Pages

Saturday, February 25, 2023

ANG PANAGINIP

Ang PANAGINIP ay nangangahulugan na "pangitain habang natutulog". Ang iba namang panaginip ay may kahulugan at interpretasyon. Karamihan sa ating panaginip ay resulta ng mga pangyayari sa buong araw ng pamumuhay natin. Kaya ang panaginip natin na walang kaugnayan sa maghapon natin ay at ng mga nakaraang linggo ay may espesyal na kahulugan, maaaring isang mabuting pangyayari o masama.

ONIEOCRITIC ang tawag sa taong nag-iinterpret ng panaginip, at ang pag-aaral ng kahulugan ng mga panaginip ay tinatawag naman na ONIEROMANCY.

Ang panaginip ay isang misteryosong pangitain na nangyayari kapag ang katawan ng isang tao ay namamahinga. Kapag ang isang tao ay natutulog, patuloy pa rin ang aktibidad ng katawan, kaya ganun rin ang ating isipan. Kahit na walang nakakadisturbo, kahit ang katawan ay namamahinga ay hindi nito kayang apulahin ang pagiging sensitibo at pagdama sa ating subconscious. Kaya ang ating isipan ay nakakapaglagalag o nakapagtatala ng isang bagay na ginawa ng tao habang siya ay gising.

Ang panaginip ay nagaganap araw man o gabi. Minsan ang isang panaginip ay nagpapahiwatig ng isang insedente o maaaring indikasyon ng isang magandang pangyayari.Ang isang panaginip na nangyari habang may karamdaman ay hindi nararapat na maging basehan. Ang panaginip naman na naganap sa araw ay medyo hindi sapat upang gawing basehan kadalasan maganap man ito ay lubhang napakatagal.


ANG SIKOLOHIYA AT SIGNIPIKASYON

Ang panaginip rin ay binibigyang dipinisyon bilang "Serye ng mga larawan at pangyayari na nakikita ng taong natutulog". Ito ay mala-halusinasyon na karanasan habang natutulog. Ito ay may natatagong nilalaman na kakaiba sa literal na pinapahiwatig sa ating pagkakaalala. Ito rin ay ang nagbibigay ng saliwaang estado sa pisikal na aktibidad. Tila isang totoo ang panaginip habang ito ay tumatagal subalit ito ay walang katotohanan lalo na kung ito ay walang direktang kaugnayan sa aktwal na nangyayari.

Ang panaginip ay nasa pagitan ng agaw-ulirat o sa pagitan ng agaw-antok. Ito rin ay estado ng kamalayan o maging ng kamatayan. Ito ay isang penomena na madaling lumipas at madaling matapos. Sinasabi na ang mahabang panaginip ay tumatagal ng limang segundo. Ito ay biglaang nagsisimula at agad rin namang natatapos. Ito ay hindi sinasadyang paglalabas ng nilalaman ng ating subconscious at kaisipang conscious. Ang panaginip na hindi konektado sa isang tao, lugar, aktibidad at aksyon sa kasalukuyang buhay ay nagpapahiwatig ng isang pangyayari sa hinaharap.

ANG PANAGINIP AY MABIBIGYANG KLASIPIKASYON BILANG:

1. Kaaya-aya

2. Hindi malugod

3. Nag-iisa

4. Sama-sama

5. Walang katotohanan, walang kahulugan, pantastiko at walang basehan

6. Maikli

7. Makatotohanan

8. Panaginip tungkol sa mangyayari sa hinaharap

9. Ang ordinaryong panaginip ay pagpapatuloy lamang ng inog ng buhay, katulad ng; pagbabasa, pagsusulat, pakikipag-usap sa mga kaibigan, atbp.

10. Panaginip bago magising.

Ang panaginip ay penomenang universal. Lahat ay nakakapanaginip, ang iba ay nalilimot at ang iba naman ay naaalala nila ito ng malabo o malinaw.


ANG PANAGINIP AY NAGSISILBI BILANG:

1. Babala para sa darating na hinaharap.

2. Upang mamangha ang nanaginip sa pagitan ng pagiging gising at sa malalim na pagkakahimbing.

3. Makapghatid ng kapighatian sa nanaginip.

4. Makapagbigay kaganapan sa mga hindi maipalabas ng hinahangad o ninanais, hindi natupad na mga pangarap, natatagong takot at pag-aalala.

5. Nagsisilibing gabay sa mga hindi maresolbang problema.

6. Para malaman ang natatagong sekreto.

May pangyayari na ang namatay na tao ay nagpapakita sa panaginip at nagsasabi sa kanyang asawa tungkol sa maraming pera na naipon ng patago noong nabubuhay pa siya. Sa pag-iimbestiga nalaman na totoo at tama ang panaginip.

Ang ating kamalayan ang nagpapakita ng panaginip at ang kaluluwa ang saksi. Ayon sa Yajur Veda (34-1,3) ang kamalayan ay nakakapaglagalag ng malayo at malawak habang tayo ay gising, at ganun rin naman kung tayo ay natutulog, walang aksyon na magaganap kung wala nito at ito rin ang imbakan ng memorya.


PANAHON KUNG KAILAN MANGYAYARI ANG PANAGINIP:

Ang panaginip na nangyari sa unang parte ng gabi ay nagsasabing mangyayari ito isang taon mula ng maganap ang panaginip. Sa ikalawang parte ng panaginip maaaring mangyari ito walong buwan mula ng mangyari ang panaginip. Sa ikatlong pagkakataon ito ay maaaring maganap sa loob ng tatlong buwan. At halos isang buwan naman kung ikaapat na beses itong maulit. At ang panaginip na nakita naman ng halos isang oras may posibilidad na maganap ito sa loob ng sampung araw. Ang panaginip naman sa madaling araw o umaga ay mangyayari ng araw na ding iyon.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD