Pages

Tuesday, April 26, 2011

BATI, GALAW NG MGA ELEMENTALS

Bakit tayo nababati o nagagalaw ng mga encanto o duwende at iba pang kauri nila? Sa salitang Bicol ang katumbas ng bati, ay galaw o alisbot. Sa ating cultura kahit sa panahon ito marami pa rin ang naniniwala sa galaw at sige pa rin sila sa pananakit sa ating mga tao samantalang hindi naman natin sila nakikita. Dapat nga raw sila ang umiwas sap...agkat sila ang nakakakita.

Marami ang nagaganap hinngil sa mga ganitong kaso. Nariyan nagkakaroon daw ng pasa sa katawan ang biktima dahil nabati ng mga elementals. Nakatuwaan lamang daw ng mga encanto ang pangungurot sa mga naging biktima.

Tulad nang isang pangyayari ng ang isang batang umakyat lamang sa puno ng bayabas, bigla na lamang nanigas ang katawan. Hindi na ito makahinga. Nakita na lamang ng Ina na parang nakasabit na lamang sa puno ng bayabas ang dalagita.

Kaagad silang tumawag ng albularyo makaraan maihiga sa papag si Lina. Pagkatapos itong tawasin sinabi ng albularyo na si Lina ay nabati ng nuno sa punso na may bahay sa puno ng bayabas. Kaya sinabi niya na sangayon sa matandang kasabihan na bago kumuha ng isang bagay lalo na sa mga bungang kahoy ay hihingi muna ng pahintulot sa mga nilalang na ‘di nakikita. At baka ito’y pag-aari ng isang encanto o may nakatirang elementals sa lugar na iyon.

Katal ang buong katawan ni Lina habang minamasahe ng albularyo sa mga daliri ng paa ng banal na langis, na galing pa raw sa sagradong bundok banahaw. Ilang sandali pa ay pinadapa ito at sa pagitan ng mga buto ay minasahe muli ng albularyo.

Nagduduwal ng malalapot na likido si Lina. Parang laway na sumargo sa bibig nito. Walang hinto ang paghagod ng albularyo sa likod ng dalagita.

Ilang sandali pa ay tumayo ang albularyo at dumako sa ulunang bahagi ng dalagita. Hinagilap ang pinakatuktok ng ulo ni Lina. Isang malalim na paghinga at unti-unting ibinuga iyon sa ulo ni Lina. Nag-alumpihit ang dalagita sabay pilig ng ulo.

Himalang biglang natigil sa panginginig si Lina at tuluyang napahiga nang tuwid. Sinuob ng insenso at kamanyang ang dalagita. Taka ang lahat dahil parang nagdahilan lamang ito. Sabi ng albularyo, pinarusahan umano si Lina ng nuno sa punso dahil sa walang pakundangang pag-hampas ng patpat sa puno ngbayabas. Ayon pa rin sa albularyo, Kahit sabihing luko-luko na wala namang kausap ay dapat lamang tayong mag paalam oras na nakikialam tayo sa mga puno o anumang bagay na nakatanim sa lupa. Kahit pabulong o sa isipan lamang ay gawin ito upang hindi matulad sa mga naging biktima ng bati, isang parusa ng mga hindi nakikitang encanto.

Totoo ba na ang mala-ngitim na pasa sa katawan, ay gawa ng bati ? Mayroon kaya itong siyentipikong kapaliwanagan ?

Maging ngayon panahon, marami pa rin sa tao kapag nakakita ng pasa sa katawan ang kaagad na iniuugnay sa bati ng mga elementals. Na sinasabing ang mga pasang maiitin ay kurot ng mga hindi nakikita at nakatuwaan daw ng mga encanto. At para h’wag lumalsa ang nasabing galaw, ito’y kanilang pinasusuob sa albularyo.

Gaano ito katotoo ? Bago natin bigyan nang tunay na kapaliwanagan ang bagay na ito, atin pansinin ang nasabing pangyayari. Karaniwan na ang nakararanas ng pasa ay mga babae, at bihirang-bihira ito sa lalake. At kung magkaruon man ng pasa ay paisa-isa. Ito ay laging nakikitang lumilitaw pagkaraan niyang pumunta sa banyo. Kapansin-pansin din na ito’y lumilitaw sa babae, bago o matapos niyang mag-menstration.

Sa bagay na ito namimili ba nang uri ang mga encanto? At mga babae lamang ang na gagalawan. Bakit ito lumilitaw bago kung hindi makalipas siyang datnan ng menstration? At isa pa kung galing lamang siya sa banyo o paliligo.

Kung ating mapapansin ang mga taong nagkakaroon o nakararanas nito ay mababa ang dugo. Ang kakulangan ng dugo sa katawan lalo na ng pulang dugo at pagiging anemic. Ang sanhi ng mga pasang ito, hindi yaon sinasabing galaw ng encanto. Inaakala nilang may encanto sa banyo at laging dito ito nagsisimula. Kahit nga hindi nakikita ng albularyo sinasabi niyang ang biktima ay nabati ng mga hindi nakikita. Ang kakulangan din ng dugo sa katawan ang sanhi para ang katawan ng tao ay magkaroon ng pasa na mala-ngitim dahil pagkatapos ng menstration ng babae ang dugo niya’y nagkukulang ng hangin o oksigeno. Ang lamig na dulot ng tubig ay nagkakaroon ng re-action sa ating kalamnan na kulang sa oksigeno, dahilan nang pangingitim nito.

Kaya sa susunod na makakita kayo ng pasa sa inyong katawan, alam na ninyong hindi ito kagagawan ng mga elementals na ginagawang sangkalan ng mga albolero, para lamang kumita kahit salat sa tunay na kaalaman sa metapisikong paggagamot.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD