay mayruon nakahalong Sanskrit. At ang salitang ito rin ang siyang huling sasakop sa mundo, kaya nga ito tatawagin salita ng Alpha Omega – ang salitang pasimula at wakas.

Kapag ang sangkatauhan ay muling natuto ng nasabing Lenguahe, ang mga nilikhang nasa ibang dimensiyon tulad ng mga Ethereans, ay ganap nang makikipag-ugnayan sa tao. Sapagkat sa pamamagitan ng salitang ito magiging parehas na ang wavelength natin sa kanila.

Makikita rin na ang pitong nasabing lenguahe ay may pagkakahalintulad ng tunog ang mga salita, maging ang pakakapareho nila ng kahulogan. Nang nagdaang panahon maraming bulaang taga-pagturo ang nangaral sa mundo at nagbigay ng sariling pinaghalo-halong salitang may kapangyarihan. Sila’y masasabing isa sa mga Anti-God, dahil nag-imbento sila at nagbigay nang maling paliwanag hinggil sa tunay na ispiritual na pilosopiya ng Dios. Na siya natin makikita sa mga aklat ng oracion at qaballah, at ginamit nila ang mga nasabing makapangyarihang salita sa kanilang pansariling adhikain at pakinabang.

Dahil na rin sa hindi sila tunay na dalubhasa sa mga lenguage, ating makikita na sa kanilang mga oracion, may pinaghahalo silang mga iba’t-ibang lenguage na wala namang ganap na kaugnayan sa nasabing makapangyarihang salita. Hindi na nila isinaalang-alang ang masamang epekto nito sa mga taong mag-aaral ukol dito. Ginagawa nila ito para sa pansariling pakinabang na magkapera – isang negosyo, kahit salat sila ng karunungan sa lenguaheng ito. Ang ibang taga-pagturo ay makikita naman natin na sumisipi ng mga mabubuting salita sa makapangyarihang salita, para makita ng tao ang kabutihan ng kanyang pilosopiya, at pinaniniwalaan naman ng tao sa walang katotohanan. Dahil ang totoo, ay ginagawa nilang mali ang tama, at ang mali, ang siyang ginagawa nilang tunay.
Mayruon naman mga aklat na nagsasaad na galing pa daw ng India, para ang tao ay lalong maniwala sa kanila. Ngunit tingnan mo ang nilalaman ng nasabing occult book, ay pawang Latin at Hebrew at kung anu-ano pang mga salita walang tamang kahulugan, at wala naman salitang Sanskrit. Wala rin makikitang maka-agham na katuruan ang nasabing aklat. Kaya magpahanggang sa ngayon, payak pa rin ang pilosopiya nila ukol sa mga oracion.

Ang isa pang dahilan nito, ang isang oracion ay magulo at halo-halo ang nasasaad sa mga talata. Dahil na rin sa ang mga may akda nito ay bumagsak sa ispiritual at nagsarili. May mga tao naman naakit na malaman ang Yoga, at kanilang ipinangangaladakan sa tao na sila’y nag-aral nito, ngunit ang totoo nuon naakit lamang siyang makinig sa talumpati ng isang guru, na nagbigay lecture ukol sa Sanskrit, at ang power ng guru ay nag-vibrate sa mga naroon.

Dahil sa ang nasabing estudyante ay wala pang ganap na pagsuko sa biyaya ng Kataastaasang Dios at nananaig pa rin ang pansarili niyang pakinabang, tinandaan niya ang nasabing Sanskrit shlokas, para ito ay gayahin, sapagkat nang sambitin niya ito sa kanyang sarili nag-vibrate sa buo niyang katawan, at nalaman niya ang taglay nitong kapangyarihan.
Sapagkat tagasunod siya ng mga okultong pilosopiya, ang kanyang bagong dalisay na karunungan, ay pinaghalo niya sa kanyang mga natutunan at saka nagsarili. Saka binigyan ng pansariling kahulugan.

Ang mga pangyayaring ito’y nagaganap magpahanggan sa ngayon dahil na rin sa ang tao’y naghahangad na siya ang makilala at matanyag, hindi ang Kataastaasan na siyang lumalang ng lahat ng bagay. Ang resulta, hindi niya naaabot na makuha ang buong kapangyarihan ng Mantra na tulad sa isang realized. Ang hindi niya batid nangyayari ito sa kanyang buhay dahil hindi pa siya dalisay tulad ng taglay niyang mantra, kaya hindi niya ito mapa-vibrate ng ganap na kapangyarihan sa kanyang katawan. Ito ang dahilan kung bakit may makikita kayong oracion na may mga halong mantra.

Ang makapangyarihang salita, ay gumagana sang-ayon sa pagiging dalisay ng mantra at kalinisan ng gumagamit nito. At ang epekto ay makikita sa bilang ng syllable ng nasabing mantra, mula sa dalawa hanggan sa labing-anim na syllable. Nararapat rin ang tamang pagkakasunod-sunod ng salita, para makuha ang tamang tunog at ritmo ng kapangyarihan ng mantra. Kaya maling isipin na ang kapangyarihan nito ay lalakas kapag pinaghalo ang mga hindi dalisay na salita sa mantra. Sapagkat ang mantra, maliban sa bilang ng kanyang syllable, ito’y may indayog at diin para makuha ang ritmo nito at incantation. Ngayon sa pamamagitan ng tunog na dumadaloy sa ating isipan tungo sa katawan, ang glands ng ating katawan ay bumubukas at mag-vibrate sa mas higher realm.

Kaya nararapat na para masabing ito’y tunay at ganap na makapangyarihang salita, ito’y binubuo ng sagradong sangkap na mga salita, para ito’y maging isang ganap na transcendental na tunog, na dadaloy sa Parashanti. At kung gaano nakapuon at kadalisay ang iyong isipan at katawan, gayon din naman kalakas ang power nito. At lalong lumalakas at tumatalas sa pamamagitan ng ulit-ulit na pag-chant sa mantra.

Dapat ninyong malaman na ang lahat ng power words ay nagsimula sa salitang AUM. Na sa paglipas ng panahon ito’y binago at nasulat na OM, naging OHM hanggan mapasa sa Egypt at Hebrew na AMEN at sa Arabic ay Aamin. Dahil na rin sa pagsasalin nito, (transliteration) nababago ang nasabing baybay at kung minsa’y pati ang kahulogan.

Maging sa Quaballah, dahil sa wala ng tunay na nakaaalam ng mahiwagang pangalan ng Dios na YHVH, ang nasabing pangalan ay nag-transform sa thousand iba’t-ibang pangalan.
Dito pa lamang ating malilinawan na ang salitang AMEN ay tunay na nagmula sa pangalan ng Dios na OM. Na sa bawat pagsalin at henerasyon, ang nasabing pangalan ay nabago ang letra at nagsimulang dumami nang dahil na rin sa mga taong nagmamarunong na gustong tuklasin ang kanyang mahiwagang pangalan.

Sanskrit:  ang lenguaheng ito ay tinawag na wika ng Dios, sapagkat nabuo ang nasabing lenguahe sa pamamagitan nang pakikinig ng mga mystiko sa kanilang meditasyon na ang unang narinig ay ang tinig na “AUM.” Dito nagsimula ang lahat na Sanskrit sound, ito’y kanilang inipon at itinala sa bato sa pamamagitan ng simbolo na tinatawag na Sandhya Bhasa o Twilight symbols.


Note: Ang artikulo pong ito ay hindi akin, ang paliwanag na ito ay nagmula sa dati kung Guru. Akin pong ibinahagi baka sakaling merong aral na makuha dito, ito po ay para sa lahat, nasa ating sarili na lang po kung ating tatanggapin o hindi. 

MAJICA BLANCA NI MOISES

Para sa kabutihan ng mga nakatutunghay ng aklat na ito narito ang mga kababalaghan na ginawa ni Moises noong unang panahon. Sa panahong ito ng kasalukuyan ay mangyayari rin ito kung ang nagsasagawa ay lubos at taos ang pananalig at buo ang loob.

Upang lubos na makamtan ang mga kapangyarihang isinasaad rito ay magdasal ng sumusunod na panalangin bago matulog sa gabi at pagkagising sa umaga.

Panalangin: "AMANG makapangyarihan sa lahat akong si (banggitin ang 'yong pangalan) anak ng Dios Ama ay tumatawag sa iyo ng buong puso. Isinasamo ko sa iyo Ama, huwag mo akong pababayaan. Tulungan mo ang mga dakilang ispiritung banal upang tumulong sa akin sa lahat ng lugar, kung darating na ang lubha kong pangangailangan ng hindi magiging labag sa banal mong kautusan."


"Animom Animom Animom

Rinetip Taftian

Yod He Vau He"

Dios ang bahala siya ang nagbabantay. Amen!

__________________

Note: Hindi ko nakita kung anong aklat ang pinagmulan nito tulad ng binabanggit. Kopya ko lang ito sa note ng namatay kong kakilala na isang occultist.

Saturday, February 25, 2023

ANG PANAGINIP

Ang PANAGINIP ay nangangahulugan na "pangitain habang natutulog". Ang iba namang panaginip ay may kahulugan at interpretasyon. Karamihan sa ating panaginip ay resulta ng mga pangyayari sa buong araw ng pamumuhay natin. Kaya ang panaginip natin na walang kaugnayan sa maghapon natin ay at ng mga nakaraang linggo ay may espesyal na kahulugan, maaaring isang mabuting pangyayari o masama.

ONIEOCRITIC ang tawag sa taong nag-iinterpret ng panaginip, at ang pag-aaral ng kahulugan ng mga panaginip ay tinatawag naman na ONIEROMANCY.

Ang panaginip ay isang misteryosong pangitain na nangyayari kapag ang katawan ng isang tao ay namamahinga. Kapag ang isang tao ay natutulog, patuloy pa rin ang aktibidad ng katawan, kaya ganun rin ang ating isipan. Kahit na walang nakakadisturbo, kahit ang katawan ay namamahinga ay hindi nito kayang apulahin ang pagiging sensitibo at pagdama sa ating subconscious. Kaya ang ating isipan ay nakakapaglagalag o nakapagtatala ng isang bagay na ginawa ng tao habang siya ay gising.

Ang panaginip ay nagaganap araw man o gabi. Minsan ang isang panaginip ay nagpapahiwatig ng isang insedente o maaaring indikasyon ng isang magandang pangyayari.Ang isang panaginip na nangyari habang may karamdaman ay hindi nararapat na maging basehan. Ang panaginip naman na naganap sa araw ay medyo hindi sapat upang gawing basehan kadalasan maganap man ito ay lubhang napakatagal.


ANG SIKOLOHIYA AT SIGNIPIKASYON

Ang panaginip rin ay binibigyang dipinisyon bilang "Serye ng mga larawan at pangyayari na nakikita ng taong natutulog". Ito ay mala-halusinasyon na karanasan habang natutulog. Ito ay may natatagong nilalaman na kakaiba sa literal na pinapahiwatig sa ating pagkakaalala. Ito rin ay ang nagbibigay ng saliwaang estado sa pisikal na aktibidad. Tila isang totoo ang panaginip habang ito ay tumatagal subalit ito ay walang katotohanan lalo na kung ito ay walang direktang kaugnayan sa aktwal na nangyayari.

Ang panaginip ay nasa pagitan ng agaw-ulirat o sa pagitan ng agaw-antok. Ito rin ay estado ng kamalayan o maging ng kamatayan. Ito ay isang penomena na madaling lumipas at madaling matapos. Sinasabi na ang mahabang panaginip ay tumatagal ng limang segundo. Ito ay biglaang nagsisimula at agad rin namang natatapos. Ito ay hindi sinasadyang paglalabas ng nilalaman ng ating subconscious at kaisipang conscious. Ang panaginip na hindi konektado sa isang tao, lugar, aktibidad at aksyon sa kasalukuyang buhay ay nagpapahiwatig ng isang pangyayari sa hinaharap.

ANG PANAGINIP AY MABIBIGYANG KLASIPIKASYON BILANG:

1. Kaaya-aya

2. Hindi malugod

3. Nag-iisa

4. Sama-sama

5. Walang katotohanan, walang kahulugan, pantastiko at walang basehan

6. Maikli

7. Makatotohanan

8. Panaginip tungkol sa mangyayari sa hinaharap

9. Ang ordinaryong panaginip ay pagpapatuloy lamang ng inog ng buhay, katulad ng; pagbabasa, pagsusulat, pakikipag-usap sa mga kaibigan, atbp.

10. Panaginip bago magising.

Ang panaginip ay penomenang universal. Lahat ay nakakapanaginip, ang iba ay nalilimot at ang iba naman ay naaalala nila ito ng malabo o malinaw.


ANG PANAGINIP AY NAGSISILBI BILANG:

1. Babala para sa darating na hinaharap.

2. Upang mamangha ang nanaginip sa pagitan ng pagiging gising at sa malalim na pagkakahimbing.

3. Makapghatid ng kapighatian sa nanaginip.

4. Makapagbigay kaganapan sa mga hindi maipalabas ng hinahangad o ninanais, hindi natupad na mga pangarap, natatagong takot at pag-aalala.

5. Nagsisilibing gabay sa mga hindi maresolbang problema.

6. Para malaman ang natatagong sekreto.

May pangyayari na ang namatay na tao ay nagpapakita sa panaginip at nagsasabi sa kanyang asawa tungkol sa maraming pera na naipon ng patago noong nabubuhay pa siya. Sa pag-iimbestiga nalaman na totoo at tama ang panaginip.

Ang ating kamalayan ang nagpapakita ng panaginip at ang kaluluwa ang saksi. Ayon sa Yajur Veda (34-1,3) ang kamalayan ay nakakapaglagalag ng malayo at malawak habang tayo ay gising, at ganun rin naman kung tayo ay natutulog, walang aksyon na magaganap kung wala nito at ito rin ang imbakan ng memorya.


PANAHON KUNG KAILAN MANGYAYARI ANG PANAGINIP:

Ang panaginip na nangyari sa unang parte ng gabi ay nagsasabing mangyayari ito isang taon mula ng maganap ang panaginip. Sa ikalawang parte ng panaginip maaaring mangyari ito walong buwan mula ng mangyari ang panaginip. Sa ikatlong pagkakataon ito ay maaaring maganap sa loob ng tatlong buwan. At halos isang buwan naman kung ikaapat na beses itong maulit. At ang panaginip na nakita naman ng halos isang oras may posibilidad na maganap ito sa loob ng sampung araw. Ang panaginip naman sa madaling araw o umaga ay mangyayari ng araw na ding iyon.

PAGLILINIS NG SARILI - ANIMA CHRISTI

OH PANGINOONG HESUKRISTO, IKINALULUNGKOT KO ANG AKING MGA PAGKUKULANG, ANG AKING MGA KAMALIAN, AT ANG AKING MGA KASALANAN.

SISIKAPIN KO PO, SA TULONG PO NINYO, NA MAGBAGO TUNGO SA KABUTIHAN. NANANALIG AKO SA IYO AT INIIBIG KITA BILANG PANGINOON KO.


ANIMA CHRISTI, SANCTISSIMA.

SANCTIFICAME CORPUS CHRISTI.

SACRATISSIMUM SALVAME.


SANGGUIS CHRISTI, PRETIOSSISIME INEBRA ME.

AQUA LATERIS CHRISTI, PURISSIMA MUNDA ME. SUDOR VULTUS CHRISTI VIRTUOSISSIME SANA ME. PASSIO CHRISTI PIISIMA COMFORTA ME. O BONE JESUS, CUSTODE ME. INTRA VULNERA TUA AB SCONDE ME.NON PERMITTAS ME SEPARARE A TE.AB HOSTE MALIGNO DEFENDA ME.IN HORA MORTIS--VOCA ME,--JUBE ME,--VENIRE AD TE,--ET PONE ME JUXTATE UT CUM ANGELIS ET ARCHANGELIS TUIS LAUDEM TE PER INFINITA SAECULA SAECULORUM.AMEN

ANIMA DOMINUS DEUS SABAOTH CHRISTE JESUS JESUS JESUS CORPUS CHRISTE ATUM—PECATUM---EGOSUM---JESUSALEM---BARSEDIT LAVAVE ME SALVAME.


ANG KASAYSAYAN NG MEDALYANG SAN BENITO

Si San Benito,biniyayaan ng Diyos sa grasya at pangalan,“PATRIARCH OF WESTERN MONASTISM”, at nagtatag ng order namay pangalan niya. Pinanganak sa Nursia Italia,noong taong 480 at pumanaw noong 547.Ang krus ng Panginoong HesuKristo ang sentro ngdebusyon sa mga unang kristiyano.Ang tanda ng ating kaligtasan ang nagbigay bunga sa medalya ni San Benito.Ang mga Santo ay kadalasan ginagamit ang Tanda ng Krus sa gawain nilang mga milagro at mapaglabanan ang demonyo at mga paghihikayat nito.Kaya mula pa noong pumanaw na si San Benito,siya ay naalala sa medalya na may dalang Krus ni Hesus at Banal na Kasulatan.

ANG URI NG MEDALYA
Ang debusyon sa Krus at kay San Benito ang pinakamahalaga na tuparin ng BENEDICTINE ORDER .Ang medalya ni San Benito ay laganap na mula pa noong MIDDLE AGES,taon 1647 sa monasteryo sa Metten Bravaria.Noong 1415 ay isang lumang manuskripyo ang nadiskubre na nadbibigay paliwanag sa mga letra sa medalya.Ang manuskripyo ay may ginuhit na larawan ni San Benito na may hawak na Krus sa isang kamay at ang Banal na Kasulatan na nagpapaliwanag sa mga letra. Ang pagdidiskubre nito ay nagbigay ngbagong sigla sa debusyon sa Krus at kay San Benito.

Ang simbolo ng dalawang debusyon na ito ay ipinalaganap sa mga tao.Marami at hindi pangkaraniwang mga kahilingan ang nakamit ng mga deboto.Tuluyang lumaganap ang debusyon sa buong parte ng Europa. Noong taon 1741,ang Santo Papa Benito XIV ay pinahintulutan ang debusyon sa medalya sa pamamagitan ng mga indulehensiya.Sa kasalukuyan may dalawang klase ng medalya.Ang una ay ang pinagtibay ni Santo Papa Benito XIV na nakilala na ORDINARY MEDAL.Ang pangalawa ay ang JUBILEE o CENTENARY MEDAL na lumabas noong taon 1880 sa pag-alala ng 1400  taon kapanganakan ni San Benito.Si Santo Papa Pius IX noong taon 1877 ay pinahintulutan ang bagong medalya ni San Benito.Bukod sa mga indulehensiya ng ORDINARY MEDAL ,dinagdagan pa ng maraming bagong indulehensiya ang JUBILEE MEDAL ng Santo Papa. Ang medalyang ito ay ipinagawa ng ARCH-ABBEY OF MONTE CASSINO.

ANG ANYO NG JUBILEE MEDAL
Ang JUBILEE MEDAL ni San Benito ay naglalarawan ng isang banal na Patriarka na may hawak na Krus sa isang kamay at Banal na Kasulatan sa kabila.Sa kabilang bahagi ng medalya naman ay makikita ang isang Krus na may naka titik na mga letra sa paligid nito.Mga letrang ito ay EJACULATORY PRAYER na madalas bigkasin ni San Benito sa kanyang mga labi. Ang mga letra sa apat na panunulukan sa Krus C.S.P.B. ,ay naghahayag ng mga salitang: CRUZ SANCTI PATRIS BENEDICTI (Ang Krus ng Banal na Amang Benito).Sa taludtod na patindig ng Krus na may letrang, C.S.S.M.L. .Ang mga kahulugan nito: CRUZ SACRA SIT MIHILUX (Ang mahal na Krus ay siya kong maging ilaw). Sa taludtod na pahiga: N.D.S.M.D. NON DRACO SIT MIHI DUX (Kailan ma’y huwag kong maging patnugot ang dragon demonyo).Ang mga letra sa gilid: V.R.S.N.S.M.V.S.M.Q.L.I.V.B.,namay ganito ang sinabi: VADE RETRO SATANA NUNQUAM SUADE MIHI VANA SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS(Lumayo ka saakin satanas huwag mo akong tuksuhin sa kapalaluan,ang kupang inihahandog mo saakin ay masama ikaw rin ang uminom ng lason mo).

Sa itaas ng Krus ay salitang PAX (Kapayapaan),ang adhikain ng BENEDICTINE ORDER na siyang biyaya na rin ang binibigay sa mga deboto. Sa kanan bahagi ni San Benito ay ang kopang may lason na nabasag sapagbasbas ng antanda ng Krus ni San Benito.Sa kaliwang bahagi naman ay ang uwak na naka akmang tutukain at ililipad ang tinapay na may lason para kaySan Benito.

Sa itaas ng kopa ay may salitang: CRUZ SANCTI PATRIS BENEDICTI (Ang Krus ng Banal na Amang Benito).Sa gilid ang mga salitang EIUS IN OBITUNOSTRO PRAESENTIA MUNIAMUR (Sa oras ng aming kamatayan ay iligtas mo kami).Sa ibabang bahagi: S.B.C. (San Benito Cruz).

ANG PAG-GAMIT NG MEDALYA 
Ang medalya ay maaaring nakabitin sa leeg,kasama sa eskapular o sa mahal na Rosaryo o daladala ng deboto sa kaniyang katawan.Maaring ilubog sa tubig o medisina na ipapainom sa may sakit o idampi sa bahaging parte ng katawan na may sugat o dinaramdam.Kadalasan naman inilalagay ito sa pundasyon ng bahay,sa may pintuan, dingding o sasakyan.Upang humingi ng biyaya sa Makapangyarihang Diyos at proteksyonkay San Benito at Santa Iglesia.

Lubhang marami ang mga himalang ginawa ng Diyos sa pagpapatibay sa mga binyagan ng debosyon sa milagrosong medalya at lalo pang nabatid ang kaniyang bisa sa pagbabalik loob na bigla sa Diyos,ang karamihan ay sa oras ng kamatayan,sa pagliligtas sa mga ina at anak sa mahirap na panganganak,sa pagpapagaling sa sakit sa isang sandali lamang at sa pag aadya sa mga lintik gayon naman sa daya ng demonyo.Sa kaniyang bisa ay makaliligtas at gumagaling ang mga tinatamaan ng sakit na apoplegia, panginginig at iba pa. Walang taning na panalangin sa pagkamit ng mga awang ito ngunit kaugalian na hagkan ang medalya at ang iba ay paghingi ng awa ay magdasal ng limang Gloria Patri patungkol sa Diyos na Poon,limang Aba Ginoong Maria kapurihan ng mahal na Birhen at isang Ama Namin ng makamtan ang tulong ni San Benito. 

May mga tao na sa araw-araw ay gumagawa ng kabanalang ito at ang iba ay sa tuwing Martes lamang palibhasa’y ang araw na ito ay nalalaan sa maluwalhating Patriarka. Sa oras ng pagsubok o panunukso ng demonyo,hawakan ang medalya at halikan ng mataimtim at dasalin ang mga EJACULATIONS sa medalya.

BISA NG MEDALYA
Ang kagalingang bisa ng medalya ay nagmumula sa passion ng Panginoong HesuKristo sa pamamagitan ni San Benito at biyaya ng Santa Iglesia.Ang biyayang nagmumula sa Diyos ay nagbibigay sa mga deboto ng kalooban sa mga bitang at panunukso ng demonyo: proteksiyon sa kidlat at mga kalamidad,sa peste,sakit at lason. Biyaya at grasya ng Makapangyarihan Diyos sa mga espiritual at temporal na nangangailangan.Marami ng mga deboto ang makakapagpatunay sa medalya sa paghingi ng tulong sa pamamagitan ni San Benito.Ito ay lalongmakapangyarihan sa pag iwas sa sakuna ng katawan at kaluluwa.