Pages

Thursday, December 15, 2011

KARUNUNGANG LIHIM 5 (Ang Gayuma)

Ang mansanas, ang berbena at ang kakabsoy (kakapsoy) o palakang may kamandag (Sapo) mga bagay rin naman na may kabuluhan ng una, sa karunungang mahika. Ang kakabsoy ay dapat hulihing buhay, sa madaling araw ng biernes sa pagbubukang liwayway ng araw; talian sa paa saka ibitin sa isang siminea o pausukan, kung tuyong tuyo na, pulbusin sa isang almiris; pagkatapos balutin sa isang kapilas na papel saka ikubli sa isang altar na pinagmimisahan, kunin sa ikatlong araw sa oras na katulad ng ilagay sa altar o dambana ng walang nakakakita; kung itoy masunod asahan ng binatang gagawa nito na siya'y may mabuting gayuma na totoong napakabisa. Sukat na ilagay o ibubod sa isang bulaklak, saka ipagregalo o ibigay sa isang binibini, ang pagkakasabi ang babaeng makakaamoy nito ay susunod ng papikit mata sa lalaking gumawa nito.


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

2 comments:

Respect is the KEY WORD