Pages

Astral Projection

ASTRAL PROJECTION AT ANG PAMAMARAAN KUNG PAANO ITO GAWIN

Ang ASTRAL PROJECTION ay isa sa mga pinagkakainteresan ng mga taong nag-aaral ng mistisismo, subalit ano nga ba ito? Maraming nag-aakala ang "astral body" at "soul" ay iisa, sa katotohanan ay magkaiba po ito, sa theosophy ang "astral body" ay tinatawag ng "etheric double" kung saan ito ay parang kadoble ng ating materyal na katawan subalit nasa mas purong porma.
 
Marami ring nagtuturo ng pamamaraan nito subalit mismong sila ay hindi nila nagawa o na-experience man lamang. May mga nagsasabi rin na delikado ito kapag ginawa mo ay hindi ka na makakabalik sa sarili mong katawan.Totoong delikado ito kapag ang magtuturo ay hindi marunong sa dahilang karamihang naisa-aklat noon ay mali ang mga pamamaraan, kapag may nagturo po na ang projection ninyo ay manggagaling sa pusod ay huwag po ninyong gawin o subukan sapagkat masasabi kong hindi safe ang method na yan.
 
Ang pamamaraan po nating gagawin ay hindi katulad ng nabanggit ng una, ang sentro po ng ating projection ay magmumula sa sentro ng ating kilay (eye brow) na tinatawag ring "third eye".
 

MGA DAPAT SUNDIN:
1. Dapat hindi gutom at hindi rin busog.
2. Nararapat na mag-isa lang, iwasang may makagalaw sa inyo.
3. Uminom muna ng isang basong tubig.
4. Hindi nirerekomenda na gawin ng taong may sakit sa puso o sa pag-iisip.
5. Huwag gagawin ng nakainom o nakagamit ng droga.
 
ORAS AT ARAW PARA SA ASTRAL TRAVEL:
- Nakabubuting gawin ito sa ika 9-11 ng gabi, pero lahat ng oras ay pwede.
- Magandang araw para sa Astral Travel ang Huebes at Sabado, pero lahat ng araw naman po ay pwede.
 
PAGHAHANDA NG SARILI:
1.Mahiga at mag-relax, maging aware sa inyong breathing (inhale... exhale...)
2.Kapag relax na mag visualize ng SILVERY WHITE na liwanag na babalot sa inyong katawan bilang proteksyon, sa old tradional magic gumagawa ng literal ng bilog upang doon mahiga.
 
ANG PROSESO:

Mag visualize ng dalawang silvery white na liwanag na pumapasok sa dalawang hinlalaki ng inyong paa, paakyat ang liwanag at magtatagpo sa inyong gulugod (coccyx), pataas ang pag-visualize hanggang sa inyong third eye, kapag na visualize na ninyong nasa third eye ninyo ang liwanag i-visualize ninyo ang liwanag ay papunta sa inyong pineal eye (pineal gland) at pabalikin sa inyong third eye at ipagpatuloy ang visualization papunta sa pineal eye, i-visualize ang liwanag na pabalik-balik sa inyong third eye katulad ng movement ng pendulum hayaan ninyong magpabalik-balik ang liwanag, ipagtuloy lang din ang pagiging relax at pagiging continue ng normal breathing, magmamalay na lang kayo na nakapag-project kayo.
 
PAALAALA:
Nakakabubuti na i-practice ito araw-araw, ako man halos ilang buwan ang ginugol ko bago ko ito nagawa. Huwag mag alala sapagkat ang sakop ng astral projection at dalawang oras lang, sa ayaw at sa gusto mo kusang babalik ka sa katawan mo. Habang isinasagawa ang proseso i-withdraw na muna ninyo ang inyong isip sa materyal na mundo, sapagkat mahihirapan kayo kapag kung ano-ano ang ipinapasok ninyo sa inyong isipan, halimbawa "kapag naka-astral na ako sisilipin ko ginagawa ng kapitbahay ko o ng mga kaibigan ko", kapag naging ganito ang takbo ng inyong isipan matatagalan kayo bago ninyo masagawa ang projection. Tandaan na "the more you relax, the more you project."
 
GOOD LUCK po sa ating lahat...

 

Encanto Frmbicol

 

No comments:

Post a Comment

Respect is the KEY WORD