Pages

Saturday, February 25, 2023

ANG PANAGINIP

Ang PANAGINIP ay nangangahulugan na "pangitain habang natutulog". Ang iba namang panaginip ay may kahulugan at interpretasyon. Karamihan sa ating panaginip ay resulta ng mga pangyayari sa buong araw ng pamumuhay natin. Kaya ang panaginip natin na walang kaugnayan sa maghapon natin ay at ng mga nakaraang linggo ay may espesyal na kahulugan, maaaring isang mabuting pangyayari o masama.

ONIEOCRITIC ang tawag sa taong nag-iinterpret ng panaginip, at ang pag-aaral ng kahulugan ng mga panaginip ay tinatawag naman na ONIEROMANCY.

Ang panaginip ay isang misteryosong pangitain na nangyayari kapag ang katawan ng isang tao ay namamahinga. Kapag ang isang tao ay natutulog, patuloy pa rin ang aktibidad ng katawan, kaya ganun rin ang ating isipan. Kahit na walang nakakadisturbo, kahit ang katawan ay namamahinga ay hindi nito kayang apulahin ang pagiging sensitibo at pagdama sa ating subconscious. Kaya ang ating isipan ay nakakapaglagalag o nakapagtatala ng isang bagay na ginawa ng tao habang siya ay gising.

Ang panaginip ay nagaganap araw man o gabi. Minsan ang isang panaginip ay nagpapahiwatig ng isang insedente o maaaring indikasyon ng isang magandang pangyayari.Ang isang panaginip na nangyari habang may karamdaman ay hindi nararapat na maging basehan. Ang panaginip naman na naganap sa araw ay medyo hindi sapat upang gawing basehan kadalasan maganap man ito ay lubhang napakatagal.


ANG SIKOLOHIYA AT SIGNIPIKASYON

Ang panaginip rin ay binibigyang dipinisyon bilang "Serye ng mga larawan at pangyayari na nakikita ng taong natutulog". Ito ay mala-halusinasyon na karanasan habang natutulog. Ito ay may natatagong nilalaman na kakaiba sa literal na pinapahiwatig sa ating pagkakaalala. Ito rin ay ang nagbibigay ng saliwaang estado sa pisikal na aktibidad. Tila isang totoo ang panaginip habang ito ay tumatagal subalit ito ay walang katotohanan lalo na kung ito ay walang direktang kaugnayan sa aktwal na nangyayari.

Ang panaginip ay nasa pagitan ng agaw-ulirat o sa pagitan ng agaw-antok. Ito rin ay estado ng kamalayan o maging ng kamatayan. Ito ay isang penomena na madaling lumipas at madaling matapos. Sinasabi na ang mahabang panaginip ay tumatagal ng limang segundo. Ito ay biglaang nagsisimula at agad rin namang natatapos. Ito ay hindi sinasadyang paglalabas ng nilalaman ng ating subconscious at kaisipang conscious. Ang panaginip na hindi konektado sa isang tao, lugar, aktibidad at aksyon sa kasalukuyang buhay ay nagpapahiwatig ng isang pangyayari sa hinaharap.

ANG PANAGINIP AY MABIBIGYANG KLASIPIKASYON BILANG:

1. Kaaya-aya

2. Hindi malugod

3. Nag-iisa

4. Sama-sama

5. Walang katotohanan, walang kahulugan, pantastiko at walang basehan

6. Maikli

7. Makatotohanan

8. Panaginip tungkol sa mangyayari sa hinaharap

9. Ang ordinaryong panaginip ay pagpapatuloy lamang ng inog ng buhay, katulad ng; pagbabasa, pagsusulat, pakikipag-usap sa mga kaibigan, atbp.

10. Panaginip bago magising.

Ang panaginip ay penomenang universal. Lahat ay nakakapanaginip, ang iba ay nalilimot at ang iba naman ay naaalala nila ito ng malabo o malinaw.


ANG PANAGINIP AY NAGSISILBI BILANG:

1. Babala para sa darating na hinaharap.

2. Upang mamangha ang nanaginip sa pagitan ng pagiging gising at sa malalim na pagkakahimbing.

3. Makapghatid ng kapighatian sa nanaginip.

4. Makapagbigay kaganapan sa mga hindi maipalabas ng hinahangad o ninanais, hindi natupad na mga pangarap, natatagong takot at pag-aalala.

5. Nagsisilibing gabay sa mga hindi maresolbang problema.

6. Para malaman ang natatagong sekreto.

May pangyayari na ang namatay na tao ay nagpapakita sa panaginip at nagsasabi sa kanyang asawa tungkol sa maraming pera na naipon ng patago noong nabubuhay pa siya. Sa pag-iimbestiga nalaman na totoo at tama ang panaginip.

Ang ating kamalayan ang nagpapakita ng panaginip at ang kaluluwa ang saksi. Ayon sa Yajur Veda (34-1,3) ang kamalayan ay nakakapaglagalag ng malayo at malawak habang tayo ay gising, at ganun rin naman kung tayo ay natutulog, walang aksyon na magaganap kung wala nito at ito rin ang imbakan ng memorya.


PANAHON KUNG KAILAN MANGYAYARI ANG PANAGINIP:

Ang panaginip na nangyari sa unang parte ng gabi ay nagsasabing mangyayari ito isang taon mula ng maganap ang panaginip. Sa ikalawang parte ng panaginip maaaring mangyari ito walong buwan mula ng mangyari ang panaginip. Sa ikatlong pagkakataon ito ay maaaring maganap sa loob ng tatlong buwan. At halos isang buwan naman kung ikaapat na beses itong maulit. At ang panaginip na nakita naman ng halos isang oras may posibilidad na maganap ito sa loob ng sampung araw. Ang panaginip naman sa madaling araw o umaga ay mangyayari ng araw na ding iyon.

PAGLILINIS NG SARILI - ANIMA CHRISTI

OH PANGINOONG HESUKRISTO, IKINALULUNGKOT KO ANG AKING MGA PAGKUKULANG, ANG AKING MGA KAMALIAN, AT ANG AKING MGA KASALANAN.

SISIKAPIN KO PO, SA TULONG PO NINYO, NA MAGBAGO TUNGO SA KABUTIHAN. NANANALIG AKO SA IYO AT INIIBIG KITA BILANG PANGINOON KO.


ANIMA CHRISTI, SANCTISSIMA.

SANCTIFICAME CORPUS CHRISTI.

SACRATISSIMUM SALVAME.


SANGGUIS CHRISTI, PRETIOSSISIME INEBRA ME.

AQUA LATERIS CHRISTI, PURISSIMA MUNDA ME. SUDOR VULTUS CHRISTI VIRTUOSISSIME SANA ME. PASSIO CHRISTI PIISIMA COMFORTA ME. O BONE JESUS, CUSTODE ME. INTRA VULNERA TUA AB SCONDE ME.NON PERMITTAS ME SEPARARE A TE.AB HOSTE MALIGNO DEFENDA ME.IN HORA MORTIS--VOCA ME,--JUBE ME,--VENIRE AD TE,--ET PONE ME JUXTATE UT CUM ANGELIS ET ARCHANGELIS TUIS LAUDEM TE PER INFINITA SAECULA SAECULORUM.AMEN

ANIMA DOMINUS DEUS SABAOTH CHRISTE JESUS JESUS JESUS CORPUS CHRISTE ATUM—PECATUM---EGOSUM---JESUSALEM---BARSEDIT LAVAVE ME SALVAME.


ANG KASAYSAYAN NG MEDALYANG SAN BENITO

Si San Benito,biniyayaan ng Diyos sa grasya at pangalan,“PATRIARCH OF WESTERN MONASTISM”, at nagtatag ng order namay pangalan niya. Pinanganak sa Nursia Italia,noong taong 480 at pumanaw noong 547.Ang krus ng Panginoong HesuKristo ang sentro ngdebusyon sa mga unang kristiyano.Ang tanda ng ating kaligtasan ang nagbigay bunga sa medalya ni San Benito.Ang mga Santo ay kadalasan ginagamit ang Tanda ng Krus sa gawain nilang mga milagro at mapaglabanan ang demonyo at mga paghihikayat nito.Kaya mula pa noong pumanaw na si San Benito,siya ay naalala sa medalya na may dalang Krus ni Hesus at Banal na Kasulatan.

ANG URI NG MEDALYA
Ang debusyon sa Krus at kay San Benito ang pinakamahalaga na tuparin ng BENEDICTINE ORDER .Ang medalya ni San Benito ay laganap na mula pa noong MIDDLE AGES,taon 1647 sa monasteryo sa Metten Bravaria.Noong 1415 ay isang lumang manuskripyo ang nadiskubre na nadbibigay paliwanag sa mga letra sa medalya.Ang manuskripyo ay may ginuhit na larawan ni San Benito na may hawak na Krus sa isang kamay at ang Banal na Kasulatan na nagpapaliwanag sa mga letra. Ang pagdidiskubre nito ay nagbigay ngbagong sigla sa debusyon sa Krus at kay San Benito.

Ang simbolo ng dalawang debusyon na ito ay ipinalaganap sa mga tao.Marami at hindi pangkaraniwang mga kahilingan ang nakamit ng mga deboto.Tuluyang lumaganap ang debusyon sa buong parte ng Europa. Noong taon 1741,ang Santo Papa Benito XIV ay pinahintulutan ang debusyon sa medalya sa pamamagitan ng mga indulehensiya.Sa kasalukuyan may dalawang klase ng medalya.Ang una ay ang pinagtibay ni Santo Papa Benito XIV na nakilala na ORDINARY MEDAL.Ang pangalawa ay ang JUBILEE o CENTENARY MEDAL na lumabas noong taon 1880 sa pag-alala ng 1400  taon kapanganakan ni San Benito.Si Santo Papa Pius IX noong taon 1877 ay pinahintulutan ang bagong medalya ni San Benito.Bukod sa mga indulehensiya ng ORDINARY MEDAL ,dinagdagan pa ng maraming bagong indulehensiya ang JUBILEE MEDAL ng Santo Papa. Ang medalyang ito ay ipinagawa ng ARCH-ABBEY OF MONTE CASSINO.

ANG ANYO NG JUBILEE MEDAL
Ang JUBILEE MEDAL ni San Benito ay naglalarawan ng isang banal na Patriarka na may hawak na Krus sa isang kamay at Banal na Kasulatan sa kabila.Sa kabilang bahagi ng medalya naman ay makikita ang isang Krus na may naka titik na mga letra sa paligid nito.Mga letrang ito ay EJACULATORY PRAYER na madalas bigkasin ni San Benito sa kanyang mga labi. Ang mga letra sa apat na panunulukan sa Krus C.S.P.B. ,ay naghahayag ng mga salitang: CRUZ SANCTI PATRIS BENEDICTI (Ang Krus ng Banal na Amang Benito).Sa taludtod na patindig ng Krus na may letrang, C.S.S.M.L. .Ang mga kahulugan nito: CRUZ SACRA SIT MIHILUX (Ang mahal na Krus ay siya kong maging ilaw). Sa taludtod na pahiga: N.D.S.M.D. NON DRACO SIT MIHI DUX (Kailan ma’y huwag kong maging patnugot ang dragon demonyo).Ang mga letra sa gilid: V.R.S.N.S.M.V.S.M.Q.L.I.V.B.,namay ganito ang sinabi: VADE RETRO SATANA NUNQUAM SUADE MIHI VANA SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS(Lumayo ka saakin satanas huwag mo akong tuksuhin sa kapalaluan,ang kupang inihahandog mo saakin ay masama ikaw rin ang uminom ng lason mo).

Sa itaas ng Krus ay salitang PAX (Kapayapaan),ang adhikain ng BENEDICTINE ORDER na siyang biyaya na rin ang binibigay sa mga deboto. Sa kanan bahagi ni San Benito ay ang kopang may lason na nabasag sapagbasbas ng antanda ng Krus ni San Benito.Sa kaliwang bahagi naman ay ang uwak na naka akmang tutukain at ililipad ang tinapay na may lason para kaySan Benito.

Sa itaas ng kopa ay may salitang: CRUZ SANCTI PATRIS BENEDICTI (Ang Krus ng Banal na Amang Benito).Sa gilid ang mga salitang EIUS IN OBITUNOSTRO PRAESENTIA MUNIAMUR (Sa oras ng aming kamatayan ay iligtas mo kami).Sa ibabang bahagi: S.B.C. (San Benito Cruz).

ANG PAG-GAMIT NG MEDALYA 
Ang medalya ay maaaring nakabitin sa leeg,kasama sa eskapular o sa mahal na Rosaryo o daladala ng deboto sa kaniyang katawan.Maaring ilubog sa tubig o medisina na ipapainom sa may sakit o idampi sa bahaging parte ng katawan na may sugat o dinaramdam.Kadalasan naman inilalagay ito sa pundasyon ng bahay,sa may pintuan, dingding o sasakyan.Upang humingi ng biyaya sa Makapangyarihang Diyos at proteksyonkay San Benito at Santa Iglesia.

Lubhang marami ang mga himalang ginawa ng Diyos sa pagpapatibay sa mga binyagan ng debosyon sa milagrosong medalya at lalo pang nabatid ang kaniyang bisa sa pagbabalik loob na bigla sa Diyos,ang karamihan ay sa oras ng kamatayan,sa pagliligtas sa mga ina at anak sa mahirap na panganganak,sa pagpapagaling sa sakit sa isang sandali lamang at sa pag aadya sa mga lintik gayon naman sa daya ng demonyo.Sa kaniyang bisa ay makaliligtas at gumagaling ang mga tinatamaan ng sakit na apoplegia, panginginig at iba pa. Walang taning na panalangin sa pagkamit ng mga awang ito ngunit kaugalian na hagkan ang medalya at ang iba ay paghingi ng awa ay magdasal ng limang Gloria Patri patungkol sa Diyos na Poon,limang Aba Ginoong Maria kapurihan ng mahal na Birhen at isang Ama Namin ng makamtan ang tulong ni San Benito. 

May mga tao na sa araw-araw ay gumagawa ng kabanalang ito at ang iba ay sa tuwing Martes lamang palibhasa’y ang araw na ito ay nalalaan sa maluwalhating Patriarka. Sa oras ng pagsubok o panunukso ng demonyo,hawakan ang medalya at halikan ng mataimtim at dasalin ang mga EJACULATIONS sa medalya.

BISA NG MEDALYA
Ang kagalingang bisa ng medalya ay nagmumula sa passion ng Panginoong HesuKristo sa pamamagitan ni San Benito at biyaya ng Santa Iglesia.Ang biyayang nagmumula sa Diyos ay nagbibigay sa mga deboto ng kalooban sa mga bitang at panunukso ng demonyo: proteksiyon sa kidlat at mga kalamidad,sa peste,sakit at lason. Biyaya at grasya ng Makapangyarihan Diyos sa mga espiritual at temporal na nangangailangan.Marami ng mga deboto ang makakapagpatunay sa medalya sa paghingi ng tulong sa pamamagitan ni San Benito.Ito ay lalongmakapangyarihan sa pag iwas sa sakuna ng katawan at kaluluwa.