Pages

Friday, May 29, 2009

12 SUPERNATURAL WORLD OF PHILIPPINES

Ang Filipinas ay mayruon 12 uri ng supernatural na nilalang, na siya natin tatalakayin. Nangunguna rito ang mga bathala. Bago pa man dumating ang mga Castila, ang Filipinas ay sagana na sa marilag na alamat ng mga bathala at elementos. Na dagling naglaho at nalimutan ng mga ninuno natin, dahil sa pagsira at pagsunog na ginawa ng mga Castila.

Kaya ang mga mababasa nating alamat hinggil kina Maria Makiling, Maria Sinukuan, at Bernardo Carpio, Ibon Adarna, ay isang makabagong alamat na dinala lamang dito ng mga dayuhan. Ngunit ang alamat at kasaysayan ng sinaunang lupain ay ‘di ganap na naglaho, sapagkat ang mga ito’y matatagpuan pa natin sa mga Sali’t-saling kuwento, kung ‘di man ang mga kasulatan naitago at nailigtas mula sa pagkasunog.

Sa lahat na paniniwalang supernatural, ang Bicolandia, magpahanggan ngayon ang may kakaibang paniniwala hinggil dito. Habang karaniwang niniwala ang ibang bahagi ng kapuluan sa mga anitos, ang mga Bicolano, ay naniniwala sa pananampalatayang “Anima-Deismo,” – ang matandang kapaniwalaan ng Bicolandia, bago pa man dumating ang mga dayuhan. Na ating tatalakayin sa ibang bahagi ng kuwento.

Ang nasabing paniniwala ay tungkol sa isang Supreme Being at sa kanyang mga bathala. At naniniwala sila na ang bawat elemento ay may kaluluwa (anima) negativo at positivo.

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD