Wednesday, December 14, 2011

DUGTONG AHAS

TAWA-TAWA / GATAS-GATAS

PANAMBAL SA KAGAT AHAS

Panambal rin ito sa kagat ng ahas, hindi lang alam ang eksaktong pangalan ng herbs na ito, mabisa raw itong panambal kahit sa hayop, natesting na ito sa kalabaw, pero sinasabi na mas mabisa pa rin ang Dugtong Ahas...

(Photo taken from Bicol)

KALIGTASAN SA PANGANIB

Bigkasin ang sumusunod na ORACION bago umalis ng bahay upang maligtas sa panganib at kapahamakan.

"Jehovah aser Ehjeh
Cather Epeion Ehjeh"

KARUNUNGANG LIHIM 5 (Ang Gayuma)

Ang mansanas, ang berbena at ang kakabsoy (kakapsoy) o palakang may kamandag (Sapo) mga bagay rin naman na may kabuluhan ng una, sa karunungang mahika. Ang kakabsoy ay dapat hulihing buhay, sa madaling araw ng biernes sa pagbubukang liwayway ng araw; talian sa paa saka ibitin sa isang siminea o pausukan, kung tuyong tuyo na, pulbusin sa isang almiris; pagkatapos balutin sa isang kapilas na papel saka ikubli sa isang altar na pinagmimisahan, kunin sa ikatlong araw sa oras na katulad ng ilagay sa altar o dambana ng walang nakakakita; kung itoy masunod asahan ng binatang gagawa nito na siya'y may mabuting gayuma na totoong napakabisa. Sukat na ilagay o ibubod sa isang bulaklak, saka ipagregalo o ibigay sa isang binibini, ang pagkakasabi ang babaeng makakaamoy nito ay susunod ng papikit mata sa lalaking gumawa nito.


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 4 (Nang mapabait ng babae ang kanyang asawa)

"Nang mapabait ng babae ang kanyang asawa: sinasabi na ang pagkukuintas ng sungay ng usa ay mabuti sa isang babae ng siya'y laging sundin ng kanyang asawa."


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 3 (Nang makilala ng isang binibini ang lalaking kanyang mapapangasawa)

Nang makilala ng isang binibini ang lalaking kanyang mapapangasawa: Sa loob ng isang silid maglagay ng dalawang salamin na magkatapat sa dingding, yaong may kalakihan at dalawang kandila na ang bawat isa ay itutulos sa harap ng mga salamin. Sa kahating gabihan, yaong walang nakamamalay ay sindihan ang dalawang kandila at pagkatapos sabihin sa tatlong ulit itong sumusunod:

"KTO, ENOH SONNJOY,
KTO MOFI VIAJNOY,
TOT POKA JESTRIR NINIE"

Pagkasambit ng mga bulong na ito ay tumingin sa isa sa mga salamin at tingnan sa kabila na nakatapat at sinasabing sa may gawing madilim na malayo ay masisinag ang mukha ng lalake o binatang magiging palad.



Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 2 (GAYUMA)

GAYUMA:

Nang mapaibig ang sinomang binibini: Isang gayuma itong napakagaling ang sabi ng mga marurunong ng una. Humuli ka ng isang dumalagang kalapati na di pa inaasawa, kunin mo ang puso at ipakain sa isang ulopong. Kung ang ulupong ay namatay sa pagkakain ay may palad ka, putulin mo agad ang ulo, patuyuin mo hanggang mawala ang amoy; pulbusin mo at ito ang ilagay sa alak, lemonada, tubig na ipaiinom sa binibining iniibig at kahit ka pangit kagagaanan ka ng loob.



Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

KARUNUNGANG LIHIM 1

"Nang makilala ang babae o asawa na nagtatapat: Humanap ng bato balaning pula o kulay apoy at palihim na ilagay sa ilalim ng unan ng babae. Kung nagtatapat ay laging yayakapin ang lalaki o asawa at kung hindi ay laging alingangas na di mapakali."


Source:
KARUNUNGANG LIHIM ni Don Honorio Lopez

ANG KASAYSAYAN NG UNANG PAGLIKHA

Ito ang larawan ng kasaysayan ng unang paglikha. Makikita ang Dios Ama na nakalukluk sa kaitaasan, ang Dios Ina na may S.T.M. sa dibdib na kung tawagin ay Birhen nagsabog ng biyaya, Dios Anak na pasang krus at Dios Espiritu Santo. Sila rin ang Tatlong Persona o Sagrada Familia na nagko-consistoryo na pawang nagmula sa Dios Ama. Makikita rin ang pitong bakas, Birheng nagpapasuso at mga Kerubines. Ang larawang ito ay makikita nang pira-piraso sa mga medalyon o anting-anting.

Source: ANTING-ANTING, Nenita Pambid

Saint Anthony Tormented by Demons

Saint Anthony Tormented by Demons by Martin Schongauer (1470-75) illustrates how malevolent spirits were often visualised as, and depicted in, animal forms in Christian traditions. The famous desert Father, widely considered to be the founder of Christian monasticism, was reportedly attacked by demons in the form of wild beasts.

PITONG ARKANGHELES NA HINDI BINYAGAN


Pitong Arkanghel na hindi binyagan. Sa bawa't antas ng paglalang ay nag-iiba ang mga pangalan ng mga tauhan subalit sila pa rin iyon. Ang Siete Arkangheles na hindi binyagan ay naging binyagan matapos ang combate ispiritwal. Sila rin ang 7 Nuno, 7 Susi o Llaves sa pitong suson ng langit at sila rin ang Pitong Tatak.

ANG ANTING-ANTING SA PANITIKAN AT KASAYSAYAN

Mayaman ang panitikan at kasaysayan ng Pilipinas sa mga tala at banggit sa anting-anting at sa mga gumagamit nito. Madalas binabanggit sa mga kuwentong bayan ang mahiwagang mga bagay. Isinasalaysaay ng isang mahiwagang panyo sa kuwento tungkol kay Don Juan Tinoso. Sa romansang Jaime del Prado naman, ipinakita ang pagtugon ni San Antonio sa panalangin ng pangunahing tauhan-nagpadala ng isang mahiwagang bolang garing, may kasamang sulat na nagtatagubilin ng wastong paggamit nito. Sa huli, muling tinulungan ni San Antoniosi del Prado; binigyan si del Frado ng isang mahiwagang sombrero na may tagabulag-hindi makikita ninuman ang taong may suot nito. Sa isa namang romansa na namatay ang pangunahing tauhang si Rodrigo de Villa, sinalo ni San Miguel Arkanghel ang pamumuno sa hukbo hanggang sa makamit nito ang tagumpay laban sa kaaway.

Sa anting-anting, tumitingkad ang kagitingan hindi lamang ng mga pangunahing tauhan ng mito't alamat; tumitingkad din ang kagitingan ng mga tulisang tulad nina Tiagong Akyat, Nardong Putik, at Kamlon, at ng mga tunay na bayani ng ating bayan. Sa kabila ng palasak na kaalaman tungkol dito, kakaunti pa lamang ang mga pagaaral at pananaliksik tungkol sa anting-anting.

Ang una't seryosong pagtalakay sa anting-anting ay ginawa ni Wenceslao Retana sa kanyangSupersticiones de los lndios Filipinos, Un Libro de Aniterias. May labinlimang sipi lamang ito na inilimbag sa Madrid noong 1894. Ayon sa kanyang Aparato Bibliografico, angSupersticiones ang pinakauna at natatanging pagtalakay sa anting-anting sa Pilipinas at marahil, sa buong daigdig. May tatlong librito ng oraciones na nakuha sa isang nadakip na tulisan sa Pangasinan. Nakakuwintas sa leeg ng tulisan ang mga librito, na animo'y eskapularyo. Kay Retana, ang mga librito ay mahahalagang etnograpikong dokumento kung kaya't minarapat niyang ilimbag ito nang buo kasama ng kanyang anotasyon. At tulad ng nagaganap sa kasalukuyan, pinansin din ni Retana ang hirap sa pangangalap ng mga impormasyon at materyal tungkol dito dahil nauubos kaagad ang gayong mga dokumenro ar ang bentahan ay apat o limang beses ng orihinal na presyo.

Sa kanyang libro, inuri ni Retana ang iba't ibang amuleto na pinaniniwalaan ng mga katutubong Pilipino. Mas akmang tawaging brujerias kaysa aniterias ang mga ito, ayon kay Retana, sapagkat sa kanyang pananaw pawang mga pamahiin ang mga ito. Kanyang napansin na karamihan sa mga katutubo ay nagdadala ng iba't ibang bagay-nakasulat na dokumento, panalangin na may masamang intensyon, damo, ugat ng halaman, balat, buhok, katad o pelyeho, buto, bato, at iba pa --- upang magkaroon ng kagila-gilalas na kapangyarihan, hindi magapi sa labanan, makatakas sa hustisya, magtamo ng kayamanan, magkamit ng pag-ibig ng isang babae, at iba pa. Nagdadala rin sila ng amuleto upang hindi tablan ng bala at may maipananggalang sa mga panganib at sakuna. Ang kanilang mga amuleto ay maliliit na librito na naglalaman ng mga dasal na may halong mga salitang Latin at Kastila. Ang iba naman ay gumagamit ng mga bato na natagpuan sa mga bangkay ng hayop, butil ng nanigas na bunga, at kalansay ng mga bata. Sa Tagalog, "anting-anting" ang tawag sa lahat ng mga bagay na ipinagpapalagay nilang may kapangyarihan. May anting-anting naman na kung tawagin ay "agimat." Kadalasan, ito'y maliit na piraso ng kahoy, bato, kabibe, ngipin ng buwaya, at iba pa na pinakamabisa-sa opinyon ng mga mapamahiin-upang ipananggalang sa sarili laban sa lahat ng uri ng kaaway. Ang inilathala ni Retana na tatlong librito ng oracion ay anting-anting para sa lahat ng nabanggit na kapangyarihan. Tulad sa mga artikulo sa kasalukuyan tungkol sa anting-anting, mahirap maunawaan ang kahulugan ng mga oracion o salita.

Pagkatapos ng Rebolusyong 1895 at ng Digmaang Pilipino-Amerikano, lumabas ang ilang artikulong nagbigay-pansin sa paggamit ng anting-anting ng mga rebolusyonaryong Pilipino (tulisanes kung tawagin ng mga Amerikano dahil sa Brigandage Act ng 1902). Ilang halimbawa: Harper's History of the War in the Philippines, inedit ni Marrion Wilcox (1900); "Amuletos Guerreros de la Pasada Revolucion," ( 191 0 ); "El Anting-Anting," ni Paco Venegas (1 91 1 ); at "Anting-Anting," ni Anak Bayan (1913). Ang tatlong huling artikulo ay nalathala saRenacimiento Filipino. Ang isa pang artikulo ay ang "Anting-Antings, Las Armas mas Poderosas de la Revolucion," Philippines Free Press (1929). Maiikli ang mga artikulong ito at kinikilala lamang o ipinababatid ng mga sumulat na para sa kanila, ang anting-anting ay isang palaisipan na kakatwa o kamangha-mangha.

Maging ang pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan na si Heneral Emilio Aguinaldo ay pinaniniwalaang nag-aangkin ng anting-anting.

"Aguinaldo's power lies chiefly among tbe lowest class of natives who have a superstitious veneration for him that is quite inexplicable. They believe that he bears a charmed life and that no bullet or knife of the enemy can injure him. Not only do they wear on their chest in battle representations of religiouss symbols rudely drawn on cotton cloth, and carry in their mouths bits of parchment on paper with similar designs drawn in pencil in a magic circle (they call these charms anting-angting) but they even carry Aguinaldo's name as a fetish. There are many stories told among them of builets glancing from his unprotected body and of his superhuman powers. This superstition concerning the young leader prevails only among Tagals"

Isang palaisipan kung bakit naniniwala pa rin ang karamihan sa bisa ng anting-anting, sa kabila ng mahabang kasaysayang kasawian na tinamo ng mga katutubong gumamit nito laban sa mga mananakop. Hindi maunawaan ng mga dayuhang puti ang ganitong " kabayanihan" ng mga Pilipinong nakikihamok sa isang labanang walang iniwan sa paglalaban ni David at Goliath:

"Why did not these men surrender? It was an exhibition of solid beroism, the like of which I shall not see again. At least over the graves of these men, whose actions we cannot quite understand, should be written the word "heroes." Many of these men wore anting-anting, or charms to preserve life..."

Ganito rin ang pagtataka ng editor ng Anting-Anting Stories and Other Strange Tales of the Fiiipinos ni Sargent Kayme (1901):

"...That the truly remarkable stories written by Sargent Kayme do not exaggerate the realities of this strange life can be easily seen by any one who has read the letters front press correspondents our soldiers, or the more formal books of travel.

Strangest perhaps, of all these possibilities for fiction is the anting-anting, at once a mysterious power to protect its possessor and the outward symbol of the protection. No more curious fetish (sic) can be found in the history of folklore. A button, a coin, a bit of paper with uninteiligible words sribbed upon it, a bone, a stone, a garment, anything, almost--- often a thing of no intrinsic value - its owner has been known to walk up to the muzzle of a loaded musket or rush upon the point of a bayonet with a confidence so sublime as to silencer ridicule and to command admiration if not respect."

Sa kuwentong pumaksa sa anting-anting, Hindi Biro!... o Ang Anting-Anting, (1919), ginawang katatawanan ang ritwal ng pagtatamo ng anting-anting. Sa pagtatapos ng kwento ay nawalan ng kaugnayan sa anting-anting at mahihinuha na kinasangkapan lamang ng panghalina ang anting-anting upang makaakit sa mambabasa. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumabas naman ang kuwentong "The Amulet" (1947) ni Edilberto K. Tiempo.

Mula 1950 hanggang 1978, may mga artikulo at lathalain na lumabas sa iba't ibang magasin. Tulad ng mga nauna, kulang sa impormasyona ng mga ito at itinuturing na pamahiin, panatisismo o lihis na paniniwala kundiman kabaliwan, ang paniniwala sa anting-anting. Sa artikulong "Fanaticism in the Philippines" ni Jose C . Balein (1959), isinalaysay niya ang masaklap na pagkatalo ng Iglesia Watawat ng Lahi sa Bicol noong 1955 nang sumagupa ang mga kasapi nito sa konstabularya. Si San Juan ang lider ng grupo-sampu ng kanvang mga kasama ay mav suot na maliliit na pulang puso sa dibdib upang di-umano ay hindi sila tablan ng bala. Hindi nalalayo ang kasaysayan ng grupong ito sa nangyari sa mga kasapi ng Cofradia de San Jose ni Hermano Pule noong 1840.

Sa “Anting-Anting, the Native Defense Against Evil Contained in a Medal, or Amulet" (1952), sinabi naman ni Ernesto A. Franco na ang paghahanap ng anting anting ay gawaing hindi nauukol sa isang karaniwang nilalang. Sa Katagalugan, Kabisayaan at maging sa ilang panig ng Mindanao, ang paghahanap sa itim na karunungan ay para lamang sa mga taong matapang, mapangahas, at nasisiraan ng bait. May mga teoryang inilahad si Franco tungkol sa pinagmulan ng anting-anting.

Una, ayon sa mga albularyo, nanggaling ang anting-anting sa mga nilalang na tulad ng kapre (na naglalakad sa hatinggabi na kasintaas ng mga puno), aswang (kumakain ng laman ng tao at nag-aanyong hayop), tianak (sumisipsip sa dugo at lamang-loob ng sanggol sa pamamagitan ng mahabang nguso nito), tikbalang (nagaanyong hayop upang linlangin at akitin ang kanyang biktima), sigbinan (nagiging buwaya), manipulat (may kapangyarihang pag-ibigin o pag-awayin ang dalawang tao), at mangkukulam o manggagaway (may manyika na tinutusok upang saktan ang isang tao).

Ang pinagmulan ng nasabing masamang anyo o mga nilalang ay naglaho sa paglipas ng panahon. Maraming naniwala na ang mga iyo'y nagkatawang-tao o naging masasamang anito, pagkaraa'y naging halaman, hayop o bagay na namiminsala sa sangkatauhan. Sa gayon, walang laban ang tao sa ganitong mga nilikha. Hindi pantay ang laban. At upang may maipananggalang lumikha ang mga sinaunang Pilipino ng anting-anting na lubhang makapangyarihan. Sa pagkakaroon nito, nagiging isa siyang di pangkaraniwang tao na may angking kapangyarihang kasukat ng sa kaaway.

Ang ikalawang teoryang inilahad ni Franco ay tungkol kay Jesus at wala ito sa Bibliya: nag-aral si Jesukristo ng mahika sa India sa panahon ng kanyang kabataan mula labintatlo hanggang tatlumpung taong gulang.

Isa pang teorya tungkol sa pinagmulan ng anting-anting ay ang paniwala na dala ito ng mga misyonerong Espanyol. Ang mga nauna sa mahihiwagang armas na ito ay malalaking bilog na mga metal na buong ingat na inukitan ng mga relihiyosong larawan at naglalaman ng mga lihim na salita. Ayon sa mga kuwento, nahabag ang mga Heswita sa mga katutubo na walang kalaban-laban sa mga sundalong Kastila at sa mga puwersa ng paganismo; ang mga itak ay nagmistulang laruan laban sa pulbura at mga halimaw. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pari ay nagpakalat ng anting-anting sa mga katutubo. Ayon sa sabi-sabi napag-alaman ito ni Reyna Isabela kung kaya't ipinatapon ang mga Heswita.

Mula sa mga teoryang ito makikita ang pagsasanib ng Kristiyano at katutubong paniniwala sa ritwal ng pagtatamo, consagracion, pagpapaandaar at pagsubok ng anting anting.

Mahal na Araw kung hanapin at subukin ang bisa ng anting-anting. May iba't ibang paraan ng pagkuha nito. Sa Batangas ang mga tirong (ipinagpapalaganya mga propesyunal na Robinhood) ay nagpupunta sa sementeryo sa hatinggabi upang humanap ng puntod ng sanggol na kalilibing pa lamang. Dapat, hindi pa nabibinyagan ang sanggol o kaya nama'y ipinalaglag ito. Inilalagay ito sa loob ng bumbong na kawayan na may maliliit na butas sa ilalim. Ang lumalabas na katas nito ay tinitipon sa isang bote at iniingatan hanggang sumapit ang Mahal na Araw Pagtuntong ng Semana Santa, araw-araw na iinom mula sa bote ang tirong, mula Lunes Santo hanggang Biyernes Santo.

Ang pagsubok naman sa kapangyarihan ng isang anting-anting ay ginagawa kung Sabado de Gloria o Linggo ng Pagkabuhay. Ganito ang ritwal na ginagawa kung Sabado ng hatinggabi o bisperas ng Linggo: Maliligo sa isang batis, at upang masubok ang bisa ng anting-anting, tatalon sa matutulis na tulos ng kawayan. Kapag hindi nasaktan, gagawin ang susunod na pagsubok: hihiwain ng itak ang sarili. Sa ganito nagkakaroon ng kabal at hunat sa mga patalim ang isang tao.

Nakukuha rin ang anting-anting sa sementeryo. Maaaring magpunta ka rito kapag alas dose ng gabi kung Miyerkoles Santo o Huwebes Santo at maglagay sa ibabaw ng nitso ng mga pagkain, isang baso ng alak, at dalawang kandila na may sindi. Bago maupos ang mga kandila, mauubos ng mga espiritu ang pagkain at alak, at makakaiwan ang mga iyon ng isang puting bato sa isa sa mga lalagyang wala nang laman. Makikipagtunggali ngayon ang naghahangad ng anting-anting sa espiritung tinatawag na lamang-lupa upang makuha ang anting-anting. Yaong may di pangkaraniwang tapang o pangahas lamang ang gumagawa nito. Kadalasan sila yaong nagiging punong rebelde o tulisan.

Sa Kabisayaan isang paraan ng pagtatamo ng anting-anting ay ang paghukay sa puntod ng isang pusang itim na nakalibing sa magkakrus na daan, kung Biyernes Santo. Ipinagpapalagay din ng mga Bisaya na ang telang itinali sa ulo ng patay ay nagbibigay ng iba't ibang kapangyarihan: may sa tagabulag, may kunat at kabal sa patalim, panlaban sa sakit, at nagbibigay ng suwerte sa sugal. Upang makuha, kailangang tatlong ulit na tumakbo paikot sa bahay ng patay. May higante siyang makakasagupa at mag-aagawan sila sa pagkuha sa mutya; sa sandaling mapasakamay niya, dapat ilagay ang mutya sa kanyang kili-kili.

Sa Mindanao, sinumang nais magkaroon ng galing ay nakikipaglaban sa demonyo sa pamamagitan ng pambayo ng palay sa hatinggabi ng Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Kapag nagapi, mag-iiwan ang diyablo ng isang bato na magiging anting-anting. May paniwala rin sa Bisaya't Mindanao na makakakuha ng anting-anting kapag binantayan ang paglaglag ng mutya mula sa puso ng saging kung Biyernes Santo. May higanteng darating upang makipag-agawan sa pagkuha ng mutya. Kapag natalo ang higante, lululunin ng nanalo ang agimat at magmula sa sandaling iyon ay hindi na siya matatalo sa anumang labanan.



Source: ANTING-ANTING (O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala)
, Nenita D. Pambid

MGA LIHIM NA LATHALAIN

Sa underground o lihim na publikasyon, mababanggit ang dalawang akda ni Melencio T. Sabino, ipinagpapalagay na tagapagtatag ng samahang Agnus Dei at kasamahan ni Icasiano Nasaire sa pagpapalaganap ng paggamit ng medalyon at lihim na karunungan. Ang una ay Secreto: Mga Lihim na Pangalan at Lihim na Karunungan na nalimbag noong 1950. Nasa pabalat ng librito ang medalyong Sagrada Familia at Santisima Trinidad. Diumano, masaklaw na tinatalakay ng librito ang larangan ng lihim na karunungan. Ang pagbatid ng mga lihim na pangalan ng Diyos, ayon dito, ay kapangyarihan. Gayunman, hindi ito tuwirang nagpapaliwanag kung paano gagamitin ang medalyon at kung anong kapangyarihan mayroon ito. Isang teksbuk lamang na maituturing ang librito at kailangan pa ng isang guro upang maiugnay ang medalyon at ang nilalaman nito.

Hindi nalalayo ang ikalawang libro ni Sabino, ang Karunungan ng Diyos na nalimbag noong 1955. Pinalawak na bersyon lamang ito ng naunang librito at tumatalakay hanggang sa Bagong Tipan. Sinangguni ni Consolacion Alaras ang libro sa pagpapaliwanag niya sa adhikain at pagsulpot ng mga samahang milenaryo. Dalawang medalyon ang nakalarawan sa Karunungan: ang Sagrada Familia/Santisimo Sacramento at ang Infinito Dios, kasama ang mito ng unang paglikha at ang ginamit na mga oraciones. Tulad sa naunang akda, wala rin itong tuwirang paliwanag kung paano gagamitin ang mga medalyon.

Hindi nakasaad ang palimbagan ng dalawanga klat na nabanggit sapagkat lihim ang sirkulasyon ng mga ito. Hindi madaling makakuha ng kopya at kung makabili man ay may kamahalan: ang manipis na librito ay P120.00 at ang makapal na Karunungan ng Diyos ay P1,500.00. Noong 1967, ayon kay Dr. Prospero Covar, P50.00 lamang ang Karunungan ng Diyos. May iba pang libro si Sabino subalit wala nang makuhang kopya sa kasalukuyan

Maninipis lamang ang iba pang librito, at karamihan ay walang nakasaad na awtor, lugar at iba pang detalye ng paglilimbag katulad ng mga aklat ni Sabino. Ang mga librito na may hayag na awtor ay yaong mga sinulat ni Demetrio O. Sibal, may-ari ng Saldem Commercial. Narito ang ilan sa mga librito:
AKLAT SECRETO NG KABALISTIKO. Kulay-berde ang pabalat nito at may sukat na 100 cms.x 128 cms. Naglalaman ito ng mga oracion at tagubilin kung paano" mapapalakas" ang kapangyarihan ng medalyon at magkakaroon ng kabal at kunat sa katawan upang hindi tablan ng bala ng baril o patalim sa loob ng 24 oras. Sa kalaunan ng pananaliksik, natuklasan kong sinulat ito ng yumaong Demetrio Sibal. Marami pang ibang aklat si Sibal na mabibili.

THE KABBALISTIC POWER OF OCCULTISM. May sukat itong 102 cms. x 128 cms. at katulad din ng mga naunang librito. Ang tanging ikinaiba'y nakasulat ito sa ingles at Filipino. Nakatuon ang libro sa psychic treatment of illnesses, psychic build-up, at psychic attack. Ang ikalawang bahagi ay nauukol sa mga makabago at kanluraning mga gamot (halimbawa'y Phisohex, Benadryl, Casec, at Ambracyn) na mabibili sa mga botika at may kasamang preskripsyon at dosis. Ginagarwa ito upang ang panggagamot na ispiritwal ay masabayan ng panggagamot na mareryal. Sa iibrito, magkakahalo ang kaalaman sa mahika, gayuma sa pag-ibig, suwerte sa kabuhayan at sa sugal, at iba't ibang aspeto ng pamumuhay. Sa ikalawang kabanata ginamit ng may-akda ang wikang Filipino. Mabibili ang librito sa Saldem Commercial.

7 LLAVES, 7x7 VERTUDES. May sukat itong 55 cms. x 71 cms., kulay-pula, at may 145 pahina. Ang aklat ay naglalaman ng serye ng motif na piro (ngunit walang paliwanag tungkol dito). Mga halimbawa: 7 liaves.7 x7 vertudes,7 ojos, 7 cabesas7. selios,7 bakas, 7 cuerpos, 7 sulog, 7 brazos,7 ilawan, poder de siete llaves, 7 espiritus, at iba pa.

LOGOS. May sukat itong 54 cms. x 98 cms., kulay-salmon ang pabalat, at binubuo ng 180 pahina. Ipinaliliwanag sa simula ang kahulugan ng logos at ilang oracion. Librito o katologo ito ng iba't ibang disenyo ng anting-anting o medalyon at iba pang simbolo't tauhan sa katutubong mitolohiya at sistema ng paniniwala.

KABABALAGHANG LIHIM NG NIÑO JESUS. Kulay-asul ang pabalat, may sukat na 52 cms. x 81 cms., at may 91 pahina. Naglalaman ito ng mga kuwento tungkol sa kagilagilalas na karanasang diumano'y batay sa buhay ng batang si Jesus. Kasama sa kuwento ang mga oracion sa pidgin Latin, kahalo ng salitang balbal upang ipakita kung saan magagamit ang mga oracion batay sa sitwasyon sa kuwento. Halimbawa'y yaong gamit sa may sakit, sa culebra, sa pagpapaamo sa mababangis na hayop, sa pagpapatigil ng dugo sanhi ng taga, at iba pa.

KASAYSAYAN NG LANGIT, KAPANGYARIHAN LABAN SA KASAMAAN. Para itong librito ng novena, kulay-puti ang takip, may balot na plastic, may sukat na70 cms. x 101 cms., at may 52 pahina. Ang unang bahagi ay tungkol sa mito ng paglikha ng langit ar lupa, na kinakatawan ng anting-anting na Infinito Dios na hindi pa binyagan at Infinito Dios na nakadamit na kung tawagin ay binvagan. Sa pagtatalo ng Diyos Anak at ng Infinito av nagbatuhan sila ng mga oracion. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, ipinapakita sa mambabasa kung saan-saang mga sitwasyon at pagkakataon magagamit ang oracion na sinambit ng mga tauhan sa kuwento. Ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga oracion para sa pakikipaglaban o para sa kabal. Binubuksan ng bahaging ito ng oracion ang paksa tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo.

LIBRO SECRETO DE CRIE ELEISON. Kulay-asul ang pabalat, may sukat na 55 cms. x 73 cms., may 24 pahina. Nakalagay dito ang susi sa sekretong alpabeto at numero) at ang lihim na pangalan ng Diyos, subalit walang kasamang paliwanag. Mahigpit ang babala sa bumabasa na huwag gagamitin sa masama. Ang prinsipyong nakakahalintulad sa paggamit ng mga oracion ay ang mantra sa yoga-sa isip lamang at hindi binibigkas nang malakas. Malakas ang impluwensiya ng Katolisismo na mababakas sa paghiling sa bumabasa na magdasal ng Credo, Pater Noster at Ave Maria bago ipagpatuloy ang pagbabasa. Ginagarantiyahan ng aklat na makagagawa ng himala ang paggamit ng mga oracion.

VIRGEN ENCANTO DE DIOS VIAJE STA MARIA. Kulay-berde ito, may sukat na 53 cms. x 73 cms., at may 43 pahina. Listahan ito ng mga oracion at gamit ng mga iyon. Karamihan sa oracion ay para sa panggagamot. Mayroon ding para proteksiyon at para makapaghimala ng pera-piseta at dies, na mahihinuhang panahon pa ng Kastila ang oraciong ito. Sa pahina 34, matatagpuan ang katutubong pangalan ng Infinito Dios na parang sinasabi: noong dumating ang mga Kastila, nabigyan ito ng pangalang Espanyol, subalit nanatiling katutubo. Sa aking hinuha, pinakamakapangyarihan at mabisa ang Dios na ito, Dios na ayaw pabinyag at nagtago sa bato na maaaring ipakahulugan na anting-anting.

Marami pang libro na sulat-kamay, malalaki ang limbag, at kasukat ng karaniwang libro subalit wala nang mabibiling kopya ngayon. Ang iba nama'y hindi talaga ipinamamahagi, para lamang sa personal napag-aaral at ipinagpapalagay na nauukol sa mas mataas na antas ispiritwal.



Source: Nenita D. Pambid, Anting-Anting (O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala) – University of the Philippines Press 2000

ANTING-ANTING

Noong panahon ng Rebolusyong 1896, may mga ulat na may itinatagong anting-anting ang ilang rebolusyonaryong Pilipino. Tampok sa mga anting-anting na ito ang tinatawag na "Santisima Trinidad," ipinagpalagay na ginamit nina Emilio Aguinaldo at iba pang opisyal ng hukbong rebolusyonaryo. Ang ginamit naman ni Andres Bonifacio ay ang "Santiago de Galicia / Birhen del Pilar" at kay Antonio Luna, ang "Virgen Madre."

Noon namang panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, natagpuang suot ng isang nasawing "insurrecto" ang isang chaleco na may nakaguhit na larawan ng Infinito Dios at itinuturing iyon na isa ring anting-anting.

Ipinahihiwatig sa mga halimbawang ito, lalo na sa larawan ng Infinito Dios, na naging makabuluhan ang anting-anting sa saloobin ng mga Pilipino sa kanilang pakikipaglaban sa mga dayuhan para ipagtanggol ang Inang Bayan. Sapagkat hindi nakamtan ng masang Pilipino ang tunay na kalayaan at pagkakapantay-pantay) sinikap nilang matamo ang mga iyon sa ibang paraan. Ang mga maralita't api na walang kapangyarihan dahil sa kahirapan-ay sumapi sa iba't ibang mga samahan at kapatirang milenaryo upang magtamo ng di-karaniwang kapangyarihan.

Noong 1967, ang LAPIANG MALAYA sa pamumuno ni Valentin "Tatang" de los Santos ay humingi ng mga pagbabago sa administrasyon ni Ferdinand E. Marcos. Mga itak at anting-anting lamang ang hawak nila nang walang-awa silang paslangin ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, ang anting-anting ay ginagawa nang maramihan upang magtamo ng katuparan ang iba't ibang pangangailangan sa buhay, mapabanal man o hindi sacra o profana. Ganito ang makikita sa mga katalogong ipinamamahagi nang libre sa Peter's Mystical Book Center at sa Saldem Commercial Enterprises, mga katalogong ipinagbibili naman ng ilang tindera ng anting-anting sa Quiapo. Ginagamit ang anting-anting sa pagpapagaling ng nakulam o naengkanto, sa panggagayuma, at maging sa panggagamot. May mga anting-anting na pinaniniwalaang nakapagbibigay proteksyon laban sa mga kapahamakan tulad ng bagyo, lindol, sunog, aksidente, at pananambang. Ang ilan naman ay sinasabing panlaban sa masasamang espiritu tulad ng nuno sa punso, tikbalang, duwende, lamang lupa atbp. May ginagamit din para suwertehin, umunlad ang negosyo, makapasa sa eksamen, maging maligaya at matiwasay ang pamumuhay ng pamilya, madaling makapanganak, o maging ligtas sa sakuna kung naglalakbay.

Ang panampalataya sa Nuno o Bathalismo ang katutubong pananampalataya ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito ang mitong pinaniniwalaan ng mga milenaryo sa Banahaw at ng iba pang samahan sa Maynila't karatig na lugar at maging ng mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng anting-anting Ngunit sa paglipas ng panahon, ang Dios-na-Tatlong-Persona-sa-lisang-Dios na ipinakilala ng mga Kastila sa mga Pilipino-ay maaaring "isang katutubo" at inangkin ng mga Pilipino, o maaaring naging Hispanisado o inihulog (?) sa Kastila si Bathala.

Ayon sa kuwento, ang Infinito Dios ang una at pinakamakapangyarihan sa lahat. Lumikha siya ng dalawampu't apat na banal na mga espiritu at doo'y kanyang pinili ang Tatlo na nakilala sa mga tawag na Tatlong-Persona-sa-Iisang-Dios, Sagrada Familia, at Santisima Trinidad. Ang Tatlo ay kanyang kinatulong at pinaganap sa kanyang mga planong paglikha na ginawa nila ni Maria o Gumamela Celis.

Nang mag-usap ang Tatlong Persona - Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo - tungkol sa mga bagay na kanilang nilikha, biglang nakisali at nakipagtaguan sa Tatlo ang Nuno o Infinito Dios. Buo ang akala ng Tatlo na sila ang nauna at may karapatang magplano ng mga lilikhain. Hindi nila nalalaman na naplano na pala ang lahat bago pa man sila nalikha.

Lubhang naguluhan ang Tatlong Persona sa misteryosong tinig na kanilang narinig at sa kanilang mga nakita: anyong matang may pakpak, liwanag, at isang matandang lalaki. Habang hinahabol ng Tatlo ang mahiwagang tinig, nagpalitan sila ng mga oracion o makapangyarihang salita hanggang makarating sa pintuan ng langit. Sa yugtong ito, ang Tatlong Persona ay tatawaging "Sagrada Familia."

Hindi alam ng Tatlong Persona na nagmula sila sa Iisang Dios - ang Nuno na ang Dios Ama ay anak ng Nuno, at ang Dios Anak ay apo. Sapagkat hindi ito alam, ninais nilang sakupin at binyagan ang napagkamalan nilang diyos ng mga ereje upang mailigtas. Natapos ang habulan nang pumasok ang Nuno sa Bundok Boord. Pagkatapos ng labanan at batuhan ng mga oracion, at sa mabuting pakiusap, pumayag na magpabinyag ang Nuno (walang iniwan sa isang nakatatandang nagpapaunlak sa kahilingan ng isang nakababata) subalit gagawin ito sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan.

Inilabas ng Nuno ang kanyang daliri sa bato upang mabinyagan, tulad ng nakalarawan sa anting-anting na Infinito Dios. Gayunman ang nangyari, sinasabi ng isang kahiwagaan na hindi talaga nabinyagan ang Nuno.

Tatlo ang pinagmulan ng kuwento kung paano nakipaglaban ang Tatlong Persona sa Nuno, at kung paanong ang mito at ang mga oracion ay matatagpuan sa simbolismo ng anting-anting na Infinito Dios. Mabibili ang gayong anting-anting sa mga naglalako ng aklat-dasalan, kandila at medalyon sa Quiapo. Ang tatlo: (1) Melencio T. Sabino, Secreto: Mga Lihim na Pangalan at Lihim na Karunungan (walang palimbagan, 1950); (2) M.T. Sabino, Karunungan ng Diyos (1955); at (3) Kasaysayan ng Langit Kapangyarihan Laban sa Kasamaan.

Makikita mula sa teksto ng mito ng Infinito Dios ang iba't ibang kapangyarihan na ipinagpapalagay na taglay ng anting-anting na Infinito Dios. Maaaring gamitin ang anting-anting ng sinumang marunong magpaandar ng kapangyarihan at mag-aalaga nito.

Masasapantaha na nahirapang unawain ng katutubong isipan ang konsepto ng Tatlong-Persona-sa-Iisang-Dios, kung saan ang ikalawang personang si Jesus ay may mga magulang na karaniwang tao. Upang maging malinaw sa isipan, ang Tatlong Persona (Holy Trinity o Sagrada Familia) ay pinag-isa sa Nuno o Bathala at binigyan ng pangalang Kastila: Infinito Dios. Sinasabi ng mito na ang Infinito Dios ang una at pinagbubukalan ng lahat ng kapangyarihan; sa gayon, nawawala ang alinlangan sa isip na nililikha ng hiwaga ng Tatlong Persona o Santisima Trinidad, at ng Sagrada Familia (ang taong pamilya ni Jesus na ikalawang persona). Pinag-isa ng mito ang katutubong paniniwala sa mga anito (o pagsamba sa mga ninuno) at ang pananampalatayang Katoliko na dala ng mga Kastila; sa gayon, ginagawang Nuno at pinagmulan ng Kastilang Dios ang katutubong Dios na pinakamakapangyarihan sa lahat na si Bathala o Infinito Dios.

Masasabi na ang Infinito Dios o ang Nuno (katutubong Bathala ng mga Tagalog) ay ang henyo o galing ng mga Pilipino na napasok sa bato o anting-anting, na kalian man ay hindi nakapamulaklak at nakapanaig dahil sa kahirapan at kawalan ng kapangyarihan.

Ang patuloy na paniniwala sa kapangyarihan ng anting-anting sa lipunang Pilipino ay paalala na kinakailangan ang isang tunay na pagbabago tungo sa tunay na kalayaan at kaginhawahan ng masang Pilipino.


Source: Nenita D. Pambid, Anting-Anting (O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala) – University of the Philippines Press 2000

MGA PAG-AARAL TUNGKOL SA ANTING-ANTING SA PAMANTASAN

Sa mga pag-aaral naman ng mga iskolar tungkol sa anting-anting, ang pinakabago ay yaong ginawa ni Ma. Bernadette G. Lorenzo-Abrera, “Ang Numismatika ng Anting-Anting, Panimulang Paghawan ng isang Landas Tungo sa Pag-unawa ng Kasaysayan at Kalinangang Pilipino" (1992). Inuri ni Abrera ang mga anting-anting sa likas at di-likas na anyo, at iniugnay ang anting-anting sa pagkadalisay ng pagkataong Pilipino. Mababanggit din ang kay Daniel J. Scheans at Karl Hutterer, S.VD., "Some Oracion Tattoos from Samar" (1970) Richard Arens, S.VD., "The Use of Amulets and Talismans in Leyte and Samar" - at ang "Librito sa Orasyones" ni Juan Calang noong 1900 na inedit, isinalin at nilagyan ng anotasyon ni Francisco R. Demetrio, S.J. (1972). Nakatuon ang tatlong pag-aaral na ito ng mga pari sa oracion at sa mga anting-anting na mula sa pamamagitan ng paglilinis at pagsasakripisyo lalo na sa panahon ng Mahal na Araw. Inilahad din niya ang mga pamanlaraan ng pagtatamo ng anting-anting, katulad ng nabanggit sa artikulo ni Francia.

Nagbigay din si Ileto ng iba pang pamamaraan ng pagtatamo ng anting-anting na irindi nakakatakot. Ayon sa kanya, ang pinakapalasak na pamamaraan ay sa pamamirgitan ng pagkuha ng mga bagay na ginamit o kaugnay ng mga ritwal kapag Mahal na Araw. Ang malaking pang-kuwaresmang kandila na cirio pascual, ang mga kandilang ginagamit sa seremonya ng ganap na kadiliman (lalo na yaong pinakahuling pinapatay); ang monstrance na pinaglalagyan ng banal na sacramento, ang mesa na pinagkukumunyunan, at maging ang batingaw na tumutugtog ng alas tres kung Biyernes Santo ay hinahati sa maliliit na piraso na nagsisilbing anting-anting. Sa ibang bayan, ang mga piraso ng papei ay sinusulatan ng mahiwagang ingkantasyon at inilulubog sa agua bendita sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay at sa gayo'y nagiging anting-anting. Marami pang maidadagdag na detalye na maituturing na kaalamang bayan, tulad ng mga sumusunod na salaysay mula sa Paete Laguna:

Our great revolutionist and rebels used various forms of anting-anting "The one possessed by Asedillo, Ronquillo and even our common “beteranos” were in the form of medallions made of copper or bronze wherein images of the Sacred Family were engrave together with Latin scriptures. The only time these "anting-anting" medals were acquired was during the ceremony of the church on Good Friday.

Sa ating kasaysayan ang anting-anting ay naging makabuluhang bahagi ng pakikihamok at pagtatanggol para sa kalayaan, katarungan, katwiran, at kabanalan. Sa kanilang pagsalakay taglay ng mga kasapi ng Cofradia de San Jose ni Apolinario de la Cruz (1840) ang dignidad sa pagharap sa mga sundalong Kastila na nagpapakita ng kamalayan ng isang nagtataglay ng anting-anting. Naniniwala silang di sila tatablan ng bala ng mga Kastila kaya walang takot silang sumasalakay. Gayon din ang paniwala ng mga Katipunero na hindi miminsang pinag-ukulan ng pansin ng mga peryodista at historyador. Nalathala sa New York Herald noong Pebrero 1897 na lahat ng kawal sa hukbo ni Aguinaldo ay may suot na "scapularies and crucifixes around their collars... and also a band of red cotton cloth having another anting-anting secured inside.” Ayon pa rin sa ulat, si Aguinaldo naman ay may kasa-kasamang dalawang batang lalaki na nagsisilbing anting-anting na magliligtas sa kanya sa panganib.Ipinagpapalagay ng mga tauhan ni Aguinaldo na ang kanyang mga tagumpay sa labanan ay bunga ng kanyang makapangyarihang anting-anting. Itinuturing siyang "possessed of magic powers; he could foresee the future; he was invulnerable; he had a magic sword by waving which he could turn bullets in their flight."

May sapantaha si Ileto na naniniwala si Aguinaldo sa anting-anting sapagkat kailangan siyang umayon sa paniniwala ng kanyang mga sundalong magsasaka tungkol sa kung ano ang dapat taglayin ng isang taong makapangyarihan. Ayon kay Claudio Miranda, may akda ng Costumbres Populares (1911), sa “matatalinong opisyal” ang anting-anting ay “a simple stimulant to infuse valor and maintain that serenity and cold bloodedness which all the armies of the world need.”

Ikinuwento ni Hen. Artemio Ricarte, sa kanyang Himagsikan ng manga Pilipino Laban sa Kastila, kung paanong si Eusibio Di-Mabunggo, pinuno ng mga tagapagtanggol ng Cacarong de Sili sa Bulacan, ay namahagi sa kanyang mga tauhan ng mga bilog na piraso ng papel; sa gitna nito, may nakasulat na krus na napapalibutan ng mga salitang Latin. Habang may inuusal siyang mahiwagang pormula, nilululon ng kanyang mga tauhan ang mga papel na buo ang pananalig na maliligtas sila sa kapahamakan. Sa gayon, sa kanilang paniwala ay napasakanila ang kapangyarihang natipon sa parang ostiyang papel na inuugnay sa kamatayan at pagkabuhay ni Kristo. At upang magkabisa ang kapangyarihan ng anting-anting ay may binigkas na mahiwagang pormula si Eusebio. Sinasabi rin ng kanyang mga tauhan na sinumang matanaw niya sa sandali ng pakikihamok at kanyang nabasbasan ay makakalaya sa panganib at kahirapan ng buhay.

May paniwala si Ileto na hindi maitatatwa na si Eusebio Di-Mabunggo ay may matinding konsentrasyon ng kapangyarihan sa kanyang pagkatao kaya nagawa niyang pukawin o antigin ang ilang tao sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin. Tinurol din ni Ileto ang katotohanang ito sa partikular na yugto o pangyayari sa sa kasaysayan ng rebulosyong Pilipino at nagpapahiwatig sa atin na ang sambayanang Pilipino, sa pamumuno ng karismatikong lider, ay nakikihamok nang buong tapang laban sa mga Kastila. Subalit higit pa rito, itinuturo ang isang mundo ng kaisipan na siyang pinagsasaligan ng pakikibaka ng masa. Sa kabila ng madalas na banggit sa anting-anting sa mga dokumento at panayam sa mga beterano sa Katipunan na nagtuturo sa makabuluhang papel na ginampanan sa pag-iisip at motibasyon ng mga rebeldeng magsasaka, tulisan, sundalo at maging heneral ng rebulosyon, ang paksa ay hindi pa nabibigyan ng dalubhasang pag-aaral at atensiyon. Ayon kay Ileto, ang suliranin marahil ay nag-uugat sa pagtutol ng moderno, rasyunal at maka-agham na pag-iisip na pag-aralan, kundi man tanggapin ang katotohanan ng naiibang konseptuwal na sistema. Ang ganitong uri ng pananaw, dagdag pa ni Ileto, ay nakahahadlang sa maaaring pag-aralan sa nakalipas sapagkat ang kalakhan nito ay hindi mauunawaan sa kasalukuyan, kaya winawalangbahala na lamang ito.

Samantala, may maikling artikulo si Dr. Propero R. Covar tungkol sa anting-anting na nalimabag sa Sagisag noong 1979 at muling nalimbag sa Asian Studies noong 1980 sa higit na mas mahabang anyo ng pagtalakay. Sa artikulo, nabanggit niya ang tungkol sa KARUNUNGAN NG DIYOS na pinaghahanguan ng mga oracion para sa anting-anting. Tulad ni Ileto, sinabi niya na pang pagpipinitensya ng pag-aanting ay hindi lamang upang magsisi ng kasalanan kundi upang mapangalagaan ang kanilang mga anting-anting at linisin ang kalooban para maging karapat-dapat na "templo ng kapangyarihang anting-anting." Binanggit din sa artikulo ang iba't ibang posibilidad na pinagmulan ng anting-anting subalit wala rin itong mas malalim na paliwanag. Ang artikulo ay panimula lamang at maliit na bahagi ng isang mas malawak na kaalaman at kakaibang daigdig ng mga konsepto; isang pananaw sa mundo na matagal nang nakaugat sa kamalayan ng mga katutubong Pilipino at naging pananggalang laban sa pananakop ng mga dayuhan.

Kung may pananaliksik mang nasulat na kakikitaan ng pang-unawa at pagmamalasakit, ito ay ang pag-aaral ni Romeo A. Solina, isang estudyante ni Dr. Covar sa Unibersidad ng Pilipinas: "Talismanic Tradition Among Tagalogs" (1979). Sinuri ni Solina ang tatlumpu't limang medalyon ayon sa gamit, at ibinigay niya ang mga oracion na kanyang nakuha mula sa gumagawa ng anting-anting sa Baclaran. Nagbigay din siya ng maikling paliwanag tungkol sa pagpapaandar at pag-aalaga ng anting-anting. Iminungkahi rin niya na gumawa pa ng mga pag-aaral tungkol sa anting-anting hindi lamang ng mga Tagalog kundi maging ng iba pang mga rehiyon upang makabuo ng Filipino theogony o sistema ng pananampalataya na mahahango mula sa mga talisman at ng mga kaukulan nitong oraciones.

Bukod sa mga nabanggit, may isang bungkos pa ng papeles sa NATIONAL ARCHIVES na ang pamagat ay “Asuntos de Anting-Anting" na tumutukoy sa mga kaso kaugnay ng anting-anting sa Catbalogan noong 1884-1885. Mayroon din isang sipi ng oracion na nagsisilbing anting-anting sa panggagamutan na matatagpuan sa bungkos na tinatawag na "Sediciones y Rebelliones Medico Titulares."



Source: Nenita D. Pambid, Anting-Anting (O Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala) – University of the Philippines Press 2000

Sunday, December 11, 2011

PAGCONSAGRA, PAMBUHAY SA MGA GAMIT ESPIRITUAL - By: Genro Ymas

May mga tao na may gamit na marunong ng ritual Pam-blessing, Consagrasyon, pagkakarga ng ora sa mga gamit material, pambuhay, pambatak, at pagpapalakas. Ang mga ito ang mga sangkap upang ang isang material na bagay na gawa ng tao ay maging espiritual na nagiging depensa ng tao sa masasamang espiritu o depensa tungo sa kaligtasan ng katawan. Tulad ng Chaleko, Medalya, mga Panyo, Habak, o Bote de Guerra ika nga ito ang First Layer ng Depense. Sa katawan ng tao kailangan ang mga material na ito sapagkat sa biglaang gulo o labanan ay siguradong hindi ka na makakabanggit at ang mga ito ang pag-asa natin, ang susunod ay ang Second Layer of Defense ay ang mga tattoo ng mga tanda ng Cristo. Galacia 6:17. Habang nakatatoo ito sa katawan ng buhay sa balat ay automatikong buhay din ito at nagniningning sa katawan. Hindi maramihan na tila Dyaryo ang katawan, 16 letra o hangang 33 at sapat na at siguruhin mong salita nga ng Cristo. Ang 3rd Layer of Defense ay ang Pagbanggit ng mga ora o testamento ng Gabay mo.

Ngayon may mga tao na malalayo sa marurunong at kailangan nilang palakasin ang gamit lalo na at Mahal na araw. Ang mga pamamaraang ito ay matagal ng ginagawa ng mga sinaunang tao na maaari ninyong tularan upang mapalakas ang gamit. Sa Simbahan ng Iglesia Independensia o Aglipayan Church, Huwebes pa lang ng Mahal na Araw ang Santo Intero na nakahiga ay ilagay ninyo ang bungkos ng inyong mga gamit (hindi kasali ang mutya at agimat) sa ilalim ng kumot nito. Bantayan ninyo ito, dahil marami ring naglalagay na may mga gamit. Mimisahan ito at aawitan ng Simbahan awit engkantada. Pag-Biernes Santo na ay ililipat ito sa isang karosa, kunin ninyo ang gamit ninyo at kung maayos na ang pagkakalagay ng Sto.Intero sa karosa ay ilagay uli ninyo ang inyong bungkos. Sa Prosisyon, sumama kayo. Pagkatapos ng Prosisyon sa loob o sa labas ng Simbahan ay Coconsagrahan ito ng Pari. Matapos gawin ang Consagra ay kunin na ninyo ito. Kinabukasan ng Sabado ng pagkabuhay ay isimba mo ito at itaas ang mga gamit pag sindi ng Kandila, bilang Pagkabuhay. Mablessingan kung maaari. Nirerekomenda ko na sa Aglipayan Church gawin, sapagkat hindi mo ito maisasalang sa simbahan ng Katoliko, may salamin ito at bawal lumapit. May mga pagkakataon na hindi mo ito mabantayan kaya ang ginagawa ng iba lalo na sa Simbahan sa mga probinsya ng sa labas inililibing ito ng may gamit para masakop ng misa ng pagkabuhay at saka na lang kukunin pagkatapos ng Misa pagkabuhay. Huwag isama dito ang mga material ng kalikasan/mutya at agimat sapagkat mawawalan sila ng Bisa. Ang dapat sa kanila ay isimba mo pero pagdating sa pagtataas ng Otsas ay dapat nasa labas ka na. Gawin mo ito pagkatapos ng Biernes Santo ng Hain at pagtuob ng mga mutya at agimat sa gabi… sana makatulong sa mga malalayo.

Genro